Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Please visit this site
    Recent Comments
      Shout Out!
    Sponsors
» 2006 » April

Parang walang kwenta …pero gusto ko ipost

Here is your horoscope for Monday, May 1

If you don’t love yourself, who will? If you don’t respect yourself, why should anyone else? Think about ways to develop your personal power that don’t rely on outside indicators. Your resources lie within

Isa sa pinag-aaksayahan ko ng oras basahin ay ang aking horoscope, may daily subscription ako nito. Wala lang, pwedeng pang-aliw, o pwedeng gawing defense mechanism sa madalas manlabong isipan. Pero madalas ko ding kinokontra yung nababasa kong daily horoscope ko, pansin ko kasi parang magaganda yung lagi kong nababasa, e hindi naman ganun ang nararamdaman ko. Tulad na lang nito:

hehehehe! sorry nadelete ko pala better luck next time!

Look at me and my kiddo na lang Continue Reading »

Viewed 97 times by 33 viewers

 Yung pag-uwi ko sa pinas e isang surprise sana kay Aya, di ko naisip yun pero nakatulong yung pagiging tamad kong tumawag sa bahay kahit na pauwi na ako.  Ang ugali kong hindi pagkahilig sumulat o pag-email ay katulad din ng kawalang hilig ko sa paggamit ng telepono para lang makausap sila sa tundo.

Medyo na-touched ako nung minsang tinawagan ako ni younger sis, tinanong niya kung nasabi ko na ke Aya na kasama nila akong uuwi sa pinas.  Ang sabi ko’y hindi.  Wag ko daw sabihin dahil lahat ng tao sa lacson ay alam na darating ako bukod tangi lang ang batang ito ang hindi nakakaalam.

Noong umaga daw habang nagluluto ng mapagsasaluhan si nanay para sa aming pagdating ay bigla siyang nagsalita na dapat daw pag-uwi ko sa june e magluto din siya ng masarap.  May himig pagseselos pa yung bata dahil pinaghahandaang mabuti yung akala niyang pag-uwi lang ni younger sis at ni Shernane.

Pagdating namin sa NAIA, ang sinabi sa akin ni younger sis dapat daw ay magtago ako sa likod ng mamang porter para daw hindi ako makita ni Aya.  Nakita kong takip takip ni youngest sis ang mga mata ni Aya habang papalabas kami.  Pero taliwas sa aming plano, sa halip na yung bata ang nasurprise, hindi ko mapigilan yung maiyak noong nakita ko ang isang batang patpatin sa harap ko.  May halos isa’t kalahating taon na rin naman noong una kaming nagkita, wala akong planong umalis at iwan siya, ewan ko kung ano nangyari basta biglaan na lang.  Para kasing sa tagal na iyon, nagulat pa ko sa nakita kong kapayatan niya, samantalang tama naman sina nanay sa sinabing “kailan ba tumaba iyan.”

Sa eksenang iyon bigla ko naalala yung lagi ng tanong ko sa sarili ko sa tuwing makakakita ako ng eksena sa komersyal na pamilyang nag-iiyakan habang nagpapa-alamanan o nagkikitang muli sa paliparan.  Parang ang korni diba? totoo nga bang ganun katindi ang emosyon nila sa isa’t isa para mag-inarte ng ganoon.  Iba pala talaga kung ikaw na ang bida sa eksena.  Iba ang intensidad ng emosyon na nararamdaman mo sa matagal na panahon na pagkawalay sa isa’t isa at  ang pag-iisip kung ikaw naman ay palisan pa lang. Na siyempre tiyak na tiyak hindi nararamdaman ng iba.

Nashock ata ang bata, walang reaksyon.  Nakayakap siya noong niyakap ko siya.  Naglakad papunta sa sasakyan noong nakita niyang nagsisilakad na rin ang mga kasama niya.

Pero sa loob ng sasakyan habang tahimik na ang lahat, siya naman ang biglang yumukayok sa tabi ko, sabay sinabing “ang tagal ko ng walang mama”. At ang sumunod ang walang tigil na iyak.

