manilenya - Last updated: Monday, February 27, 2006Hindi ko alam kung ano problem ng blog na ito.
Nawawala lagi ang first entry ko bout State of National Emergency, pagtingin ko kanina sa site admin naka private, kahit kelan di ako nagpaprivate ng entry ko tsk tsk tsk tsk!
Maging ang sideblog ko, wingdings daw ang font, at ang ibang entry ko ganun din, puro special characters daw. Pero sa akin naman, since i am using firefox, wala akong nakikitang problem.
Di ko alam kung magpapalit ako ng template, dahil mas madalas nahihirapan akong hanapin yung mali sa CSS ko, inaabot ng ilang araw. Wala akong time to fix it. Kaines!!!!!
*Isa pang katangahan ko, bakit ang boba ko mag tag? tsk tsk tsk tsk*
**May inayos na ako sa SNE entry ko, i think dun nagumpisa ang problem …..pls tell me guys kung may nakikita pa rin kayong problem, if ever baka idelete ko na lang yung last entry, mahirap maghanap ng new lay-out e, kakapagod maglipat bahay.
——————————————
***Sa wakas naayos din ang ****** blog na to … nagpapasalamat ako ke te neng at kars sa pagtyatyaga sa pangungulit ko, maayos lang to, dahil talagang wala akong makitang mali sa browser ko….Hay kapagod!
Nagmistulang isang diary ko ngayong araw na to ang entry na to.
Walang relevant entry.
Sabagay irrelevant naman ako madalas.
Tsk tsk tsk!
| 2.5 |
Viewed 118 times by 59 viewers
manilenya - Last updated: Friday, February 24, 2006GMA Already declared State of National Emergency. Bunye read the text on Proc. 1017 under STATE OF EMERGENCY and as commented by marvin on his opinion:
“this gives ultimate powers on the military to arrest individuals caught committing acts of lawless violence insurrection or rebellion.”
an hour ago Randy David and Argee Guevarra was arrested
Senators question legality of emergency declaration <------hello alligator! ( naguumpisa na naman kayo!!!)
hindi pwede magrally sa edsa
Hindi ko na mahihintay ang susunod na kabanata. Balitaan nyo na lang po ako sa komento.
Isa lang ang iiwanan ko komento ko sa entry ni marvin:
filipino people shall unite, this time i just hope that no power hungry politicians would wreck the assemblage of filipino masses who wants to stamp out the present illigitimate president and wife of the most corrupt first gentleman.
| 2.5 |
Viewed 112 times by 52 viewers
manilenya - Last updated: Friday, February 24, 2006I usually don’t buy tickle.com quizzes, I just felt that spending time answering those bunches of queries were just a waste of time. But when I saw jhay’s entry today, and it looks like the score matches his personality, I decided to give it a try ( ok ok! I admit! No topic in mind yet to blog this time) But to my amazement “too” (gaya ko pagkamangha ni jhay sa result ng test nya), I so feel pretty with (haba ng hair ko) the result. Read on please…..
Viewed 115 times by 58 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, February 21, 2006To mmy-lei,
I know deep in your heart, you want to utter your love and thanks to your dad, and we as your friend, can’t find the words of gratitude for he had brought a wonderful person like you in this world.
Condolence!
The things you taught me I will always know.
How could I not? The roots have sunk so deep:
All lessons of the heart that I will keep
No matter who I am or where I go.
Kids learn from what their parents are, and so
You are my book of life, the thoughts I reap;
Only in your arms I quiet sleep;
Under my words your voice sings soft and slow.
From you I learned the rules of right and wrong
Against which I at times had to rebel,
Though with regret I carry with me still.
How lucky I am to have been loved so well,
Even as I pushed against your will,
Relying on a father fair and strong.
*poem by Nicholas Gordon
| 2.5 |
Viewed 159 times by 67 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, February 21, 2006(singit lang to di ko maiwasang matawa nung sinend ni younger sis e :))
Keanna: “Di ko alam na pinag-uusapan ako kasi ba’t naman ako nila
paguusapan? di ko naman bertdey”
__________________________________________________
Keanna: “Andami kong pimples wala kasing moisturizer eh”
Rico: “Ano ?”
Keanna: ” Bakukang..andami kong bakukang( pertaining to her
pimples)”
Rico: ” Anong bakukang?”
Keanna: “Insekto..(tapos sabay hipo sa mukha niya)”
__________________________________________________
Keanna” “Buti na lang pinaligo na tayo, akala ko kasi sa Sabado pa
puwedeng maligo. Paano kaya sila matutulog non?”
( now, i dont get this. tayo tapos sila?)
