Sound trip
Pre! natawa ko dito, sa ganda ni Donita napagkamalan siya? E ano kaya ako? Pero pre hindi yan ang gusto kong sabihin sa yo.
Yoko ng maging emo pre, I mean di na ko magbablog ng emo baka akalain kasi e ganun ako, nag eemo-emohan lang pre, pero di totoo yun. La lang akong maiblog, lam mo na. Limitado kasi kaya ng utak ko e. Boba nga diba?
Kaemohan ko daw dinedicate bigla sa kin ni Chico aka Mico dela cruz aka Tomas de Aquino yung post niya. Pero lam mo pre? walang dating sa kin yung video. Oo totoo! peksman talaga! Wag mo kong titigan ng ganyan….wala kang mahahanap sa mata ko.
Uhmmnn pero ang totoo pre dito ko tinamaan, nain-lab ako pre..di dun sa crush ni dalanginera (bagong blog novela ni chico) kundi dun sa musikang tinipa ni tong hua ba yun? Ang ganda diba? napakinggan mo ba? wala lang, tipo bang pumapasok sa kaloob-looban mo yung musika..feeling mo tahimik ang paligid..kampanteng-kampante ka, walang iniisip kundi namnamin yung naglalarong melodya na nagsasalimbayan sa tenga mo. Tapos maya-maya tulog ka na.
Sarap pre! natry mo na ba yun? yung makikinig ka lang ng sounds? try mo kaya?
Siya nga pala pre!
Pano ba magmature? Immature daw kasi ako e. Oo daw, pero feeling ko ganun nga ako talaga.
Sige. Hanggang sa muli. Teka.
Alam mo yun? nangangati na naman ang mga kamay ko. Gusto ko na namang magbagong bihis. Nahihilo na naman ata ako.
Sige na.. sige na … kita na lang tayo kung kelan tayo magkikita.
Paalam na muna.
| 2.5 |
Viewed 1053 times by 160 viewers

manilenya 
Welkam Bak Sa Akin!!!


No comments yet.