Ang aking munting anghel ay umiyak ng umiyak.  Wala na kong nagawa pa kundi yakapin siya ng mahigpit para ipadama sa kanya na andito na ulit ang mama niya.

 

Rate this:
2.5

Viewed 134 times by 44 viewers

laging tanong

laging walang sagot

magulo

malabo

wala ata e

o baka meron

pero walang linaw

o ayaw ko lang tanggapin

yung nagsusumiksik

sa utak ko

yung sinisigaw

ng puso ko

Ahhh ewan!!!

gaga nga siguro ako.

Rate this:
2.5

Viewed 95 times by 29 viewers

Isang komentong dinala sa tula, sayang naman kung hindi ilalathala. Inaakala ko na pwedeng i-post dahil nilagay naman sa komento. Bibigyan ko ito ng pamagat na “mga paang lagalag“.

mga paang lagalag
madiin man ang tapak
tinik ay lilipat
sa sandaling lumapat
mga paa mong hubad
mga paang lagalag
huwag kang umiyak
manatiling tapat
pagibig ay sapat
sa iyong pagsikat
mga paang lagalag
sa hiling mong pinahayag
sa harap mo ilalatag
pinaka magandang tsenelas
na sa iyo karapat dapat
Siya nga pala si Mang Kulas ay hindi na lagalag, gumawa na siya ng sariling blog para hindi na siya parang pusa na pagala-gala at nakikipangapi’t-bahay na lang, in fairness cute ang bahay niya kahit na isa sa default na template ang ginamit niya at sa tingin ko hindi siya newbie sa blogging. Pamisteryoso effect si Mang Kulas.
Maraming salamat sa mga nag-iwan ng komento sa previous post ko, mamaya ko na lang po sasagutin pagdating ko sa tundo, kita-kits online mayang gabi pag-uwi. Mabuhay kayo! Mabuhay ako! Mabuhay tayong lahat!
Rate this:
2.5

Viewed 110 times by 31 viewers

I’ll update when I get home …Geeezzz!!! excited na ko ….. check in na kami ng baggage tom night ….

Ako ngayon ay pauwi at napapangiti
Pagkat malaon na o Bayan ko

O kay lapit na
Ako’y sabik na makakapiling ka
Sa pagdating may luha ma’t wala
Ako ay babalik at hahalik sa lupa,

Rate this:
2.5

Viewed 99 times by 28 viewers

Ilang araw ko ng napapansin si Mang Kulas na paligid-ligid sa aking bahay. Tatawagin ko na lang siyang Mang Kulas, inaakala kong siya ay lalaki dahil pangit namang pakinggan kung tatawagin ko siyang Aling Kulas. Nakikita kong sinusuyod niya ang kasuluk-sulukan ng nilikha kong pansamantalang pahingahan sa oras ng pagkabagot. Sinisisid ang kalaliman ng mga natabunan ng mga kwento. Hindi ko alam kung saan siya galing, basta na lang siyang sumulpot, ngayon pag titignan ko ang kanyang pinanggalingan direkta na siyang nakahimpil sa isa sa aking mga pahina.

Sa isa sa kanyang mga komento, ay inakala niyang malapit na niya akong makilala sa halos pagtira sa aking bahay sa loob ng ilang araw. Paano kung hindi pala totoo ang kanyang mga nabasa? Ganun pa man, nagpapasalamat ako sa kanya at binigyan nya ng kaunting panahon, ang hindi ko alam kung may kwentang mga entries na ito.

Sa kanyang pangalan ay may kanta akong naalala. Yung kanta ng Yano ang tsinelas.

Continue Reading »

Viewed 128 times by 40 viewers

Geeezzzzz!!

May mahigit isang dekada na….

