thank GOD!

blog, life

Got this email from my sis ….. medyo nakakanerbiyos ….tamang tama after reading her email bigla syang tumawag…..

Gud am! Though medyo hindi good ang morning ko, di naman ako bad trip.

I met an accident on my way to work. Umikot yung taxing sinasakyan ko nung papasok na kami ng PIE yung pag galing ka sa simei road may small curve pa left papasok ng PIE di ba, doon kami nadisgrasya. Di ko ma figure out kung panong nangyari basta in split second nakita ko na lang babangga kami dun sa gutter then siempre instinct kinabig ni manong yung manibela and dahil small curve lang yon sa kabilang gutter naman kami babangga kabig na naman sya and then sumampa na nga yung taxi don sa bangketa buti na lang di mabilis ang takbo namin at naka seatbelt na rin ako and the most important thing yung sasakyan sa likuran namin was not close and fast. Yung taxi namin napaharap na nga halos doon sa opposite direction, e one way yon. Nakita ko yung taxi sa likuran namin napahinto pero during that moment parang nakikinita ko na sasalpok sa amin yung sasakyan sa likuran. Sakto mismo sa pwesto ko babangga yung another car kung saka sakali kasi yung pwesto ng taxi namin nakapahalang sa road, yung ulunan nung taxi naka rampa sa bangketa then yung likuran na kinauupuan ko ang nakahalang sa kalsada tos alam mo yung tuluy-tuloy yung motion nung sasakyan na you still don’t know what would happen next until the car stopped? ninerbyos talaga ako, pag naaalala ko yung nangyari naiisip ko I’m so lucky God is with me, talaga, ganon pala yon, the accident is nothing compared to some pero you wouldn’t know di ba it could be worst but God forbid. Thank God!

Sabi ko sa kanya parang second life nya na yan … hindi naman daw.

Pag ganyang may nangyayari na hindi mo inaasahan, madalas napapausal ka ng pasasalamat sa Diyos.  Naisip ko lang yung isang kaibigan na matagal ng na-dead.  Isa syang masugid na Marxista, naniniwala sa materyalistang teorya ….. ang siste ang mga bagay na hindi nakikita o naipapaliwanag, ay hindi nya pinaniniwalaan.  Hindi ko alam kung hindi sya naniniwala sa Diyos o me pag-aalinlangan kung mayroon ngang Diyos o wala.

Sa gitna ng kanyang pagkilos ay dinapuan sya ng isang malalang karamdaman.  Minsan pagbisita namin sa kanya sa ospital naikwento nya na marami daw mga religious group ang  bumibisita sa kanya at dinadasalan sya (pray over).  Habang minumuestra nya sa amin yun ay tawa sya ng tawa ..halatang hindi sya naniniwala  sa pray over.

Iniisip ko lang,  talaga bang hanggang sa huli ng buhay nya ay hindi sya naniniwala sa Diyos?  Sa ikalawang buhay?

Rate this:
2.5

Viewed 500 times by 138 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.