
Yung pag-uwi ko sa pinas e isang surprise sana kay Aya, di ko naisip yun pero nakatulong yung pagiging tamad kong tumawag sa bahay kahit na pauwi na ako. Ang ugali kong hindi pagkahilig sumulat o pag-email ay katulad din ng kawalang hilig ko sa paggamit ng telepono para lang makausap sila sa tundo.
Medyo na-touched ako nung minsang tinawagan ako ni younger sis, tinanong niya kung nasabi ko na ke Aya na kasama nila akong uuwi sa pinas. Ang sabi ko’y hindi. Wag ko daw sabihin dahil lahat ng tao sa lacson ay alam na darating ako bukod tangi lang ang batang ito ang hindi nakakaalam.
Noong umaga daw habang nagluluto ng mapagsasaluhan si nanay para sa aming pagdating ay bigla siyang nagsalita na dapat daw pag-uwi ko sa june e magluto din siya ng masarap. May himig pagseselos pa yung bata dahil pinaghahandaang mabuti yung akala niyang pag-uwi lang ni younger sis at ni Shernane.
Pagdating namin sa NAIA, ang sinabi sa akin ni younger sis dapat daw ay magtago ako sa
likod ng mamang porter para daw hindi ako makita ni Aya. Nakita kong takip takip ni youngest sis ang mga mata ni Aya habang papalabas kami. Pero taliwas sa aming plano, sa halip na yung bata ang nasurprise, hindi ko mapigilan yung maiyak noong nakita ko ang isang batang patpatin sa harap ko. May halos isa’t kalahating taon na rin naman noong una kaming nagkita, wala akong planong umalis at iwan siya, ewan ko kung ano nangyari basta biglaan na lang. Para kasing sa tagal na iyon, nagulat pa ko sa nakita kong kapayatan niya, samantalang tama naman sina nanay sa sinabing “kailan ba tumaba iyan.”
Sa eksenang iyon bigla ko naalala yung lagi ng tanong ko sa sarili ko sa tuwing makakakita ako ng eksena sa komersyal na pamilyang nag-iiyakan habang nagpapa-alamanan o nagkikitang muli sa paliparan. Parang ang korni diba? totoo nga bang ganun katindi ang emosyon nila sa isa’t isa para mag-inarte ng ganoon. Iba pala talaga kung ikaw na ang bida sa eksena. Iba ang intensidad ng emosyon na nararamdaman mo sa matagal na panahon na pagkawalay sa isa’t isa at ang pag-iisip kung ikaw naman ay palisan pa lang. Na siyempre tiyak na tiyak hindi nararamdaman ng iba.
Nashock ata ang bata, walang reaksyon. Nakayakap siya noong niyakap ko siya. Naglakad papunta sa sasakyan noong nakita niyang nagsisilakad na rin ang mga kasama niya.
Pero sa loob ng sasakyan habang tahimik na ang lahat, siya naman ang biglang yumukayok sa tabi ko, sabay sinabing “ang tagal ko ng walang mama”. At ang sumunod ang walang tigil na iyak.
Ang aking munting anghel ay umiyak ng umiyak. Wala na kong nagawa pa kundi yakapin siya ng mahigpit para ipadama sa kanya na andito na ulit ang mama niya.
| 2.5 |
Viewed 287 times by 88 viewers









itot
manilenya







[...] Umalis ulit ako kanina upang kunin ang pasaporte ni Aya sa DFA, as usual dahil sa matagal akong kumilos (nagtawag sa mga travel agency para sa booking ng flight, nakipagkulitan sa telepono sa magiging employer sa pupuntahang bansa, nangutang ng pambili ng ticket, tinapos ang labahin, nagpunas punas/nagwalis-walis sa kwarto ni tatay at inasikaso ang pagkain ni Aya). [...]
awwwww…. napaluha naman ako sa muli nyong pagkikita ni aya!! nakaka-touch…
NALEEEEEEEENNNNNNNN…naiyak ako pramis. hu hu hu hu hu…..sobraaaaa!
chuvaness’s last blog post..aiMzster Live!
chuva,

di nga?
nakakaiyak nga melai, don sa part na sinabi niyang matagal na siyang walang mama, naiyak din ako pwamiz
joanjoyce’s last blog post..Manila Ocean Park
mama joyce,
sobra…tatlong taon na kaming di magkasama 
naku yan din yung batang nagsabi sa akin na hindi nya ko namimiss, ang gusto nya lang e yung mga padala ko lol! biruin mo yun ha mga tatlong bwan pa lang akong nakaka alis nun tsk tsk tsk…. pero bumawi naman kasi nung minsan daw nakita nung pinsan ko yung notebuk nya, may mga nakasulat kung gaano nya ko miss.. waaaahhh katatapos ko lang umiyak dito dun sa alaga ko dahil namimiss ko na anak ko
sama mo na kasi jan.. para di na kayo mag missing missing pa.. hehe mag inisan na lng kayong dalawa jan
joanjoyce’s last blog post..Manila Ocean Park
mama joyce,
hehehe malamang nga, karma ko nga tawag ko sa kanya dati e, kung dyan sa pinas nag iispinan kami ng tsinelas sa kalye tyak dito sapatos kasi di uso dito mga nakatsinelas lol!!
pero tagal pa yun kasi kadarating ko lang dito e, mga tatlong taon pa, dalagita na sya nun
waaaaaaaaaahhhh
di ko na nakasamang lumaki
ok lng yun atleast kasama mo na tsaka bonding nyo mga kakikayan na hehehe
joanjoyce’s last blog post..Manila Ocean Park