manilenya - Last updated: Friday, March 31, 2006Spend all your time waiting
for that second chance
for a break that would make it okay
there’s always some reason
to feel not good enough
and it’s hard at the end of the day
I need some distraction
oh beautiful release
memories seep from my veins
let me be empty
and weightless and maybe
I’ll find some peace tonightin the arms of the angel
fly away from here
from this dark cold hotel room
and the endlessness that you fear
you are pulled from the wreckage
of your silent reverie
you’re in the arms of the angel
may you find some comfort hereso tired of the straight line
and everywhere you turn
there’s vultures and thieves at your back
and the storm keeps on twisting
you keep on building the lies
that you make up for all that you lack
it don’t make no difference
escaping one last time
it’s easier to believe in this sweet madness oh
this glorious sadness that brings me to my knees
in the arms of the angel
fly away from here
from this dark cold hotel room
and the endlessness that you fear
you are pulled from the wreckage
of your silent reverie
you’re in the arms of the angel
may you find some comfort here
you’re in the arms of the angel
may you find some comfort here
Soundtrack ng paborito kong movie, ang City of Angels ni Meg Ryan at Nicolas Cage. Dito sa pelikulang ito nagwapuhan ako kay Nicolas, napansin ko yung malamlam nyang mata…wala lang ang ganda ganda.
I saw him minsan (hindi sa personal sira!) sa isang award giving body ata yun kasama nya ang asawa nya. Medyo nagka-edad pero nandoon pa rin yung magandang mata nya siyempre.
Yung pelilkula, nakakainis ang ending….kung kailan naging tao na siya …hindi iyon binigay na lang sa kanya… mahirap na desisyon yun, ang iwanan ang pagiging anghel, talikuran ang pagbabantay at pag-aalaga sa mga kaluluwa na tuluyan ng aalis sa mundo..para lang sa isang pag-ibig.
Pag-ibig na hindi niya rin nakamit dahil namatay sa bandang huli yung babae.
Pagkatapos kong panoorin ang pelikula naramdaan ko yung bigat sa dibdib. Pero hindi kasing bigat noong paglabas ko sa sinehan pagkatapos kong panoorin yung Ligaya ang Itawag mo Sa Akin. Istorya ng babaeng nalublob sa putikan pero umaasa isang araw may darating na lalaki na mag-aahon sa kanya sa putikang iyon.
May dumating nga, minahal siya….pinakasalan. Pero hindi nawala sa pang-amoy ng lalaki ang burak na akala niya ay dala dala pa rin ng babae sa kanilang pagsasama. Sa halip na maka-ahon ang babae sa kumunoy ng kaputahan, ang kawalang tiwala ng kanyang asawa ang nagmistulang dalawang kamay pa ang pilit na naglulublob sa kanya pabalik sa pinanggalingan.
Walang nagawa ang babae, bumalik siya sa pinagtatrabahuhang kabaret, habang ang mga dating kasama ay nagtatawa at dumudura sa kapangahasang iwanan ang trabaho. Pero umasa pa rin siya.
Tumanda.
Nawala sa sariling isip.
Pero patuloy pa ring umaasa.
Di ba ang sakit sa dibdib? Ikaw kaya ang manood ng ganung klaseng istorya? Yung istorya na bibigyan ka ng kawalang pag-asa?
Sana…..
Sana man lang may Angel na nagbantay ke Meg Ryan para hindi siya nasagasaan ng truck.
Sana man lang may Angel na nagbantay kay Osang para tumulong sa kanya na maka-alis sa pagpuputa.
Pero wala.
Wala yung mga angel.
| 2.5 |
Viewed 86 times by 34 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, March 30, 2006The Bystander said…
“He who allows oppression, shares the crime.”