__________________________________________________
Keanna to Koya: (About not taking bath) Pakiramdam ko po kasi hindi
na ako FRESH.
__________________________________________________
Keanna: “Rustrum!!”
Roxie: “Rustom hindi Rustrum!”
Keanna: *deadma mode” pakealam mo? mayaman ako sa letter R!
__________________________________________________
Some excerpts from Pinoy Big Brother and Keanna Reeves.
You can just love her for being herself.
____________________________________________________
Keanna: (habang nagwawalis) “Hindi ako makatulog na madumi ang bahay
kasi. tapos mahilig pa kayong magkape. gusto ko tuloy kayong paluin”
__________________________________________________
Keanna: Ang hirap kaya mag-dishwasher
__________________________________________________
Keanna ay nagpa-fashion show sa harap ng mga housemates
habang nagpo-pose:
Keanna - “Dapat pala ay mag-pouch ako”
Housemates - “Pout hindi pouch( tapos halakhakan)”
Keanna - “Eh ano yung pouch past tense”
__________________________________________________
RULE: Bawal galawin ang furnitures ng wala akong pahintulot
Keanna: edi bawal pala gamitin yung rocking chair? kasi gagalaw yun
__________________________________________________
Keanna: “John Prats! John Prats! Kunin mo nga yung chicken.”
(hahhahahahh! Full name talaga? )
__________________________________________________
Keanna: (from the rule book) si big bra.. brother ang magbibigay sa
inyo ng mga kakailanganing gamit…(thinks)… e bat di natin makita
ung kamay ni
big bradir eh sya pla magbibigay( sbay twa sila..)
__________________________________________________
ZANJOE: Yung kapatid ko ZANDRO…
KEANNA: Lahat kayo start sa ‘S’??
__________________________________________________
Keanna: “Ay naku wala na pag-asa tayo mag-modern times. Ito pa din
ang toothbrush…Talagang back to BISIKS tayo
__________________________________________________
Keanna - “Streppers ako” (stripper)
| 2.5 |
Viewed 194 times by 95 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, February 21, 2006
Serves:
Calories Per Serving:
Preparation Time:
Difficulty: Easy
Ingredients: 1 kilong litsong baboy
1 ulong bawang
1-1/2 tasang sarsa ng litson ( may nabibiling nakabote )
1/2 dahon laurel
2 tangkay ng oregano
4 na kutasarang pulang asukal
mga pamintang buo
asin
Cooking Instructions: Linisin munang mabuti ang kaldero o paglulutuan sa litson.Pagkaraan ay paghaluing lahat ang mga sangkap sa paglulutuan. Isalang sa apoy at pabayaang naksalang sa loob ng 30 minuto.Pagkalipas ng tagal na ito, maaring hanguin na ang litson at idulot sa hapag kainan para kainin ng mag anak
Hindi kayo nagkamali ng binabasa.
Wala naman akong planong gawing cook blog ang site ko, nagkataon lang na hinanap ko yung recipe sa net.
Ganyan ang ugali ko pag magluluto ako at hindi ako sigurado kung pano to lutuin.
Naging gawi ko dahil noon sa pinas sa tuwing magtatanong ako sa tatay ko kung pano lutuin ang isang putahe, titingin lang sya sa akin sabay sasabihing “tangina! ang laki laki mo na hindi mo pa alam?”
Yan ang tatay ko, masarap magluto pero wala akong natutunan sa kanya kahit isa. Ahh hindi pala, tinuruan nya akong maging mapagtimpi, matiisin at mabait na anak sa tuwing magagalit sya pag nagtatanong ako.
Pero kahit ganyan sya kabait, basta pag-uwi ko ipagluluto ko siya ng mga pagkaing natutunan kong iluto sa sariling pagsisikap.
| 2.5 |
Viewed 129 times by 67 viewers
manilenya - Last updated: Monday, February 20, 2006Natapos ko rin sa wakas yung Jewel in the Palace (akalain mo yun!). Imagine a 14 disk (6 hours per disk) dvd e i marathon kong panoorin? ( di rin ako makapaniwala actually).
I am not into watching tv/movies, sabi ko nga e mawala na lahat basta radyo meron ako pero kung wala ka namang ibang mapaglilibangan at natutulili na ang mga tenga mo sa paulit ulit na tugtog siguro kaw rin bubuksan mo na ang tv at ang mga mata mo naman ang papagurin mo sa kapapanood.
It’s a different Korean teledrama, iwas sa masyadong iyakan tungkol sa buhay pag-ibig ng mga bida. Tungkol ito sa isang batang babae na nagkarun ng misyon sa palasyo. (Ang sabi history daw ito ng Korea) Well, kung totoo nga yan aba e napakagandang kasaysayan pala kung ganun.
