Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen is sleeping........

        (Updated 16 hours, 36 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
just a blog away
By User Imagemanilenya | 13 CommentsLeave a Comment
Last updated: Wednesday, March 8, 2006

Naikwento na ni younger sis na nabasa nga daw ni nanay yung entry ko tungkol kay tatay at sa litsong paksiw recipe, at tawa daw sya ng tawa. Hindi ko inaasahan na babasahin ni nanay ang blog ko. Dati tinuturuan ko syang mag-chat dahil marami akong naging kaibigan sa net na mga kasing-edad nya, pero umayaw sya — inatake sya ng mababang pagtingin sa sarili. Grade 2 lang ang inabot ni nanay di pa nga daw nya natapos dahil kailangan na syang tumulong sa pagsasaka pag panahon na ng pagtatanim at anihan. Pero kung pagkukumparahin kaming dalawa, ako na nakaabot sa kolehiyo at nakatapos ng ilang short courses ay walang panama sa kanya sa diskarte at paghahanap-buhay.

Hindi ko inaasahan na magiging daan ang pagbablog ko para malaman at mabigyan ko ng konting ngiti sa pisngi ang nanay ko. Alam nya na hindi ako ang tipo na magsasalita ng kung ano ang nangyayari sa akin at kung ano ang nasa loob ko ng personal. Siguro naiisip nya na hindi kami ganoon kalapit sa isa’t isa. Pero kahit kanino naman talagang hindi ako ganoon.

Ikinagagalit nya madalas yung hindi ko pagpapaalam kung saan ako pupunta, ang hindi pagtawag sa telepono kung anong oras ako uuwi, at iyon mismong hindi ko pagsasabi sa kanya kung ano na ba ang nangyayari sa akin sa labas ng bahay.

Ngayon na nabasa nya ang aking entry, nagkaroon pa sya ng mga bagay na maikukwento sa ilang mga kaibigan. At tiyak ko nalalaman nya na kung ano nasa loob ng isip at damdamin ko. Na mas madalas hindi binibigyan ng pansin noon dahil dati naiisip nila hindi makakatulong sa pag-unlad ko (pagdating sa pinansyal). Isang malaking resentment sa kanila ang pagkahilig ko sa pulitika noon (o mas tamang pakinggan ang aking pagiging socially aware), ang pagkahumaling sa internet at ang paminsan-minsang paglabas kasama ng mga kaibigan na nakilala ko sa net. Patuloy lang daw akong magiging isang BUM.

Pero nakakatuwa rin.

Dahil ang pagbablog na aking kinagigiliwan ngayon ay maari ng maging isang daan para magkaroon kami ng komunikasyon ni nanay.

Malapit na ang kaarawan nya, ilang araw na lang. At ngayon pa lang binabati ko na sya ng isang MALIGAYANG KAARAWAN!!!!

Rate this:
2.5

Viewed 188 times by 80 viewers

RSS feed | Trackback URI

13 Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.