“Angel”

blog

Spend all your time waiting
for that second chance
for a break that would make it okay
there’s always some reason
to feel not good enough
and it’s hard at the end of the day
I need some distraction
oh beautiful release
memories seep from my veins
let me be empty
and weightless and maybe
I’ll find some peace tonight

in the arms of the angel
fly away from here
from this dark cold hotel room
and the endlessness that you fear
you are pulled from the wreckage
of your silent reverie
you’re in the arms of the angel
may you find some comfort here

so tired of the straight line
and everywhere you turn
there’s vultures and thieves at your back
and the storm keeps on twisting
you keep on building the lies
that you make up for all that you lack
it don’t make no difference
escaping one last time
it’s easier to believe in this sweet madness oh
this glorious sadness that brings me to my knees

in the arms of the angel
fly away from here
from this dark cold hotel room
and the endlessness that you fear
you are pulled from the wreckage
of your silent reverie
you’re in the arms of the angel
may you find some comfort here
you’re in the arms of the angel
may you find some comfort here

Soundtrack ng paborito kong movie, ang City of Angels ni Meg Ryan at Nicolas Cage. Dito sa pelikulang ito nagwapuhan ako kay Nicolas, napansin ko yung malamlam nyang mata…wala lang ang ganda ganda.

I saw him minsan (hindi sa personal sira!) sa isang award giving body ata yun kasama nya ang asawa nya. Medyo nagka-edad pero nandoon pa rin yung magandang mata nya siyempre.

Yung pelilkula, nakakainis ang ending….kung kailan naging tao na siya …hindi iyon binigay na lang sa kanya… mahirap na desisyon yun, ang iwanan ang pagiging anghel, talikuran ang pagbabantay at pag-aalaga sa mga kaluluwa na tuluyan ng aalis sa mundo..para lang sa isang pag-ibig.

Pag-ibig na hindi niya rin nakamit dahil namatay sa bandang huli yung babae.

Pagkatapos kong panoorin ang pelikula naramdaan ko yung bigat sa dibdib. Pero hindi kasing bigat noong paglabas ko sa sinehan pagkatapos kong panoorin yung Ligaya ang Itawag mo Sa Akin. Istorya ng babaeng nalublob sa putikan pero umaasa isang araw may darating na lalaki na mag-aahon sa kanya sa putikang iyon.

May dumating nga, minahal siya….pinakasalan. Pero hindi nawala sa pang-amoy ng lalaki ang burak na akala niya ay dala dala pa rin ng babae sa kanilang pagsasama. Sa halip na maka-ahon ang babae sa kumunoy ng kaputahan, ang kawalang tiwala ng kanyang asawa ang nagmistulang dalawang kamay pa ang pilit na naglulublob sa kanya pabalik sa pinanggalingan.

Walang nagawa ang babae, bumalik siya sa pinagtatrabahuhang kabaret, habang ang mga dating kasama ay nagtatawa at dumudura sa kapangahasang iwanan ang trabaho. Pero umasa pa rin siya.

Tumanda.

Nawala sa sariling isip.

Pero patuloy pa ring umaasa.

Di ba ang sakit sa dibdib? Ikaw kaya ang manood ng ganung klaseng istorya? Yung istorya na bibigyan ka ng kawalang pag-asa?

Sana…..

Sana man lang may Angel na nagbantay ke Meg Ryan para hindi siya nasagasaan ng truck.

Sana man lang may Angel na nagbantay kay Osang para tumulong sa kanya na maka-alis sa pagpuputa.

Pero wala.

Wala yung mga angel.

Rate this:
2.5

Viewed 673 times by 161 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.