manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

PEOPLE’S INITIATIVE

May 03, 2006 By: User Imagemanilenya Category: Opinion, politics

In support kay major, kawawa naman siya at mukhang nag-iisa lang siya . Ibinibigay ko sa inyo ang pekeng inisyatibo na link. Ito daw ay isang attempt na Google Bombing para sa nag-uumastang sigaw ng bayan.

Panahon pa ni Ramos ay pinagpipilitan na ito ng dating presidente, kung inaakala ng nasa estado na isang magandang panahon ito para sa pagbabago ng konstitusyon at pamahalaan, gusto kong malaman nila na sobra atang bobo ang pagtingin nila sa mamamayang pilipino para tanggapin na lang ito at lunukin ang konting kanin na gusto nilang isubo sa atin.

Ang kapal ng mukha ng gobyernong gamitin ang mga katagang “People’s Initiative” gayung ang karamihang mamamayan e hindi ganoong naiintindihan kung ano nga ba ang charter’s change. Siguro ang kailangan ay palakasin muna ang mga nanghihinang katawan, dahil sa halos hindi na makakain ng maayos ang mamamayang pinoy ay hindi na rin makapag-isip ng matino ang mga ito at saka nila ipa unawa kung ano nga ba ang charter’s change at para saan ito.

Ang tunay na “people’s initiative” ay dapat na nagsisimula sa mamamayan, hindi ng mga taong pumapapel at may mga pansariling interes lamang. Ang tunay na inisyatibo ng mamamyan ay ang pagsusulong ng pambansang kalayaan laban sa oportunista,mandaraya, opresibo at mapaniil na huwad na presidente ng nagtatago sa saya ng amo niyang amerikano. Ang tunay na sigaw ng bayan ay GLORIA RESIGN!

Rate this:
2.5

Viewed 1847 times by 427 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.