manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

hang-over ng kwento ni lola

February 02, 2006 By: User Imagemanilenya Category: Womens, blog, life

dahil sa overwhelm ako sa kwento ni lola ibibigay ko ang kwento ng isang kaibigan na nag-asawa sa edad na disisais.

Malambing ang tinginan ng mag-asawa sa mga unang taon ng kanilang pagsasama.

Kinaiinggitan ang madalas na PDA (Public Display of Affection) nila. Kulay rosas lagi ang paligid, minsan may natutuwa pero mas marami ang naiinis, di na lang daw kasi gawin sa loob ng bahay kung ano man ang gusto nilang gawin.

Pero gaya din ng maraming mag-asawa, ng lumaon nabuhay din sila ng normal (di pala normal ang maglambingan ng maglambingan lol!) — nag-aaway, nagbabati, nag-aaway, nagbabati.

Likas kay lalaki ang uminom. pagkatapos ng trabaho inom, pag kaharap ang mga kaibigan inom, pag kaharap ang mga in-laws inom. At pagkatapos uminom saka lalabas ang inis sa asawa. Seloso pala ito, At ang gusto lagi syang inaasikaso, kahit na nakakainis na ang ugali nya kailangan pa rin syang asikasuhin lalo na pag lasing.

Madalas magwala si lalaki, palibhasa madalas kasing lasing. Kumita ng konti sa isang linggong pag kakarpintero mauubos naman ang mahigit kalahati ng sweldo sa alak, ang siste makikikain na lang sila sa mga magulang ng babae. At dahil sa madalas na lasing si lalaki, madalas din ito magalit sa asawa. Ang dahilan puro selos. Nagseselos mismo sa mga kaibigan na sya ring kainuman nya. Lahat ng malalaswang salita ibinabato nya sa kanyang asawa. Dumating ang panahon na kahit hindi sya lasing pinagdududahan nya ito. Hanggang sa dumating na saktan nya na ang kanyang asawa, na didis-ilusyon ata sa sobrang selos.

Dumating ang panahon, nagising si babae. Lasing na lasing na naman ang kanyang asawa. Pinagmumura na naman sya. Hindi na nakatiis si babae dahil sa hindi lang mura ang inaabot nya, nasasaktan na rin sya ng pisikal.

Ang ginawa ng babae ng makakita ng pagkakataon, sinipa nya ang ari ng kanyang asawa sabay palo ng bote sa ulo na nakapa nya sa tabi nya at tumakbo ng mabilis palabas ng bahay.

Dahil doon, natauhan si lalaki. Hindi nya pala kayang kantiin ng kantiin ang kanyang asawa dahil lalaban at lalaban ito pag sobra ng nasasaktan. At kung gusto nyang manatili sa kanya ang kanyang asawa kailangan nyag magbago.
Ang natutunan ko dito?

Hindi pala lahat ng bagay ay nakukuha lang sa dasal. Kailangan ding maging marahas ka para makamit mo ang pagbabago, para hindi ka na sinasaktan at inaapi. Dahas laban sa Dahas.

Naalala ko tuloy ang isang pinay na pinutol ang ari ng kanyang asawa dahil sa sobrang hirap na dinanas nya dito. Nasaan na kaya sya ngayon?

Rate this:
1.0 (2 people)

Viewed 1779 times by 379 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.