Natapos ko rin sa wakas yung Jewel in the Palace (akalain mo yun!). Imagine a 14 disk (6 hours per disk) dvd e i marathon kong panoorin? ( di rin ako makapaniwala actually).
I am not into watching tv/movies, sabi ko nga e mawala na lahat basta radyo meron ako pero kung wala ka namang ibang mapaglilibangan at natutulili na ang mga tenga mo sa paulit ulit na tugtog siguro kaw rin bubuksan mo na ang tv at ang mga mata mo naman ang papagurin mo sa kapapanood.
It’s a different Korean teledrama, iwas sa masyadong iyakan tungkol sa buhay pag-ibig ng mga bida. Tungkol ito sa isang batang babae na nagkarun ng misyon sa palasyo. (Ang sabi history daw ito ng Korea) Well, kung totoo nga yan aba e napakagandang kasaysayan pala kung ganun.
Kasaysayang nagumpisa sa kusina at akala ko matatapos din sa kusina. Sabi ko nga bakit ganun? bakit puro ata pagluluto ang istorya nyan?
Sabi ni sis “dun nga umiikot ang istorya e, dun kasi sa kusina nagaganap yung pag gamit ng posisyon para makontrol yung buong palasyo.”
“Ahh okay.”
Sa madaling sabi natapos ko ang palabas (ayaw ko ng palawigin pa kasing haba ng buong kwento) at bukod sa nalaman kong nakuha nya ang pinakamataas na pwesto ng pagiging doktor kung saan malabong mangyari dahil it’s a man’s world nga daw sa pamamagitan ng patuloy na pagpupursige sa pag-aaral, pagsasaliksik at pagiging matigas ng ulo (sinabi na kasing bawal mag-aral at paunlarin ang sarili ang mga babae noong mga panahon na yun e!) sya rin ang naging daan para mapabagsagak ang nepotismo, graft and corruption at pag gamit ng posisyon para makontrol ang ekonomiya ng bansa para sa pansariling pagpapayaman.
Magandang palabas, kaya pala maraming nagkagustong kalalakihan kay Jang-geum. Isang babaeng may malakas na personalidad, masipag, matyaga at higit sa lahat masarap magluto.
At syempre pa dahil sa maganda ang palabas, hindi pwedeng wala akong matutunan.
“Dapat pala para sumarap ang lutuin ay lamasin ng mabuti ang mga rekado habang iniimagine mo ang mukha ng kakain na ngingiti habang tinitikman ang masarap mong ihahain”
| 2.5 |
Viewed 387 times by 156 viewers









athem short term medical insurance
manilenya







oo nga maganda nga yang jewel in the palace para syang true-to-lifa na story noh? jang geum ang galing mo d’best ka talaga!!!!!!