Medyo tinamaan ako ng galit ata ni Jhay, tungkol sa mga pinoy na lumilisan sa pinas para maging OFW sa ibang bansa. Dagdag ito sa di matigil na isipin sa tuwing nag-iisa ako sa 7 kwarto kasama ang common CR, CR para sa maid,maids quarter at kitchen (ganyan po ang bilangan ng kwarto dito) sa ikalamang palapag ng isang 11th floor story condominium ng ——– Park. Halos manikip ang dibdib ko sa lungkot at nakakabinging katahimikan, buti na lang maingay ang tunog ng drill at kung ano-ano pang gamit sa pagtatanim ng puno at halaman sa labas. At ito’y nadagdagan pa ng mga matatalim na salita na tumatarak sa aking isipan. Kaya naisip ko na, ano kaya umuwi na ko ng pinas at doo’y maghanap ng trabaho. Pero kinakailangan ko ang tulong niyo, gusto ko sana pag-uwi ko ay may nakahanda ng trabaho para sa kin.
Ihahatag ko sa inyo ang aking resume ..sana’y may maihanap nyo agad na trabaho sa kin batay sa aking kwalipikasyon. Gusto ko sana’y yung swak na swak sa aking kakayahan.
Working Experience (from present to past)
All-around maid/yaya part time masahista –Singapore
Tindera ng isda — (sidewalk vendor sa kahabaan ng Ongpin)
Small-scale entrepreneur — Sean-Sean Sari-Sari Store
Auditor/Cashier/Service Crew sa isang computer cafe sa harap ng FEU
Assistant Supervisor/Cashier/Service Crew/Janitress sa magkaibang branch ng isa pang computer cafe sa Morayta at Recto.
Franchise Dealer - —- Cosmetics (hindi ko na babanggitin ang pangalan at hindi naman ako babayaran sa ads)
Mangagawa sa isang maliit na pagawaan ng leather wallet at kung ano ano pa (Sideline noong highschool)
Tagabalat ng hipon para sa pangrasyon sa iba’t ibang restaurant sa kamaynilaan(sideline noong highschool)
Tagalinis ng bote -charity ng isang kamag-anak (sideline noong highschool)
Tagalinis ng mga lalagyan ng gulaman - (charity ng nanay ko noong elementary)
***Iniisip ko lang dapat bang pagtawanan si William dahil sa kanyang sideline bilang mekanino ngayong summer? Dahil parang kinahihiya niya yung marangal na trabahong iyon.
Educational Attainment
Pagmamasahista (tapos)
Certificate in Applied Programming (tapos)
Bachelor of Science in Clinical Pshychology (hindi pinatapos)
Bachelor of Sciende in Sociology(hindi tinapos)
Bachelor of Science in Broadcasting (hindi tinapos)
Bachelor of Science in Journalism (hindi tinapos)
HIghSchool - (muntik ng hindi makatapos)
Elementary - (natapos)
***Hindi ninyo itatanong kung ano pa ang balak kong pag-aralan na hindi ulit tatapusin?
Extra Curricular Activities
Nagpapanggap na instruktor (Sentro ng Alternatibong Edukasyon -PUP)
Artista ng Bayan - (Dulaang Katig -PUP)
Sana po makatulong ang ilang impormasyon na iyan para mahanapan ninyo ako ng trabaho sa pinas.
Pag hindi …….
Sabi ko ke younger sis baka mag-asawa na lang ako ng Germany.
Noong narinig niya yun, kulang na lang batukan ako at sinabing
“German! tanga!”
(***exagg lang po ako dun sa sinabi kong masyadong matalim ang salita ni Jhay, opinion niya yun …nag eemote lang ako kunwari***)
| 2.5 |
Viewed 584 times by 144 viewers

manilenya

