Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen says although my mother is a street smart, it doesn't mean that I'm a smart ass....

        (Updated 1 day, 20 hours, 19 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
Ang babae sa kahabaan ng Recto
By User Imagemanilenya | 3 CommentsLeave a Comment
Last updated: Thursday, February 9, 2006

(naisip kong mas maganda pang isulat ang tunay na kwento ng buhay, ilang minuto lang ito ng pag-iisip, isang karanasang na kahit maliit na pangyayari ay malaking aral ang ibinigay sa akin)

“Miss, nagbigay ka na ng P1,500 noong registration, you still have a remaining balance of P6,000. You must pay at least half of it this month.” umeeko ang mga salitang ito sa isip ko.

Paulit-ulit.

Nasa harap ako ng STI sa Recto noon.

Mataman ko mang isipin, hindi ko mababayaran ang halagang iyon. Hindi na.

Noong araw na iyon ay nag resign na ako sa pinakamalaking computer shop noon sa U-belt bilang assistant supervisor/cashier/service staff/janitress.

Hindi pala, isa pala ako sa halos lahat na empleyadong planong tanggalin ng management dahil sa pag gamit ng mga kompyuter sa oras ng trabaho. Pero dahil alam ko na tapos na ang kontrata ko noong nakaraang buwan pa, inunahan ko na sila ng resignation letter na nagsasaad na wala silang karapatang tanggalin ako dahil matagal ng tapos ng kontrata ko at matagal na rin akong nagpaalam sa bisor pero hindi ako pinayagang umalis.

At ngayon, araw ng bayaran ng tuition fee sa isang pribadong paaralan ng computer courses na pinapasukan ko, hindi ko maiwasang mangamba. Wala na akong trabaho. Wala na akong mapagkukunan ng pambayad ng tuition fee ko.

Bago pa itong short course na ito ay naglakas loob na akong mag-enroll ng computer course. Hindi na kasi ako tinanggap sa unibersidad na dati kong pinapasukan noong gusto kong magbalik eskwela isang taon at kahalati pagkatapos kong ipanganak si Aya.

Hindi ko alam ang gagawin ko.

Magulo ang isip ko. Wala na kong isasanlang alahas. Naubos na noong una akong nag-enroll sa STI dalawang taon na ang nakakaraan. Ang nanay ko na rin ang tumulong sakin noon sa pagbabayad ng tuition fee.

Skriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit!!!!!!!!

“Miss, tumabi tabi ka naman! mamamatay ka nyan ng di oras e! pati ako maaabala mo pa,” sabay andar ng pampasaherong sasakyan na muntik ng bumangga sa king pagal na katawan.

Tuliro akong umurong.

Nasa isip ko pa rin ang halagang sinabi ng registrar sa akin.

Ipinasya kong kumuha ng Visual Basic with Java programming pagkatapos kong matapos ang Certified Applied Programming sa STI noon habang nagtatrabaho sa isang computer shop sa U-belt. Hindi ko inaasahan ang ganitong sitwasyon.

Wala na kong lakas ng loob na humingi pa ng tulong sa mga magulang ko na patuloy na sumusuporta sa akin at sa aking anak.

Urong-sulong akong naglakad patungong avenida.

Avenida. Kanto ng Avenida at Recto. Odeon.

Biglang may pumasok sa aking kamalayan.

Araw-araw na pagdaan ko sa kalyeng ito. May mga mukha akong madalas makita. Mga babaeng nakatayo sa gilid ng dating sinehan, minsan nag-iisa at mas madalas may mga kasamang lalaki, nag-uusap. Tila ba may mahalagang “negosyong” pinag-uusapan.

At ako bilang mapagmasid sa lahat ng aking nakikita, matagal ko ng alam ang negosyong pinag-uusapan sa lugar na yun.

Iba’t-ibang klase ng tao ang madalas kong makita dun. Iba’t-ibang itsura ng mga babae at lalaki. May seksi, May matanda, may bata, may parang bagong panganak pa lang dahil sa malaking puson pero nandoon na at nag-aabang ng kliyente.

Nag-isip ako.

Ano kaya?

Lakad ako papuntang Avenida. Mabagal. Nag-iisip pa rin.

Makakakuha ba ako ng kahit P3,000 sa pagtayo ko sa kanto ng Odeon?

Huminto ako.

Nag-isip.

Sa itsura kong ito? Tanong ko sa sarili ko. Kahit siguro P50 hindi ako mabibili.

At sa itsura ng mga lalaking nakikita kong kausap ng mga babaeng nagtitinda ng aliw sa kantong iyon?

Dahil ang lugar ay nasa gitna ng kamaynilaan, isang kalye na naging tirahan na rin ng mga karamihang pinoy na walang matiran. Pugad ng mga snatcher. Pahingahan ng mga pagal na katawan galing sa pagtatrabaho. Karamihan ng mga lalaking nakikita ko doon, kundi nagtatrabaho sa construction ay mga tindero ata sa tabi ng quiapo. Malabo akong makakuha ng halagang kinakailangan ko.

Tumawid ako sa kabilang lane.

Sumakay sa dumating na sasakyan patungong Divisoria.

Nahagip ng mata ko ang mga babaing nakatayo sa kanto ng Avenida at Recto.

Napa-iling.

Rate this:
2.5

Viewed 604 times by 208 viewers

RSS feed | Trackback URI

3 Comments »

Pingback by | manilenya
2007-09-14 01:51:56

[...] ok..mganda isang blog jan..ung about s girl n ng aral s sti.. siya:tama b?? ako: lol ako: oo ako: wow ha nabasa mo yun? (bigla ako na excite dahil sobrang tagal [...]

 
2008-02-13 11:50:36

[...] Same as I didn’t realize that I am going to hurt my mother’s feeling when I wrote Ang Babae sa Kahabaan ng Recto (The Girl at Recto Avenue -) I asked her to visit this site and read but I didn’t expect her [...]

 
2008-08-05 22:58:56

[...] Same as I didn’t realize that I am going to hurt my mother’s feeling when I wrote Ang Babae sa Kahabaan ng Recto (The Girl at Recto Avenue -) I asked her to visit this site and read but I didn’t expect her [...]

 
Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.