Kasaysayang nagumpisa sa kusina at akala ko matatapos din sa kusina. Sabi ko nga bakit ganun? bakit puro ata pagluluto ang istorya nyan?
Sabi ni sis “dun nga umiikot ang istorya e, dun kasi sa kusina nagaganap yung pag gamit ng posisyon para makontrol yung buong palasyo.”
“Ahh okay.”
Sa madaling sabi natapos ko ang palabas (ayaw ko ng palawigin pa kasing haba ng buong kwento) at bukod sa nalaman kong nakuha nya ang pinakamataas na pwesto ng pagiging doktor kung saan malabong mangyari dahil it’s a man’s world nga daw sa pamamagitan ng patuloy na pagpupursige sa pag-aaral, pagsasaliksik at pagiging matigas ng ulo (sinabi na kasing bawal mag-aral at paunlarin ang sarili ang mga babae noong mga panahon na yun e!) sya rin ang naging daan para mapabagsagak ang nepotismo, graft and corruption at pag gamit ng posisyon para makontrol ang ekonomiya ng bansa para sa pansariling pagpapayaman.
Magandang palabas, kaya pala maraming nagkagustong kalalakihan kay Jang-geum. Isang babaeng may malakas na personalidad, masipag, matyaga at higit sa lahat masarap magluto.
At syempre pa dahil sa maganda ang palabas, hindi pwedeng wala akong matutunan.
“Dapat pala para sumarap ang lutuin ay lamasin ng mabuti ang mga rekado habang iniimagine mo ang mukha ng kakain na ngingiti habang tinitikman ang masarap mong ihahain”
| 2.5 |
Viewed 132 times by 60 viewers
manilenya - Last updated: Friday, February 17, 2006Voice : nyahahaha!! at last!!!
Mark : oi! gising ka nanaman?
Voice : oo. wahahaha..
Mark : wahehe.. musta ka naman?
Voice : heto.. ayos lang.. sarap ng bagong gising.
Mark : hehe.. ano pala ginagawa mo d2?
Voice : for the 3rd time.. yayayain na kita ulit. bwahahaha..
Mark : ows? as if naman na sasama ko sayo. ASA!
Voice : at bkt ka naman hindi sasama? look around you.
a short pause…
Voice : wala na nagmamahal sayo! nyahaha.. kawawa ka naman!!
Mark : hahaha.. tawa nalang ako.. who says wala na nagmamahal sakin?
Voice : ako. kakasabi ko lang e. hahahaha..
Mark : ohh.. really? patunayan mo nga..
Voice : hahaha.. cge ganito.. sa tingin mo.. bkt ako nagising?
Mark : ewan ko sayo.. bkt nga ba?
Voice : wala ka talagang alam..
Mark : ha?
Voice : for every tear that drops to the floor from ur heart is like a ring of bell that wakes me up.
Voice : for every laugh that ur heart makes is a melody that brings me to sleep.
Mark : d ko gets..
Voice : hay naku.. ang hina mo naman..
Mark : gulo mo kausap eh
Voice : puro patak ng luha naririnig ko galing sa puso mo kaya nagising ako.
Mark : so?
Viewed 158 times by 76 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, February 15, 2006Sinubukan kong kumuha ng mga litrato gamit ang Nikon SLR ni younger sis. Masyado kasi akong naiinggit sa mga photoblog na nakikita ko, tinignan ko kung me ibubuga ako kahit papano. Sana nga lang meron. Pero nung nakita ko na. Ewan……..
nagtanong si sis bakit daw ang hilig kong kumuha ng masyadong close-up, sabi ko maganda kasing subject ang mukha nya, bigla sya natawa.
Syempre wala na ring gaganda pang subject sa mother and child diba?
At sa mga batang walang ibang iniisip at masayang naglalaro.
Pansin ko lang, pag nakatalikod pala ang mga batang Singapore
wala silang pinagkaiba sa mga batang pinas ano?
E ang halamang itinanim para gumanda ang paligid?
Nye!! Di pala maganda yung halaman na napili ko.
