Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Please visit this site
    Recent Comments
      Shout Out!
    Sponsors
» 2006 » May

Inabot na ako ng siyam siyam dito..hindi ko pa rin maupload ang ginawa kong screenshot ng larawan…pagkatapos kong magbakasyon mula sa pangagalikot ng template,blog ng may blog, iba ko pang blog ay napagpasyahan kong ilagay sa isang blog yung mga litrato na kinuha ko. May nakapansin na kasi na nagiging photoblog na daw ang blog na ito. Nye!! eto na pala…sa wakas! Hirap talaga ng nakikigamit ng wi-fi account. Napapansin kaya ng hinihiraman ko na bumabagal ang connection niya? wag namn sana. Ayaw pa rin! tsk tsk tsk..hindi bale magtiya-tiyaga ako. First post ko ata ito ng screenshot, dahil ngayon ko lang nalaman kung paano ito gawin.

Sige antay lang ng antay. Wag naman sana akong abutan ng oras ng pagluluto ng dinner dito ano!

……..hayyyyy!!! Antay pa rin!!!

Labas ng kwarto.

Ayun! sa wakas, pagkatapos kong iprepare ang ipapakbet at i-dedeep fry na seabass naupload din.

Photobucket - Video and Image Hosting
Ang larawan
Pinalalakas ko ang loob ko, nagpapanggap akong may “passion” sa pagkuha ng mga litrato at pagkatapos ay ginagawan ko ng maikling kwento batay sa karanasan ko at ng ibang tao.
Nagpasiya akong pagsama-samahin na lang sila sa iisang site parang labahin diba? sama-sama ang de-kolor at ihihiwalay sa mga puti para kunwari ay isa akong organisadong tao.
Ang Background
Ang walang kamatayang background ng seksing babae. Sa mga nauna ko ng kaibigan sa blogging tiyak na kilalang kilala nyo na siya. Ewan ko, patay na patay ako sa litratong ito at gustong gusto ko siyang gamitin bilang background sa template. Sabi ko nga dati, magisip na ang gustong mag-isip, kung saan sila dalin ng kanilang isipan para lang kilalanin ang may gawa ng blog ay wala akong paki-alam. Gusto ko pa rin siya.
Gusto ko siyang ilagay sa aking domain, pero hindi ko na naman alam kung bakit hindi ko siya maipublish dito. Kung sana’y may mahaba-haba pa akong oras….pero wala….sayang.
Rate this:
2.5

Viewed 104 times by 38 viewers

It’s been ages since my last entry, grabeh! How I miss curling my brain nerves just to post an entry that I think will boost up my ego as a “struggling writer”.

“Struggling writer” hehehe! Sensya na but I consider myself one. Kanya-kanyang trip lang yan. At ito ang trip ko.

I’ve been contemplating some issues, pondering things to blog (mostly naman ay mga experiences — my experience, my neighbor’s, other people’s etc. etc. et al.) pero wala talaga! Naboboba na naman ako.

Though me ginawa akong tula sa panahon ng aking pananahimik, ewan ko kung masasabi ngang tula …. Kaya wag na lang ipost.

Nothing to blog about.

Nawawala ang aking utak.

Kaya kakagatin ko itong tag na ito galing kay Ghee

Continue Reading »

Viewed 107 times by 35 viewers

Dumbell exercises (chest, biceps, triceps —-3 sets of 10 everyday, 2.5 to 5 kgs. for a starter)
threadmil (walk or run for 15 to 30 minutes a day)
different exercises to reduce excess fats (mostly sa tummy and legs)

I haven’t thought that I will enjoy every minute of my time spending in the gym. Grabeh! nakakaadik pala talaga.  I have found a sense of fulfillment (narinig ko ito dati kay jackie lou blanco) after mag work-out.

Matagal ko ng plan ang mag gym since free naman ito dito sa condo, pero inaabot ako ng katamaran, lalo na at nag-iisa lang naman akong pupunta sa clubhouse.  Thanks sa bro ni bayaw na gym enthusiast, na nagturo sa akin ng iba’t ibang exercises para mag loose ng fats and of course weight lifting …. i so lovin it. Yun nga lang bawas na ang time sa blogging.

Rate this:
2.5

Viewed 90 times by 30 viewers

lucky plazaIto yung tinatawag na balwarte ng mga pinoy sa kahabaan ng Orchard Road sa Singapore. Dito matatagpuan ang remittance center kaya madalas pagkatapos ng araw ng suweldo dito na napagkikita ang mga OFW. Madalas pag linggo, nagkakatipon-tipon sila, may mga dalang pagkain para magpicnic, nagkakatuwaan, nagkakalabasan ng mga problema.

Continue Reading »

Viewed 128 times by 45 viewers

teka muna

Sandali nga

teka lang

andiyan ka ba?

naghihintay

sa wala……….

eto pa rin ako
wag mag -alala

……..hanggang sa muli………

Rate this:
2.5

Viewed 86 times by 28 viewers

may nais ka bang sabihin?

Rate this:
2.5

Viewed 92 times by 29 viewers

Parlor sa dulo ng eskinita

Continue Reading »

Viewed 260 times by 101 viewers

Pre! natawa ko dito, sa ganda ni Donita napagkamalan siya? E ano kaya ako? Pero pre hindi yan ang gusto kong sabihin sa yo.

Yoko ng maging emo pre, I mean di na ko magbablog ng emo baka akalain kasi e ganun ako, nag eemo-emohan lang pre, pero di totoo yun. La lang akong maiblog, lam mo na. Limitado kasi kaya ng utak ko e. Boba nga diba?