–Erasmus Darwin, grandfather of Charles Darwin
Ninakaw ko sa comment page ni Thebystander yang linya na yan. Ang entry nya ay tungkol sa walang kamatayang diskusyon ng anti at pro - Gloria. Ang paninindigan sa tama at totoo at pagwawaksi sa kultura ng pandaraya at “power tripping” na hayagang isinasabuhay ng skwater sa malakanyang.
Kahit kailan naniniwala ako na walang gitna o neutral pag dating sa anumang bagay na pinag-aargumentuhan. Yes or No , left or right, tama at mali lang ang dapat pagpilian, hindi pasable ang mga sagot na siguro, ewan, baka at mas lalong hindi magandang pakinggan ang “bahala sila diyan!”.
Ang pagiging walang paki-alam sa pangkasalukuyang problema pampulitika, pang-ekonimiya at panglipunan ng bansa ay nagpapakita lamang ng pagwawalang-bahala na ikinatutuwa ng mandaraya, oportunista at trapong si GMA na nakadikit ata ang puwet sa silya ng pagkapresidente.
Siyempre kung maraming porsyento ng mamamayan ang hindi magsasalita tungkol sa pandaraya at pagnanakaw ng pamilya nya sa kaban ng yaman, maliit na porsyento nga lamang ang paghihirapan nyang durugin, katulad ng ginawa nya noong kasagsagan ng Proc. 1017.
Isang taktika na ginawa ng mga Amerikanong dayuhan pagkatapos ng mahigit 300 taong pagka-alipin sa ilalim ng dayuhang kastila. Yun nga lang hindi pinagpapatay ni Gloria ang kalahating populasyon ng Pilipinas para mapasunod sa kanyang buktot na kamay ang natitira pang kalahati.
Pero malinaw na pinatay ni Gloria ang kalayaang at karapatang ng tao na mamili kung sino ang gusto nilang pangulo.
At ikaw na hindi tumitindig, nag-aakalang hindi alam kung saan papanig …… ay malaki ang naitutulong sa pamamayagpag ng pekeng pangulo sa malakanyang.
| 2.5 |
Viewed 117 times by 47 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, March 28, 2006Isang mahaba-habang yahoo sms msgs ang natanggap ko, hindi ko maalala … alam ko noong february lang yun, galing sa isang kaibigan na nakilala sa IRC.
Di pa kami nagkikita sa personal, ang usapan namin noon rereypin nya ako pagnagkita kami …at papareyp naman ako syempre.
Pero iyon ay biru- biruan lang, tulad ng madalas na biruan namin sa tuwing magkikita kami online.
Groundzero: *me kiss melai
melai: *me kiss din neo
Groundzero: *me reyp melai
melai *me nagpareyp kay neo
Paulit na ulit na walang kwentang usapan sa private messages o maging sa main channel man.
Bata pa si Neo, siguro ngayon ay 21 lang sya.
Hindi ko inaasahan na sa murang edad na iyon, aalis agad sya ng wala ng balikan. Isang panahon na pinakahihintay namin ay magkita ng personal, dahil naikwento na sa kanya ng matalik nyang kaibigan ang una naming pagkikita na nagbunga ng isang isang magandang pagkakaibigan sa gitna namin.
Hindi na pala mangyayari yun. Hindi na kami magkikita pa……
Wala na siya.
Wala na ang aking kaibigan.
Kanina lang, sa tagal kong hindi nag-online sa IRC ay nagpasya akong bumisita nang may biglang nagbanggit ng burol ni Neo na naganap may ilang linggo na rin pala ang nakakaraan.
Nasaksak daw siya sa isang lugar na malapit sa kanila.
Nakakalungkot……
Nakakapanghinayang…..
Malinaw na malinaw pa sa akin yung huling mensahe na pinadala nya sa sa yahoo sms ko….
Neo: muwahhhhhhhhhhhhhhh melai
Ako: muwahhhhhhhhhh ka rin neo
Neo: muwahhh muwahhh melai
Ako: muwaah muwahhh ka rin Neo
Neo: muwahhh muwahhh muwahhhhhhhhhhhhhhh melaiPaulit-ulit!