Di ko akalaing madadapa sa friendster ko

ang isang taong naging bahagi ng aking nawalang kabataan…

May nabunyag na sekreto

maling akala, inakala niya na inakala ko na isa siyang kaaway…

Wala lang

naexcite lang ako

isang madugong kwentuhan ito tiyak

Hindi ko alam kung ikukuwento ko

pero ang malinaw

May isang dating pagkakaibigan

na magpapatuloy

hanggang sa muli………..

Rate this:
2.5

Viewed 95 times by 27 viewers

Hindi ko alam kung makakapagbigay ng magandang impormasyon ang aking blog sa taong katatapos lang bumisita dito.

Ang Ip ay edu.ph, na madalas kong makita sa sitemeter ko.

At ang hinahanap niya sa search engine ay ito:

an opinion on the life of jose rizal

at napadako siya dito

Kung siya ay naghahangad ng isang maganda-gandang istorya tungkol kay Rizal na nakabatay sa libro na nagsasaad ng pagtatagumpay ng pambansang bayani, malabo na makakuha siya sa entry na iyon.

Pero kung siya ay isang mag-aaral na bukas sa iba’t-ibang ideya, hinahangad ko na may nakuha siyang dapat pag-isipan sa sinulat ko.

Isa pang bisita mula sa Canada sa Ip na shawcable.net na naghahanap ng mga kultura ng Pilipinas.
At dito naman siya napadpad.

Ngayong araw na ito, ilang beses ko na ring nakita sa sitemeter ko na marami ang nagsesearch sa manilenya.com.

Hangad ko lang na makakuha ang mga nag sesearch na ito ng mga impormasyon na makakatulong sa kanila sa blog na ito.

Naalala ko noong minsan na mag nagsulat sa Cbox ko, nag rerequest na gumawa daw ako ng mga katha na tumatalakay sa dalawang nag-iibigan. Pasensya na po, dahil sa wala akong pag-ibig ..wala akong karapatang magsulat tungkol dito. Isa po akong tuod (ngiti-ngiti).

***2 down sa kultura.

Rate this:
2.5

Viewed 186 times by 74 viewers

Ang orihinal na titulo ay “walang pamagat”, at dahil sa may ganitong title rin akong entry na tumatalakay naman sa istorya ng aking lola, naengganyo akong hiramin muli kay fullmun itong tulang ginawa niya.
Let’s play a game ..idecipher natin, kunwari tayo si Robert Langdon ng DaVinci Code…o kailangan pa bang idecipher?

tilamsik ng putik
sa duguan mong paa
kirot at sakit
ng sugat
na dulot ng pagsasamantala
hinuhukay na libingan
ng mga gahamang
nabubuhay
sa sementeryong putikan

bubungkalin ang lupang
kalansay ang laman
masangsang na amoy
ng pagdarahop at kasakiman
mangingibabaw sa sangkatauhang
gigising sa tulog na kamulatan

lupa ng kabuhayan
larangan ng mga labanan
babangon ang kasaysayan
sa bago at mas maigting
na tipo ng digmaan

tilamsik ng dugo
sa sugatan mong paa
busilak na tagumpay
para sa mahal mong ina

Rate this:
2.5

Viewed 131 times by 43 viewers

Humingi ako ka youngest sis ng mga litrato sana ng tundo noong dekada 80, wala lang ..gusto ko sanang gumawa ng isang maganda-gandang istorya tungkol sa lugar kung saan ako pinanganak at lumaki.

Iba kasi ang dating ng tundo sa mga taong hindi dito lumaki o napasyal man lang.  Though may katotohanan yung mga sinasabi nila, iba pa rin siyempre yung masasabi ng isang likas na tagarito.

Pero nung nakita ko na yung pinadala ni youngest sis na picture parang nawalan ako ng gana.  Ang iniisip ko kasi na ibibigay niya sa kin e yung mga kuha niyang naliligo sa batya sa labas ng bahay namin na katapat lang ng dating ilog.

Eto kasi yung binigay niya.