Ngayon kayo ang humusga……may ibubuga ba ko kahit konti? may talento ba na pwedeng mahasa? O wag ko na lang pangarapin pang maging photographer?
| 2.5 |
Viewed 142 times by 65 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, February 14, 2006wala akong maiblog kaya napagpasyahan kong magbloghopping, at sa kakaligid napag-alaman ko na may ilan sa aking mga paboritong pasyalan ay dating mga taga PUP
bigla ko naalala ang aking buhay estudyante:
pitong taong sikad ang tinagal ko sa paaralang iyon, mantakin mo ni hindi ako nakatapos.
naging tambayan ko ito at naging pangalawang tahanan.
naalala ko pa disisais ako ng unang napasok sa unibersidad, walang alam at hindi alam ang patutunguhan. Sumasabay sa agos ng buhay, ni hindi alam kung anong kurso ang gustong kunin. Ang grado ko noong high school at ang result n PUPCET ang naging dahilan ko para mag-enroll sa kursong journalism.
At dahil bago ako, nangarap akong magkarun man lang ng organisasyong masasalihan. Ang sabi kasi makakatulong ito sa paglinang ng aking kaisipan at makakatulong din sa aking pag-aaral.
Minsan nakita ko ang isang theater organization na nagpalabas sa harap ng Popeye. Naattract ako sa di-pangkaraniwan nilang palabas — isang interpretative dance– sa saliw ng Tatsulok ng Buklod.
Mula noon naisip kong pumasok sa teatro at ang Polyrep ang pinakamagandang aniban dahil residence theater org ito at tyak na magiging scholar ako kahit di ako matalinong tao.
Pero sadya atang hindi ako para doon kaya sa isang theater org ako napunta, ang DULAANG KATIG. Ang sabi nila isa silang living newspaper, isinasadula nila ang mga bagay na nangyayari sa lipunan.
Hindi ko inaasahan na pagkatapos noon, ay magsisimula ang panibagong kabanata sa aking buhay. Natuto akong ibukas ang aking isip mula sa isang konserbatibong pananaw na walang iniisip kundi sarili lang.
natuto akong tumingin sa paligid ko
natuto akong mag-analisa
natuto akong kumilos
at natutong magpakilos
Maraming karanasan at aral ang binigay sa akin ng unibersidad:
naroon ako ng tila maging garrison ito ng mga militar
naroon ako ng sa gitna ng
labananng mga militar at ilang progresibong organisasyon dahil sa pilit na pagpapalit ng PUP presidentnaroon ako at kitang kita ko ang mga sniper habang nasa 4th floor nakatutok ang mga armalite sa mga estudyante ng pilit pasukin ang president office dahil sa illegal na pagluklok sa dating presidente ng PUP-bataan sa main campus.
naroon ako ng mapasok ang president office at natanggal ang seal ng presidente.
naroon ako ng manalo ang PUP community laban sa gobyerno na gustong sikilin ang karapatan ng mga estudyante, mga guro at mga nagtatrabaho dito sa pamamagitan ng pagluklok sa tuta nila sa president office.
sa bandang huli, niluklok pa rin si VP Carague na dapat lang talagang mangyari.
Hay! kaysarap nga namang makita na manalo ang pagpupunyagi ng lahat laban sa paninikil ng Academic Freedom
naroon din ako ng pansamantalang ampunin ng University ang ilan sa mga taga Cagayan Valley na biktima ng
military oppressiondoon.naroon din ako ng ilikas ang mga taong nasunugan sa tabi ng pasig river at pansamantalang patuluyin sa campus.
naroon din ako ng ipagbawal ang yosi sa loob ng campus, pero wala silang nagawa sa mga sugapa, nakakapagyosi pa rin ang gustong magyosi (nasa diskarte lang yan!)
WALA AKO DOON ng bigang sumugod ang tatay ko na may kasamang 2 owner type jeepney kasakay ang mga kumpare nyang pulis, hinahanap ako dahil tatlong araw na kong di umuuwi.
Bigla tuloy ako umuwi ng malaman ko (takot ko lang sa tatay ko no)
Bigla gusto ko tuloy umawit:
Sintang Paaralan
Tanglaw ka ng bayan
Pandayan ng isip ng kabataan
Kami ay dumating nang salat sa yaman
Hanap na dunong ay iyong alay
Ang layunin mong makatao
Dinarangal ang Pilipino
Ang iyong aral, diwa, adhikang taglay
PUP, aming gabay
Paaralang dakila
PUP, pinagpala
Gagamitin ang karunungan
Mula sa iyo, para sa bayan
Ang iyong aral, diwa, adhikang taglay
PUP, aming gabay
Paaralang dakila
PUP, pinagpala
| 2.5 |
Viewed 137 times by 65 viewers
manilenya - Last updated: Friday, February 10, 2006ang malamyos na tinig
mga hikbing kay tinis
sa gitna ng gabi
twina sa aki’y nang-gigising
mga iyak
kasabay ng mga matang nagsusumamo
kasunod ng mga katagang mama…….mama…..