Hindi ko na matapos ang pinapalantsa ko sa katutunog ng handphone ko.Neo: muwahhh melai
Ako: ano ka ba kanina ka pa muwahh ng muwahhhhh basang basa na fez ko sa kamumuwahhhhh mo e.
Neo: miss na miss na kasi kita melai eGanoon ng ganoon.
Hanggang sa magpaalam na siya. Matutulog na daw siya……..
PAALAM NEO….PAALAM KAIBIGAN…… MATULOG KA NG MAHIMBING.
2.5 Viewed 95 times by 38 viewers
manilenya - Last updated: Friday, March 24, 2006Una kong sinubok magpost ng kuha kong litrato dito, pero may nahalukay akong isang litrato na nagsasabi na totoo nga ang sabi sa akin ni sis ….mahilig akong kumuha ng lapit na lapit sa mukha nya.
Hinding-hindi ko pagsasawaan ang mukhang ito.
Ang walang kamatayang putol na ulo.
Kung noong nakaraan ang gamit ko ay Nikon SLR750 dito naman ay ang Canon Digital IXUS 500 nya. Wish ko lang makabili ako ng sarili kong camera para may mapagpraktisan.
Kaya sana naman ay click lang ng click sa adsense ko para makaipon ng pambili
*** bakit kailangang pahirapan ng wordpress ang tulad kong bobo pagdating sa technicalities …tsk tsk tsk***
| 2.5 |
Viewed 104 times by 36 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, March 23, 2006Got this email from my sis ….. medyo nakakanerbiyos ….tamang tama after reading her email bigla syang tumawag…..
Gud am! Though medyo hindi good ang morning ko, di naman ako bad trip.
I met an accident on my way to work. Umikot yung taxing sinasakyan ko nung papasok na kami ng PIE yung pag galing ka sa simei road may small curve pa left papasok ng PIE di ba, doon kami nadisgrasya. Di ko ma figure out kung panong nangyari basta in split second nakita ko na lang babangga kami dun sa gutter then siempre instinct kinabig ni manong yung manibela and dahil small curve lang yon sa kabilang gutter naman kami babangga kabig na naman sya and then sumampa na nga yung taxi don sa bangketa buti na lang di mabilis ang takbo namin at naka seatbelt na rin ako and the most important thing yung sasakyan sa likuran namin was not close and fast. Yung taxi namin napaharap na nga halos doon sa opposite direction, e one way yon. Nakita ko yung taxi sa likuran namin napahinto pero during that moment parang nakikinita ko na sasalpok sa amin yung sasakyan sa likuran. Sakto mismo sa pwesto ko babangga yung another car kung saka sakali kasi yung pwesto ng taxi namin nakapahalang sa road, yung ulunan nung taxi naka rampa sa bangketa then yung likuran na kinauupuan ko ang nakahalang sa kalsada tos alam mo yung tuluy-tuloy yung motion nung sasakyan na you still don’t know what would happen next until the car stopped? ninerbyos talaga ako, pag naaalala ko yung nangyari naiisip ko I’m so lucky God is with me, talaga, ganon pala yon, the accident is nothing compared to some pero you wouldn’t know di ba it could be worst but God forbid. Thank God!
Sabi ko sa kanya parang second life nya na yan … hindi naman daw.
Pag ganyang may nangyayari na hindi mo inaasahan, madalas napapausal ka ng pasasalamat sa Diyos. Naisip ko lang yung isang kaibigan na matagal ng na-dead. Isa syang masugid na Marxista, naniniwala sa materyalistang teorya ….. ang siste ang mga bagay na hindi nakikita o naipapaliwanag, ay hindi nya pinaniniwalaan. Hindi ko alam kung hindi sya naniniwala sa Diyos o me pag-aalinlangan kung mayroon ngang Diyos o wala.
