It’s been ages since my last entry, grabeh! How I miss curling my brain nerves just to post an entry that I think will boost up my ego as a “struggling writer”.
“Struggling writer” hehehe! Sensya na but I consider myself one. Kanya-kanyang trip lang yan. At ito ang trip ko.
I’ve been contemplating some issues, pondering things to blog (mostly naman ay mga experiences — my experience, my neighbor’s, other people’s etc. etc. et al.) pero wala talaga! Naboboba na naman ako.
Though me ginawa akong tula sa panahon ng aking pananahimik, ewan ko kung masasabi ngang tula …. Kaya wag na lang ipost.
Nothing to blog about.
Nawawala ang aking utak.
Kaya kakagatin ko itong tag na ito galing kay Ghee
Ghee said: name 10 of life as simple pleasures that you like the most, then pick 10 people to do the same. try to be original and creative, and not to use things someone else has already used.
Siguro naman original talaga ito dahil “I like the most” nga daw e. Pero medyo nahihirapan ako. Dahil katulad ng hindi ko alam ang tamang pagpapakilala ko sa sarili ko bilang ako, e hindi ko rin alam kung anu-ano ang mga simpleng makakapagpaligaya sa akin. Kaya try ko ha! Tignan natin:
- Ang malamyos na hangin na dulot ng kalikasan. Naalala ko lang yung mga panahon na pag nasa probinsiya ako sa Abra, kahit mainit..masarap ang hangin kaya ok lang kahit na lalong nagpapaitim sa balat ko. Naalala ko rin iyong kahit na maghapon akong nasa terrace sa bahay ng tita ko sa Baguio, hinahampas ng hangin ang mga buhok ko habang pinagmamasdan ang mga bahay sa mga kalapit bundok.
- Fish ball at one day old chicken. Kahit yun lang ang ulam ko solve na ko. (pero wala dito nyan :()
- Kape.
- Yahoo sms at SMS kahit kanino galing basta gusto ako kausapin.
- Gym
- Konting papuri (feeling ko kasi kulang ako diyan e)
- Pagkuskos ng face ko sa face ni Aya (how I miss it!)
- Last year nagbakasyon ang nanay ko dito. That day nang umuwi ang nanay ko sa pinas. Bigla ko siya namiss, me kasama pang pangiyak ngiyak. I love that feeling; yung namimiss ko siya cause I know it shows that I love her. Missing someone means u love that someone diba? Ang maramdaman ko na mahal ko ang nanay ko ay nakakapagpaligaya sa kin.(Grabeh! kailangan ko bang habaan ang pagpapaliwanang ko gayung alam kong naiintindihan nyo naman ako diba? diba?)
- Food …..I like food. Masarap kasi kumain.
- PC (hehehehe simple ba yun? gusto ko laptop kaso mahal e waaaaaaaaaahhhh!!!)
Hindi ko na ipapasa. Ayaw ko e!
| 2.5 |
Viewed 656 times by 146 viewers

manilenya