Continue Reading »

Viewed 106 times by 33 viewers

Hindi ko alam kung bakit naging lima na ang bawat tag na ito e …. ang pagkaka alam ko e 4 lang dapat, pero sa hinaba-haba na ng pinanggalingan nito e pihadong me nagdagdag na. Sinabi ko na ba ke gari na i hate tag? Pero dahil may nauna ng isang tag na nagmula sa 4 na magkakaibang blogger friend, e sige na nga gawin na ang dapat gawin para matapos na.

Continue Reading »

Viewed 103 times by 31 viewers

Gusto ko sanang kumanta rin ng Sa Ugoy ng Duyan pero naunahan ako ni MB, so huwag na lang. saka wala namang naikwento si nanay na inugoy niya ako sa duyan noong maliit ako e.

Ang alam ko kinailangan niyang itapon yung papag kasama ng mga damit, kumot at ilang kagamitan na siyang konti nilang pag-aari ni tatay noon dahil eksaktong 8 buwan pagkamatay ng panganay nilang anak na lalaki ay ipapanganak niya naman ako.

Siguro hindi na muna siya makakakanta, tulad doon sa kanta ni Levi Celerio. Pero ang lungkot ng pagkawala ng kanyang anak ay alam kong kinalimutan niya muna dahil alam niyang papadating na ako sa buhay nilang mag-asawa.

Isang makulay na kwento ang madalas naming marinig magkakapatid mula sa bibig ni nanay, yun ay pag naiinis siya sa katigasan ng ulo naming magkakapatid. Paulit-ulit iyon. Parang isang sirang plaka at pag mag-uumpisa na siya, sabay sabay na lang kaming magsasalita ng “eto na naman to!”. Madalas ay may kasama pang iyak yun.

Sino nga ba ang hindi makakalimot sa mga kwentong nagkarun ng malaking bahagi sa buhay naming magkakapatid:

Continue Reading »

Viewed 137 times by 36 viewers

neo,
masaya ka ba diyan?
nabasa mo ba yung entry ko sa blog para sayo?
naalala ko dati lagi kitang niyayayang bisitahin ang blag ko

last time na nilagay mo sa cbox ko
sabi mo “iba ka talaga melai!”

iba talaga ko
tignan mo hanggang ngayon
umiiyak pa ko..

ikaw kasi
antay ko pa yung pangungulit mo sa yahoo sms ko
huling paalam mo
matutulog ka lang
tapos hindi ka na nagparamdam…

dati hindi kita namimiss
kasi alam ko na
pag nag-online ako sa irc
andyan ka lang

pero ngayon
wala na…..
bakit kasi
bigla kang sumusulpot
dito sa friendster ko?

wala namang laman ang friendster blog mo
kailangan pang makahanay yun sa baba ng
updated blog sa page ko?

bakit kasi kailangan pang may magupdate nitong friendster mo?
binibigyan mo lang kaming dahilan para mamiss kita
para mamiss ka namin.

lanya ka neo!
nagbago ka na
dati pinatatawa mo ko
ngayon
—-
—-
—-
pinaiiyak mo na ko

lanya ka neo!!!!!
Paalam Neo!

masaya ka ba diyan?
kung oo
sana
ipagdasal mo naman
na maging masaya
kami dito
tulad mo.

Wala lang…sensya na, hindi ko lang maiwasan noong nakita ko ito

Rate this:
2.5

Viewed 100 times by 31 viewers

jobs jobs jobs …got it from toots. Napanood ko yung show dati ng Kumusta Kabayan sa TFC, marami nga daw opportunity para sa mga skilled workers sa Aussie.

My cousin had tried to call POEA once, but unfortunately she didn’t get any info that she needed.

But now, coming from Ms Susan Ople.. siguro mas kapani-paniwala na, madalas kasi pag galing sa ilang opisina ng gobyerno hirap paniwalaan e.  I wanna share this job opportunity for anyone who wanna try their luck abroad.

Rate this:
2.5

Viewed 121 times by 35 viewers

siyang nasa kabilang linya:

Nagkakahawig na ang tisa ng ating mga lapis manilenya.
At nagagalak akong, malapit na sa palad mo ang iyong puso, kaysa sa iyong dibdib.
Wag kang mapapagod magsulat, hindi ako mapapagod magbasa.

Maraming Maraming salamat Miko!!

magtatatalon ba ako sa tuwa?
……aawit?
……sasayaw?

pangalawang beses na itong
may manunulat na nagbigay ng walang pagsidlang tuwa
sa dibdib ko.

sana nga
totoo
ang dalawang
komentong
nabasa ko.

Rate this:
2.5

Viewed 112 times by 43 viewers

Hindi ko alam kung sa handphone na hawak ko natatakot ang batang ito o sa tubig habang pinaliliguan ng ina niya. Hindi kasi ako kilala nung bata, nasa sinapupunan pa lang siya ng kanyang ina noong umalis ako ng Tundo. Yung ina ay beinte anyos naming kapitbahay, maagang nag-asawa, maagang nasuong sa hirap ng buhay

Continue Reading »

Viewed 284 times by 103 viewers

Dear nalen,
Here is your horoscope
for Thursday, May 4:

You’re a leader and you don’t even realize it. It’s time to bring that potential out where it can best serve the community. You know how to help others bring out and nurture their hidden talents.

Ang ganda ng horoscope ko ….pero mas maganda itong ikukuwento ko……
Continue Reading »

Viewed 277 times by 101 viewers