Sa gitna ng kanyang pagkilos ay dinapuan sya ng isang malalang karamdaman. Minsan pagbisita namin sa kanya sa ospital naikwento nya na marami daw mga religious group ang bumibisita sa kanya at dinadasalan sya (pray over). Habang minumuestra nya sa amin yun ay tawa sya ng tawa ..halatang hindi sya naniniwala sa pray over.
Iniisip ko lang, talaga bang hanggang sa huli ng buhay nya ay hindi sya naniniwala sa Diyos? Sa ikalawang buhay?
| 2.5 |
Viewed 76 times by 37 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, March 21, 2006Baka magalit si gwapa sa title ..pero at least ginawa ko diba
![]()
loves ko kasi sya ………
1. Grab the book nearest to you, turn to page 18, and find line 4.
“Physics is the religion name around here…Use the Lord’s name in…. (Angels & Demon by Dan Brown)
2. Stretch your left arm out as far as you can.
—-ay!!! sarap grabeh!!!!
3. What is the last thing you watched on TV?
I just finished watching Hotelier a 10 disc dvd Korean teledrama (Di ko gusto ang ending bwisetttt!!!)
4. Without looking, guess what time it is:
12 noon
5. Now look at the clock. What is the actual time?
11:56 AM
6. With the exception of the computer, what can you hear?
the sound of the fan
7. When did you last step outside? What were you doing?
10:50 AM this morning .. I sent Shernane downstairs
8. Before you started this survey, what did you look at?
my site meter and check sites in the referrer
9. What are you wearing?
A gray giordano shirt and pants
10. Did you dream last night?
I don’t remember….. maybe I was
11. When did you last laugh?
yesterday night, while watching tv Shernane and I were playing
12. What is on the walls of the room you are in?
bulletin board, Shernane’s pics, a wall clock, Wall hangings from Philippines and Indonesia, a framed cross-stitch, flower photos and aircon
13. Seen anything weird lately?
no weird thing as of this morning
14. What do you think of this quiz?
Honestly? I don’t know
15. What is the last film you saw?
I don’t remember ..i’m not into watching films
16. If you became a multi-millionaire overnight, what would you buy?
I always think of giving at least 10 percent to the less fortunate ones aside from buying my parents and my youngest sis a house and lot, and I have this intense interest na magpa-aral ng mga bata. Set up a foundation for abandoned and abused kids, parang foster care and help them to rebuild their self-esteem and create a new life.
After that, ang aking pinapangarap na laptop, SLR cam at new handphone na
17. Tell me something about you that I don’t know.
You don’t know me
18. If you could change one thing about the world, regardless of guilt or politics, what would you do?
I will abolish Imperialism,
19. Do you like to dance?
A lot
20.George Bush…
Sakim sa langis, sakim sa yaman, sakim sa kapangyarihan
21. Imagine your first child is a girl, what do you call her?
I already have one
her name is Aya
22. Imagine your first child is a boy, what do you call him?
I don’t know yet, the big question is if I’m gonna have one more
23. Would you ever consider living abroad?
currently living abroad.
24. What do you want God to say to you when you reach the pearly gates?
“I am not what these “moralists” and most call themselves “religious” think of who I AM. I am the GOD of peace, love and harmony and I am the GOD of EQUALITY, JUSTICE and FREEDOM. I stand with the truth and I hate OPPRESSION.” sabay tulak sakin pababa sa lupa para pagpipitikin sa tenga ang mga taong kinasusuklaman NIYA!
