PUP aking mahal

blog, life

wala akong maiblog kaya napagpasyahan kong magbloghopping, at sa kakaligid napag-alaman ko na may ilan sa aking mga paboritong pasyalan ay dating mga taga PUP

bigla ko naalala ang aking buhay estudyante:

pitong taong sikad ang tinagal ko sa paaralang iyon, mantakin mo ni hindi ako nakatapos.

naging tambayan ko ito at naging pangalawang tahanan.

naalala ko pa disisais ako ng unang napasok sa unibersidad, walang alam at hindi alam ang patutunguhan. Sumasabay sa agos ng buhay, ni hindi alam kung anong kurso ang gustong kunin. Ang grado ko noong high school at ang result n PUPCET ang naging dahilan ko para mag-enroll sa kursong journalism.

At dahil bago ako, nangarap akong magkarun man lang ng organisasyong masasalihan. Ang sabi kasi makakatulong ito sa paglinang ng aking kaisipan at makakatulong din sa aking pag-aaral.

Minsan nakita ko ang isang theater organization na nagpalabas sa harap ng Popeye. Naattract ako sa di-pangkaraniwan nilang palabas — isang interpretative dance– sa saliw ng Tatsulok ng Buklod.

Mula noon naisip kong pumasok sa teatro at ang Polyrep ang pinakamagandang aniban dahil residence theater org ito at tyak na magiging scholar ako kahit di ako matalinong tao.

Pero sadya atang hindi ako para doon kaya sa isang theater org ako napunta, ang DULAANG KATIG. Ang sabi nila isa silang living newspaper, isinasadula nila ang mga bagay na nangyayari sa lipunan.

Hindi ko inaasahan na pagkatapos noon, ay magsisimula ang panibagong kabanata sa aking buhay. Natuto akong ibukas ang aking isip mula sa isang konserbatibong pananaw na walang iniisip kundi sarili lang.

natuto akong tumingin sa paligid ko
natuto akong mag-analisa
natuto akong kumilos
at natutong magpakilos

Maraming karanasan at aral ang binigay sa akin ng unibersidad:

naroon ako ng tila maging garrison ito ng mga militar

naroon ako ng sa gitna ng labanan ng mga militar at ilang progresibong organisasyon dahil sa pilit na pagpapalit ng PUP president

naroon ako at kitang kita ko ang mga sniper habang nasa 4th floor nakatutok ang mga armalite sa mga estudyante ng pilit pasukin ang president office dahil sa illegal na pagluklok sa dating presidente ng PUP-bataan sa main campus.

naroon ako ng mapasok ang president office at natanggal ang seal ng presidente.

naroon ako ng manalo ang PUP community laban sa gobyerno na gustong sikilin ang karapatan ng mga estudyante, mga guro at mga nagtatrabaho dito sa pamamagitan ng pagluklok sa tuta nila sa president office.

sa bandang huli, niluklok pa rin si VP Carague na dapat lang talagang mangyari.

Hay! kaysarap nga namang makita na manalo ang pagpupunyagi ng lahat laban sa paninikil ng Academic Freedom

naroon din ako ng pansamantalang ampunin ng University ang ilan sa mga taga Cagayan Valley na biktima ng military oppression doon.

naroon din ako ng ilikas ang mga taong nasunugan sa tabi ng pasig river at pansamantalang patuluyin sa campus.

naroon din ako ng ipagbawal ang yosi sa loob ng campus, pero wala silang nagawa sa mga sugapa, nakakapagyosi pa rin ang gustong magyosi (nasa diskarte lang yan!)

WALA AKO DOON ng bigang sumugod ang tatay ko na may kasamang 2 owner type jeepney kasakay ang mga kumpare nyang pulis, hinahanap ako dahil tatlong araw na kong di umuuwi. Bigla tuloy ako umuwi ng malaman ko (takot ko lang sa tatay ko no)

Bigla gusto ko tuloy umawit:

Sintang Paaralan
Tanglaw ka ng bayan
Pandayan ng isip ng kabataan
Kami ay dumating nang salat sa yaman
Hanap na dunong ay iyong alay
Ang layunin mong makatao
Dinarangal ang Pilipino
Ang iyong aral, diwa, adhikang taglay
PUP, aming gabay
Paaralang dakila
PUP, pinagpala
Gagamitin ang karunungan
Mula sa iyo, para sa bayan
Ang iyong aral, diwa, adhikang taglay
PUP, aming gabay
Paaralang dakila
PUP, pinagpala

Rate this:
2.5

Viewed 675 times by 245 viewers

RSS feed | Trackback URI

1 Comment »

2007-05-06 00:29:00

[...] ko tuloy yung dahilan ng pagkakakilala namin dito sa blog ni Otep, isang nagpupursiging maging photojournalist sana katulad ng kanyang idolong si Howie [...]

 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.