Continue Reading »

Viewed 120 times by 36 viewers

Nagngingitngit ka na ba? pumuputok na ba ang butse mo sa inis? napapagod? naiirita sa boss mo? oras na siguro para ikaw naman ang magsalita..ipakita ang tapang… siguro mas maganda na maging tapat ka kung ano na ang nararamdaman mo sa trabaho. 

Pwede mo itong ikunsidera na sabihin sa kaniya.  Malay mo maging simula ito ng magandang pagsasama niyo ng inyong boss diba? Continue Reading »

Viewed 107 times by 32 viewers

Natapos ko na po ang pinakaunang orig na entry para sa manganin, whew!!! hirap mag-ingles.  Pagpasensiyah niyo na kung mali mali ingles, tanggapin niyo na lang ang nakayanan ko.  Sana lang katulad ng pamamasyal niyo dito sa manilenya e pasyalan din ninyo ako doon.

Kita-kits!

Tara! mangan tayo!

Rate this:
2.5

Viewed 88 times by 29 viewers

Medyo tinamaan ako ng galit ata ni Jhay, tungkol sa mga pinoy na lumilisan sa pinas para maging OFW sa ibang bansa.  Dagdag ito sa di matigil na isipin sa tuwing nag-iisa ako sa 7 kwarto kasama ang common CR, CR para sa maid,maids quarter at kitchen (ganyan po ang bilangan ng kwarto dito) sa ikalamang palapag ng isang 11th floor story condominium ng ——– Park.  Halos manikip ang dibdib ko sa lungkot at nakakabinging katahimikan, buti na lang maingay ang tunog ng drill at kung ano-ano pang gamit sa pagtatanim ng puno at halaman sa labas.  At ito’y nadagdagan pa ng mga matatalim na salita na tumatarak sa aking isipan.  Kaya naisip ko na, ano kaya umuwi na ko ng pinas at doo’y maghanap ng trabaho.  Pero kinakailangan ko ang tulong niyo, gusto ko sana pag-uwi ko ay may nakahanda ng trabaho para sa kin.

Ihahatag ko sa inyo ang aking resume ..sana’y may maihanap nyo agad na trabaho sa kin batay sa aking kwalipikasyon.  Gusto ko sana’y yung swak na swak sa aking kakayahan. Continue Reading »

Viewed 104 times by 34 viewers

Pakapalan na ng mukha ito.  Sino magsasabing emo at uhugin ako?                    

Minsan sa isang panahon, medyo nawawala ang hiya ko at pilit kong kinukunan ang sarili ko. Pampalakas ng loob….kunwari maganda ako ….. feeelingggggg!

Kita niyo ilong?  Kuha ko yan sa tatay ko …. walang maipamana sa kin kundi ilong ..tsk tsk tsk!!

Ang magreact …………SWANGET!!!!!

Wala lang..natuwa lang ako sa slide.  At natuwa ako dahil may ginawa akong cooking blog

Rate this:
2.5

Viewed 105 times by 38 viewers

Masyado bang transparent ang mga sinusulat ko …at  napapansin na “malungkot” daw ako?  O sadyang binabantayan lang ni  darna ang bawat letra na tinitipa ng mga daliri ko?

Gusto ko lang malaman niya na sa pag-aakala kong pwede akong magsulat ….kung ano-anong mga entry na ang naiblog ko …ni hindi ko naman napapansin na me pagka emo pala.

O sadyang talagang emo lang ako?

Siguro tulad ng ginawa ko matagal na panahon na ..isang bagsakan ng punong-puno ng luha at pagkatapos kinabukasan …bagong mukha na ang hinarap ko sa bagong araw na unang nabanaagan ko sa aking pag-gising.

Ngayon, tulad ng dati ..isang inuman na lang…..di na ko maghihintay ng sunod-sunod na tagay para languin ang lungkot at lumbay na akala niyo’y aking nararamdaman.

Sabi nga … tama na …sobra na….

Hindi na ko magiging emo …pramis……

At muli huling iyak na to ……… Continue Reading »

Viewed 93 times by 30 viewers