25. 4 people who must also do this meme in THEIR journal:
Kailangan ko bang magtag? Kung sino na lang me gusto ![]()
| 2.5 |
Viewed 84 times by 38 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, March 21, 2006Parang nakarugby
tila isang bangag
wala
tuyo
walang laman
tuyo utak
pigain ko man
walang lumalabas
wala
tuyo
nakakapraning
nakakagigil
wala
tuyo
……..
tuyo utak!!!!
| 2.5 |
Viewed 105 times by 45 viewers
manilenya - Last updated: Friday, March 17, 2006Ang apoy nag-aalab…..ang puso nag-aalab
Bukod sa quote na love is a rosary that full of mystery, may isa pa akong di makalimut-limutan na quote. Madalas kong makita yung poster ni Pope John Paul II noon sa opisina ng mga kristyanong aktibista. At ang nakasulat ay:
In order to see the light you must endure the pain of burning
Siguro yun yung prinsipyong tangan tangan nya sa tuwing lilipad sya at bibisitahin ang mga bansang hindi naman kristyanismo ang pangunahing relihiyon.
Taliwas naman ito sa kwento ng gamu-gamo na pinabasa ng nanay ni pepe sa kanya. Tinakot ni inay si pepe, wag daw lalapit sa may apoy dahil tulad ng isang gamu-gamong curious sa liwanag ay baka masunog ang pakpak nya at tuluyang mamatay.
Kaya siguro noong dalawin at himukin si pepe ni Ka Boni para sumama sa himagsikan ay parang bahag ang buntot itong umayaw (tinakot kasi ni nanay noong maliit e).
Naalala ko yung dalawang kwento nya, ang Noli me Tangere at El Filibusterismo kung saan malinaw nyang ipinahayag na kailanman ang rebolusyon laban sa kolonyalistang mga Kastila ay di magtatagumpay.
Kaya hindi naging malinaw sa akin kung bakit sya binaril sa bagumbayan noon ng mga kastila. Uhmmn.. siguro in a way, tama sila, na ang panulat ni Rizal hindi man lantarang umaayon sa rebolusyon noong mga panahon na yun pero maaring nakakapagpaningas ng kalooban laban sa mga kolonyalistang espanyol.
Pero iba ang ineexpect ko para sa isang Pambansang Bayani.
>>parang hindi akma ang titulo sa entry ko….pero hayaan nyo na ko…..salamat.
| 2.5 |
Viewed 140 times by 71 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, March 16, 2006(isang medyo mahaba ng entry sana ang ginawa ko para sa topic na ito, pero dahil sa internet connection ko nasayang lang ang pagod ko)
Curious lang sana ako sa dalawang ito, dalawang kabataang guro na nagpasyang iblog ang mga karanasan nila sa loob ng eskwelahan. Paano kaya sila magturo? Nakakatuwang isipin na meron pang mga tao ang nasisiyahan sa pagtuturo bilang kanilang propesyon na napili.
Noong bata pa ako, madalas akong tanungin kung ano ang gusto kong maging paglaki ko, teacher lagi ang sagot ko. Pero habang tumatagal alam ko sa sarili ko na hindi ako magiging guro. Naalala ko minsan sa high school, naatasan akong pumalit sa ilang mga teacher ko noong boys and girls week. Parang isang klasikong eksena sa isang pelikula na nagpapakilala sa tipikal na striktong guro ang pagpapaikot sa estudyante sa loob ng classroom sa dahilang wala syang dalang papel para sa maigsing pagsusulit ang ginawa ko noon.
Sa panahon ngayon tiyak sisipain ako palabas ng silid-aralan ng mga estudyante kung gagawin ko ulit iyon.
Noong nasa kolehiyo ako nasanay ako sa isang liberal na paraan ng pagtuturo. Di ko makalimutan yung mga naging propesor ko na pinababayaan kaming magyosi sa loob ng klase, pero syempre kailangan me yosi din sila at ang cool e naghihingian pa kayo ng reserba.
Habang nagdidiskusyon ay pwede kang maupo sa desk ng silya habang dindebunk mo ang teorya na pinapaliwanag nila.
At higit sa lahat pwede kang hindi pumasok basta ba pag oral exam (sa oral exam madalas ay debate ang ginagawa) at written exam ay nasa klase ka.