naririnig ko pa rin ang mga tinig
nararamdaman ko pa rin ang mga mahihinang kilos at galaw
inaalala ang bawat gabi
di mapakali…..
di mawaglit
ang ala-ala
ng isang batang musmos
dinala ko sa aking sinapupunan
inalagaan…
inaruga….
minahal
apat na bwan na lang……….. muli ko ng maririnig, makikita, mayayakap……..
| 2.5 |
Viewed 186 times by 78 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, February 9, 2006(naisip kong mas maganda pang isulat ang tunay na kwento ng buhay, ilang minuto lang ito ng pag-iisip, isang karanasang na kahit maliit na pangyayari ay malaking aral ang ibinigay sa akin)
“Miss, nagbigay ka na ng P1,500 noong registration, you still have a remaining balance of P6,000. You must pay at least half of it this month.” umeeko ang mga salitang ito sa isip ko.
Paulit-ulit.
Nasa harap ako ng STI sa Recto noon.
Mataman ko mang isipin, hindi ko mababayaran ang halagang iyon. Hindi na.
Noong araw na iyon ay nag resign na ako sa pinakamalaking computer shop noon sa U-belt bilang assistant supervisor/cashier/service staff/janitress.
Hindi pala, isa pala ako sa halos lahat na empleyadong planong tanggalin ng management dahil sa pag gamit ng mga kompyuter sa oras ng trabaho. Pero dahil alam ko na tapos na ang kontrata ko noong nakaraang buwan pa, inunahan ko na sila ng resignation letter na nagsasaad na wala silang karapatang tanggalin ako dahil matagal ng tapos ng kontrata ko at matagal na rin akong nagpaalam sa bisor pero hindi ako pinayagang umalis.
At ngayon, araw ng bayaran ng tuition fee sa isang pribadong paaralan ng computer courses na pinapasukan ko, hindi ko maiwasang mangamba. Wala na akong trabaho. Wala na akong mapagkukunan ng pambayad ng tuition fee ko.
Bago pa itong short course na ito ay naglakas loob na akong mag-enroll ng computer course. Hindi na kasi ako tinanggap sa unibersidad na dati kong pinapasukan noong gusto kong magbalik eskwela isang taon at kahalati pagkatapos kong ipanganak si Aya.
Hindi ko alam ang gagawin ko.
Magulo ang isip ko. Wala na kong isasanlang alahas. Naubos na noong una akong nag-enroll sa STI dalawang taon na ang nakakaraan. Ang nanay ko na rin ang tumulong sakin noon sa pagbabayad ng tuition fee.
Skriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiit!!!!!!!!
“Miss, tumabi tabi ka naman! mamamatay ka nyan ng di oras e! pati ako maaabala mo pa,” sabay andar ng pampasaherong sasakyan na muntik ng bumangga sa king pagal na katawan.
Tuliro akong umurong.
Nasa isip ko pa rin ang halagang sinabi ng registrar sa akin.
Ipinasya kong kumuha ng Visual Basic with Java programming pagkatapos kong matapos ang Certified Applied Programming sa STI noon habang nagtatrabaho sa isang computer shop sa U-belt. Hindi ko inaasahan ang ganitong sitwasyon.
Wala na kong lakas ng loob na humingi pa ng tulong sa mga magulang ko na patuloy na sumusuporta sa akin at sa aking anak.
Urong-sulong akong naglakad patungong avenida.
Avenida. Kanto ng Avenida at Recto. Odeon.
Biglang may pumasok sa aking kamalayan.
Araw-araw na pagdaan ko sa kalyeng ito. May mga mukha akong madalas makita. Mga babaeng nakatayo sa gilid ng dating sinehan, minsan nag-iisa at mas madalas may mga kasamang lalaki, nag-uusap. Tila ba may mahalagang “negosyong” pinag-uusapan.
At ako bilang mapagmasid sa lahat ng aking nakikita, matagal ko ng alam ang negosyong pinag-uusapan sa lugar na yun.
Iba’t-ibang klase ng tao ang madalas kong makita dun. Iba’t-ibang itsura ng mga babae at lalaki. May seksi, May matanda, may bata, may parang bagong panganak pa lang dahil sa malaking puson pero nandoon na at nag-aabang ng kliyente.
Nag-isip ako.
Ano kaya?
Lakad ako papuntang Avenida. Mabagal. Nag-iisip pa rin.
Makakakuha ba ako ng kahit P3,000 sa pagtayo ko sa kanto ng Odeon?
Huminto ako.
Nag-isip.
Sa itsura kong ito? Tanong ko sa sarili ko. Kahit siguro P50 hindi ako mabibili.