Pero syempre hindi laging swerte, nandiyan din ang mga bookish na teacher, karamihan sa kanila kundi matatanda na ay mga bagong graduate at kasalukuyang nag-aaral sa grad school. Ang panlaban ko lang sa mga iyan ay mga researches na mas madalas e kopyang kopya lang sa mga librong kailangan nila para sa thesis nila. At syempre sa mga may edad na teacher ang iniiwan ko ay isang magandang impresyon sa umpisa ng klase …. bahala na sa mga susunod na araw kung anong mangyayari.
Pero ang isang guro na hindi ko makakalimutan ay hindi ang mga naging prof ko sa kolehiyo kundi ang Filipino teacher ko noong first year high school. Isang masayahing babae, may katabaan at may makapal na salamin. Kahit may katarayan si ma’am nagagawa nyang gawing masaya ang loob ng klase pag oras na nya. Kitang kita mo sa kanya na gusto nya ang ginagawa nya at masaya siya sa piling ng kanyang mga estudyante.
Huli kaming nagkita apat na taon pagkatapos ng unang taon ko sa high school. Medyo pumayat sya, wala na ang makapal nyang salamin pero di ko na nakita ang masayahin nyang mukha. Kinalabit nya ako sa balikat, noon ay nasa Liwasang Bonifacio kami para sa isang programa. Nasa gitna kami ng isang malawakang mobilisasyon at hindi ko inaasahan na makikita ko sya doon.
“Kilala kita!”
“Ma’am!” tugon ko. “estudyante nyo po ako noong high school.”
“Oo nga, naalala ko na. Nandito ka pala?”
“Opo, nasa cultural block po ako, kami po yung mga nagsasayaw sa unahan ng mob may mga hawak na flag.”
“Di ba nakakapagod yan? Ang haba na ng tinakbo natin tapos may dala dala ka pang flag.”
“Ma’am baka kayo napapagod na, pwede kayong umupo me lilim doon o.” sabay turo ko sa isang puno sa di kalayuan.
“Pagod na nga ako, pagod na pagod na ko. Alam mo ba yung hunger strike ng mga guro dahil sa mababang pasahod at patuloy na pag-gamit sa amin sa eleksyon? kasama ako doon. Napatalsik kami sa pagtuturo. Hindi kami pababalikin hangga’t di kami humingi ng tawad at mangakong hindi na mag rarally ulit. Anak ang ibang mga kasama ko, nagbalik na sa pagtuturo at nangakong hindi na mag sstrike ulet. Baka bumalik na rin ako…. wala akong trabaho ngayon matagal na.” mahabang litanya ni ma’am.
Di ko na nakita si ma’am pagkatapos non. Siguro ngayon nagtuturo na ulit sya.
| 2.5 |
Viewed 70 times by 39 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, March 14, 2006Ang sarap maging presidente! Papasyal pasyal na lang, take a break ika nga!. Matapos ang walang awang paninikil ng malayang pamamahayag at ang iligal na pagkulong sa mga taong tumutuligsa sa kanya….matapos nyang ilift kuno ang Proc. 1017 ayan, nakikisiesta sa poreynger na bisita.
Hay! kelan kaya ako makakagawi sa lugar na yan!
| 2.5 |
Viewed 69 times by 36 viewers
manilenya - Last updated: Monday, March 13, 2006Medyo natawa ako sa napanood kong interview sa Entertainment Konek noong Sabado.
Sa mga sagot nya sa mga tanong nina Ai Ai del las Alas at Ogie Diaz napatunayan kong bagay na bagay sa guest ang screen name nya — Bobita.
Tinanong sya kung sya ba yung nasa kumakalat na handphone video scandal (na naman), di makasagot ang bida. Kaya ang host na ang nagpaliwanag dahil napagusapan na daw nila yun.
Tinanong sya kung sino ang nagkalat ng video scandal.
Hindi daw ang boyfriend nya kundi ang kaibigan nito.
Paano napunta sa kaibigan nito aber?
Tinanong sya kung ano ang gusto nyang ipa-abot sa mga meron at nagkakalat nung sex video.
Ang sagot?
“Para sa mga nagkakalat nung video, tigilan nyo na yan at wala kayong mapupulot na aral diyan.”
E bakit nyo kinalat wala naman palang mapupulot na aral?
Wala lang. Gusto lang sumikat.
Galit daw ba sya sa boyfriend nya dahil kumalat yung video scandal?
Hindi daw,mahal daw nya ang boyfriend nya at naniniwala sya na iniisip ng nito nya ang kapakanan nya.
Kaya pala kumalat ang sex video nila.
Ang tanong ko paano ka makikipag sex habang me hawak kang handphone? Susme, nakapag enjoy pa kayo nyan?
Wala ako dapat pakialam dahil buhay nila yan, pero naman naman ….. gumawa sila nyan at masyadong publicized …nagpapainterview regarding sa isyu … pero hindi ka naman matutuwa sa mga sagot na maririnig mo.
Hindi gayahin si Izzy, bawat tanong may matalinong sagot sa mga sexcapades na ginagawa nya. At kaya nyang ipagtanggol ang sarili nya sa bawat panghuhusga na natatanggap nya. Kaya nyang panindigan ang pagkatao nya.
At pagkatapos kumalat ng mga handphone video scandal, ang mga “biktima” ay biglang iiyak dahil nakakaladkad sa iskandalo katulad ng ginawang pag-iyak ni Chiz noon ng PBB. Sabay sisigaw ng “respect me pleaseeeeeeee!!!!”
Okey lang kayo?
If you want other people to respect u and your privacy, respect yourself first.
Okey, okey tatanggapin ko na sabi ni Tammy (isang singaporean na nagkaroong ng video scandal kamakailan) - dala lang yan ng pagmamahal nyo sa isa’t isa ng partner nyo. pero pleaseeee!!! wag nyo naman iwawala ang handphone nyo.
So, sige na nga hindi kayo mapigilan.
Eto na ang tips:
Essential tips on making your own R-rated handphone video
>> For outdoor shoots at a staircase or public carpark, put the phone on an improvised tripod like a Coke can so that you get a landscape look as beautiful as the one in Brokeback Mountain.
>>Do not put your phone in vibrate mode or else your movie will turn out to be shaky.
>>Put your phone on silent mode during filming or else the loud ringing when someone calls will bring your mom into the room.
>>Wipe the phone thoroughly after filming before putting it into your ear to call somebody or answering a call.
>> Keep your film crew small because all handphones are very tiny and very hard to operate with a lot of people around.
>>Get a security services to guard your mobile phone at all times so nobody can steal it.
>>If you think hiring a security is expensive, secure your phone to your body with a metal chain forever.
>>Remeber: Siemen is a brand of handphones. It can be confused with a sex term.
>>Do not, I repeat, do not trade in your handphone for a new one if you have personal porn movies in it. The shop owner won’t give you more money for it.
>>For scenes involving more than two people, ensure that everybody is packed in tightly so that everyone gets equal screen time.
>>In the event of your phone getting stolen, don’t cry over spilt milk. Try to get a lucrative TV commercial featuring yourself in a skimpy outfit like Paris Hilton did.
Huling hirit.
Nakita ko ang link ng tammy video sa eche..blah..blah but unfortunately nawala na ang link sa tube. I don’t know, I assume na pinatanggal ng Singapore government yun … while tammy is undergoing a psychotherapy dahil sa video scandal. Ganun pinoprotektahan ng Singapore Government ang mga tao nila.
| 2.5 |
Viewed 112 times by 50 viewers
manilenya - Last updated: Friday, March 10, 2006|
|
202.175.234.# |
Makati, Rizal
|
6:32:05 pm | 60 | 90:05 | |
|
|
||||||
——–may masamang tao na pumasok sa pc ko!!!!!!———-
waaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!
| 2.5 |
Viewed 66 times by 36 viewers
manilenya - Last updated: Friday, March 10, 2006naglikot na naman ang kamay ko …. pwede nyong maview ang blog ko sa dalawang magkaibang theme ..just click on the theme sa right downside ng journalized winter at sa sideblog ng white as milk guys
at the same time pinalitan ko ang style.css ko (salamat kay ross dalangin ng pinoynets ..simple lang ang white as milk pero malinis na malinis sa mata!!