At sa itsura ng mga lalaking nakikita kong kausap ng mga babaeng nagtitinda ng aliw sa kantong iyon?
Dahil ang lugar ay nasa gitna ng kamaynilaan, isang kalye na naging tirahan na rin ng mga karamihang pinoy na walang matiran. Pugad ng mga snatcher. Pahingahan ng mga pagal na katawan galing sa pagtatrabaho. Karamihan ng mga lalaking nakikita ko doon, kundi nagtatrabaho sa construction ay mga tindero ata sa tabi ng quiapo. Malabo akong makakuha ng halagang kinakailangan ko.
Tumawid ako sa kabilang lane.
Sumakay sa dumating na sasakyan patungong Divisoria.
Nahagip ng mata ko ang mga babaing nakatayo sa kanto ng Avenida at Recto.
Napa-iling.
| 2.5 |
Viewed 219 times by 86 viewers
manilenya - Last updated: Tuesday, February 7, 2006
My blog is worth $84,209.94.
How much is your blog worth?
The first time I joined this gimmick of technorati my blog was worthless (remember my stokwa?)…..I wonder why? It seems that my old blog didn’t pass Dane Carlson of Technorati’s taste. Hmmnn, well at least “I have” $84,209.94. (di ako mandaraya pramis –gaya ko sigaw ni gloria lol!)Puwede ko kayang pagkaperahan ito?
Sort of an investment, I wonder if I can get at least one fourth of the amount back, hehehehe! How I wish I can sell this blog parang Real Estate lol!
I have been into blogging for quite some time now. September I think, oh no July, yeah July. Allan invited me to view his blog and apparently he was encouraging people to contribute anything under the sun - kahit ano pwede - that’s what he call it - and I was so fascinated with the idea of me writing so I signed up in blogger immediately after that.
But before that I saw a horde of blogs already, and one of the first sites I had viewed is kenjie’s journey and I enjoyed perusing on it. I told myself, “I’m going to have one like this”.
But when I started my own, I wasn’t that keyed-up making an entry, well in fact I made only one original entry once and the rest entries I made with which I gathered from my email, and that happens only twice or thrice within two months.
Writing is not my forte, so why should I put effort into it?
Ang alam ko lang noon ay puro kagaguhan sa chat.
But continues reading some blogs made me realized that I want to do it. And from then on this stuff had helped me appreciate the “little talent” as what few say I have.
I started to enjoy it. It pleasures me. It gives me freedom, I can speak my mind. And I must say that it becomes my therapy.
And most of all it boosts my confidence …. which I didn’t have
(BE here I come!!!)
****pasensya na sa grammar
…. para maiba lang lol! basta alam ko confident ako hehehehe! ****
P.s
I didn’t expect this guys, pareho pala kami ng topic ni yugatech on his entry linkbaiting, coincidence maybe… nabasa ko lang ang comment ni masterbetong
| 2.5 |
Viewed 115 times by 57 viewers
manilenya - Last updated: Monday, February 6, 2006Nabasa ko na ang dapat kong mabasa. Nasabi ko na ang dapat kong masabi sa comment box ng mga blog na napasyalan ko. Hindi ko dapat samahan ng anumang emosyon ang blog ko ngayon, pero maalis ko ba yun?
Ayun sa Channel News Asia 73 ang kumpirmadong namatay at mahigit 300 ang mga sugatan. Ang balitang nakuha namin kagabi ay 79 ang patay at bukod sa mga sugatan marami pa ang nawawala.
Hindi na bago ang mga puna ko sa Wowowee ng ABS-CBN, at hindi na rin bago ang pamumuna ko sa istasyon mismo.
Ang sabi wag na daw magsisihan pa. E di sige wag na ngang magsisihan pa. Pero yung makarinig ka na “hindi naman dahil sa rating to” habang umiiyak sa telebisyon si Willie Revillame ay nakadagdag lang ng panibagong komento pa galing sa mga manonood. Ang sabi ng bayaw ko, “kaya pala madalas nya sabihin na “kami na ang number one!” sa programa nya. At para ipakita nga na number one, sa pagdiriwang ng ika-isang taong annibersaryo ay sa Ultra gaganapin. Maraming manonood ang pupunta, syempre pa dahil sa mga premyo na ipamimigay.
Sukdulan na ang labanan sa rating ng mga istasyong ito.
Kailangan pang may magbuwis ng buhay para masabing sila ang nangunguna, sila ang number one.