Di pa ayos ang mga blog links sa white as milk template guys sensya na next time na lang
see yah soon!!!! rest na muna ang lola nyo!
| 2.5 |
Viewed 64 times by 36 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, March 8, 2006binihisan ko ang aking dating bahay wala lang natutuwa ako, at napapraning hehehehehe! kakapraning ang tema lanya! di pa sya ganong ayos ..di ko alam kung mag-uupdate ako dun
tignan nyo lang
para masaya ang buhay
ooppppppppppppsssssssssssss!!!! natabunan ko si nanay! lol!
| 2.5 |
Viewed 66 times by 37 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, March 8, 2006Naikwento na ni younger sis na nabasa nga daw ni nanay yung entry ko tungkol kay tatay at sa litsong paksiw recipe, at tawa daw sya ng tawa. Hindi ko inaasahan na babasahin ni nanay ang blog ko. Dati tinuturuan ko syang mag-chat dahil marami akong naging kaibigan sa net na mga kasing-edad nya, pero umayaw sya — inatake sya ng mababang pagtingin sa sarili. Grade 2 lang ang inabot ni nanay di pa nga daw nya natapos dahil kailangan na syang tumulong sa pagsasaka pag panahon na ng pagtatanim at anihan. Pero kung pagkukumparahin kaming dalawa, ako na nakaabot sa kolehiyo at nakatapos ng ilang short courses ay walang panama sa kanya sa diskarte at paghahanap-buhay.
Hindi ko inaasahan na magiging daan ang pagbablog ko para malaman at mabigyan ko ng konting ngiti sa pisngi ang nanay ko. Alam nya na hindi ako ang tipo na magsasalita ng kung ano ang nangyayari sa akin at kung ano ang nasa loob ko ng personal. Siguro naiisip nya na hindi kami ganoon kalapit sa isa’t isa. Pero kahit kanino naman talagang hindi ako ganoon.
Ikinagagalit nya madalas yung hindi ko pagpapaalam kung saan ako pupunta, ang hindi pagtawag sa telepono kung anong oras ako uuwi, at iyon mismong hindi ko pagsasabi sa kanya kung ano na ba ang nangyayari sa akin sa labas ng bahay.
Ngayon na nabasa nya ang aking entry, nagkaroon pa sya ng mga bagay na maikukwento sa ilang mga kaibigan. At tiyak ko nalalaman nya na kung ano nasa loob ng isip at damdamin ko. Na mas madalas hindi binibigyan ng pansin noon dahil dati naiisip nila hindi makakatulong sa pag-unlad ko (pagdating sa pinansyal). Isang malaking resentment sa kanila ang pagkahilig ko sa pulitika noon (o mas tamang pakinggan ang aking pagiging socially aware), ang pagkahumaling sa internet at ang paminsan-minsang paglabas kasama ng mga kaibigan na nakilala ko sa net. Patuloy lang daw akong magiging isang BUM.
Pero nakakatuwa rin.
Dahil ang pagbablog na aking kinagigiliwan ngayon ay maari ng maging isang daan para magkaroon kami ng komunikasyon ni nanay.
Malapit na ang kaarawan nya, ilang araw na lang. At ngayon pa lang binabati ko na sya ng isang MALIGAYANG KAARAWAN!!!!
| 2.5 |
Viewed 86 times by 44 viewers


piapot