Sa pangyayaring ito may isang maikling palabas akong naalala. Dalawang beses lang namin itong ipinalabas noong nasa kolehiyo pa ko. Noong una ay sa General Assembly ng mga incoming freshman ng PUP ang sumunod ay sa isang pagtitipon ng mga unyon ng manggagawa ng Philips Philippines.
Ang senaryo ay pagkatapos ng nucler war, naging malagim ang dulot ng gyerang yung, maraming namatay, naapektuhan ang anumang kabuhayan, may mga nabuhay man para namang mga buhay na patay, pumangit ang mga balat animo mga zombie. At dahil walang kabuhayan, walang makain. Minsan may nakitang pagkain. kaunti lang ito para sa mga natitirang buhay. Kailangang mabuhay ng mga natitirang tao kaya ang nangyari agawan sila sa pagkain. Mauna sa pagkain, may itatagal pang buhay syempre. Kaya kailangang pumatay para sa pagkain, Matira matibay. Kaya nag-asal hayop ang mga tao.
Iniisip ko kung ganon na ba katindi ang pang-ekonomiyang sitwasyong ng pinas? May ipinapangakong dalawang milyon ang Wowowee. May sinasabing mga sasakyan ang host ng programa na personal pa nyang kinausap ang mga me ari ng kumpanya ng mga nasabing papremyo. May paraffle na hinahabol ang mga taong nandoon na galing pa sa iba’t ibang probinsya. At syempre pa bukod pa doon ang pampabwenas na ibibigay na pera na galing sa mga TFC subscriber sa twing mag jojoke ka.
Ang interview sa mga taong manonood sana doon ang nagsasabing hindi ang kanilang pagbibigay saya ang pakay nila sa programa. kundi ang konting tulong na madalas sabihin ni Willie Revillame sa kanilang programa. Marami ang mga walang pamasahe pauwi. Marami ang nangangarap na makakuha ng premyo. Marami ang gustong magkapera.
At dahil sa marami ang nangangailangan ng pera, naging mabisang paraan ito para sa ABS-CBN para umangat sa rating, para makahila ng mga advertisers at para makakuha ng donasyon para sa mga foundation nila.
Masyadong naghangad ng kagitna. Ano ngayon ang bumalik sa kanila?
Maibabalik ba nila ang buhay ng mga “kapamilya”?
| 2.5 |
Viewed 124 times by 59 viewers
manilenya - Last updated: Monday, February 6, 2006ISANG PASASALAMAT!
Thu Feb 2 2006 5:11 PM
dalawang beses na kong dinadalaw ng ABS-CBN.com …it’s my pleasure saya diba
to kenjie:
kaw ba yung sa kenjie’s journey? kung ikaw yun … alam mo bang isa ka sa dalawang pinakaunang blog na nakita ko?? nag-enjoy akong magbasa at lumigid ligid .. sabi ko isang araw gagawa ako ng ganito
ETO NA NGA SYA. Salamat sa pagdalawdalaw at pag-iwan ng komento
to jhay:
maraming salamat sa mga tulong, di ko mauumpisahang gamitin ang aking wordpress kundi sa yo, salamat sa banner at salamat sa mga komento, at mga salitang nagpapalakas sa loob ko para mag blog ng magblog
to job of nokiahost salamat sa pagtitiis sa mga pangungulit ko noong umpisa.
to neng, mmy-lei, pipay, gwapa, tita ann and kathy :
salamat aking mga amiga
to royce:
salamat aking new amigo??
sa lahat ng mga bumibisita at mga nagkokomento maraming salamat!!!!
WALA LANG GUSTO KO LANG MAGPASALAMAT
komento sa entry ni bels ( when what should’ve been fun became tragic)
Sun Feb 5 2006 6:08 PM
yan ang bunga ng pag-gamit ng ABS-CBN sa kahirapan para tumaas ang rating tsk tsk tsk!!! ang sabisa bibilya … wag mong bigyan ng isda ang mga tao … bagkus turuan mo silang mangisda ….. sa pangungumbinsi ng station na yan na mabibigyan nila ng pera ang mga mahihirap dahil sa wowowee … dinumog sila ng tao na hindi nila kayang iaccomodate …… nakakalungkot lang.
———————————————————————–
anti plagiarism
Mon Feb 6 2006 5:48 PM
dahil sa sinusuportahan ko ang anti plagiarism, idedelete ko po ang mga entry ko na may mga kapareho sa ibang site, asahan nyo na ang lahat ng entry dito sa blog ko ay ginawa ko mismo at hindi kinuha sa ibang author, pwera na lang ang ibang pictures na ginamit ko
may link back naman e
———————————————————————–
Epilogue
Wed Feb 8 2006 5:16 PM
Hindi na ako pumasok kinabukasan. Ang sumunod na balik ko sa STI ay noong kunin ko ang transcript of record ko. ———————————– Isa lang ang alam kong pwede kong isukli sa lahat ng paghihirap at pagmamahal na ibinigay ng mga magulang ko sa kin…. at iyan ay ang diploma. mababang-loob kong hinihilera ang diploma ko sa CAP at sa 2 massage therapy course na (kailangan pang himukin ako ni nanay na pag-aralan) sa mga diploma ng dalawa kong kapatid. At ngayon, walang sawa pa rin akong nangangarap na matapos ang 4-year course na kinuha ko noon. Siguro sabay na kaming gagrad ng anak ko (if given a chance lol!) Hindi masamang mangarap. Alam ko!
————————————————————————
Sun Feb 12 2006 9:27 PM
wala akong maisulat wala akong maiblog wala akong mapiga sa utak ko wala akong pakiramdam wala akong alam wala akong kwenta wala!!!! wala!!! wala!! padating na naman ata ang panahon na magmumukmok na naman ako at mag-iisip ng mga bagay na di dapat isipin. yayakapin ng depresyon pansamantala ang utak ko babalutin ng kalungkutan ang puso ko……. sinabi ko na sa sarili ko gaga ako pag patuloy akong magkakaganito. pagkatapos bukas ……tatawa na naman ako!!!!!
———————————————————————
http://philiblogs.com
Mon Feb 13 2006 1:01 PM
melai, syempre, hahanap ang ABS-CBN ng scapegoat. alam mo ba na pinapirma ng ABS-CBN ng waiver ang mga pamilya ng mga biktima para hindi sila magdemanda pagtanggap nila ng abuloy? hindi lang yon. me all-out effort ang istasyon para ipakita sa mundo na sila ang dakila imbis na ang killer. tignan mo lang ang mga palabas ni boy abunda. nakakasuka. kaya dapat lang tayong mga bloggers ang magpalabas ng katotohanan. akala ng mga lopez sila lang ang matalino. francis
———————————————————————
Mon Feb 13 2006 5:06 PM
kamakailan lang nabasa ko sa isang dyaryo ang pagkamatay ni Sir ET (Efren Turla) dating chairman ng Human Rights Center sa PUP. Naging adviser sya ng Dulaang Katig at tumayong ama ng theater org. Madalas nyang ipahiram sa amin ang Alex Marteja Hall sa mga workshops at pagpapalabas namin. Hindi maganda ang pagkamatay nya. Marahil isa sa mga nasagasaan nya sa pakikipaglaban against Human Rights ang may pakana nito. Ipinapanalangin ko ang kanyang kaluluwa at nawa’y nakamit nya na ang kapayapaan sa kabilang buhay.
——————————————————————
komento sa entry ni Obi
Tue Feb 21 2006 2:31 PM
dapat ba akong magselebra dahil ang sabi mo ay “democracy won”? nakakatawa, pagkatapos magpalit ng pangulo, napababa ang diktadurya dahil sa pinagsanib na pwersa ng mga ahas na dating tuta ni marcos at pakikipagkolaborasyon sa mga bagong mukha sa pulitika, 11 months pagkatapos noon, ang mendiola massacre ang unang-unang rumerehistro sa isip ko. Nong araw na yun Jan. 22, 1987, pinatay ni Cory Aquino ang DEMOKRASYA.
————————————————————————–
komento sa entry ni jher ng jher,wordpress.com
Thu Feb 23 2006 6:28 PM
a one satire play i cannot forget …… EDSA REVOLUTION 1 … choosing a lesser evil US-puppet president. cum a MENDIOLA MASSACRE (how to kill democracy) the movie
————————————————————————-
komento sa entry ni Mell Dintangco ng divergent poles.com
Thu Feb 23 2006 6:26 PM
wala akong kinikilalang rebolusyon na hindi sinimulan at tinapos ng pinakamalawak na porsyento ng masang pilipino, puro palabas lang ang nagaganap sa edsa…..nakakatawang palabas.
————————————————————————-
Hindi ko matandaan kung kailan ko unang pinost:
Noong una hindi ko alam na ang mga kaliit-liitang bagay na natatalisod ng aking mga paa ay magiging isang magandang istorya pala na maari kong maikwento, hindi ko rin alam kung may aral o simpleng makakapagbigay lang ng konting katuwaan sa ibang tao. Pero habang isinusulat ko ito, napapansin ko…ako mismo ay unti-unting natututo at nasisiyahan sa mga dinaanan ko.
| 2.5 |
Viewed 144 times by 65 viewers


piapot








