manilenya

Mga karanasan, haka-haka, opinyon at rebuttal ng isang bobang pinay
Subscribe

walang pamagat….

January 31, 2006 By: User Imagemanilenya Category: Womens, blog, life

(wala akong maisip na pamagat…. kung mayroon kayong maiisip, malaya kayong ilagay sa comment…salamat!)

Nakatingin sya sa malayo, dinadama ang hangin na pumapalo sa kanyang katawan. Dumadantay ang tubig na hinahampas ng alon sa kanyang mga paa. Maya-maya ay binitawan ang tuwalya na nakatabing sa kanyang mga katawan at lumantad ang magandang hubog nito sa suot na two-piece bathing suit.

Nakita ito ng kanyang asawa at bakas sa mga mata nito ang galit sa ginagawa niya. Lumapit patakbo ang lalaki sabay hila sa kanyang kamay. Malakas ang lalaki. Natumba ang babae, halatang nasasaktan pero pilit pa rin syang hinihila hanggang sa matumba sya at kinaladkad palayo sa dagat.

Sa tagpong ito ay lumapit ang negrong si Michael, pilit na nilalayo ang babae. Sinuntok nya ang lalaking kanina lang ay hinihila ang babae. Hindi nya maatim na makitang sinasaktan ng lalaki ang babae.

Pero lumapit ang babae kay Michael at sinampal ito.

Isang eksena sa Lost series na pinapanood ko. Sa istorya ng mag-asawang Korean umiinog ang istorya sa episode na yun.
Typical na eksenang madalas kong makita sa amin sa tundo. Malayang saktan ng lalaki ang asawa pag may makita syang hindi maganda sa kanyang paningin at ang sinumang pumigil at tumulong ay tyak na masasaktan din ng lalaki at tyak papanig at papanig ang babae sa kanyang asawa. Pag hindi tumigil ang tumutulong tyak magkakagulo. Hindi na to magiging away mag-asawa lang kundi away ng magkakapitbahay.

Malinaw pa sa akin ang isang pisikal na pang-aabuso ng lalaki sa kanyang asawa matagal na panahon na ang nakaraan. Sa harapan ko mismo nakita ko ang sabunot, tadyak at mga suntok ng kapatid ng nanay ko sa kanyang asawa. Lumalaban ang tyahin ko pero malakas si tyong kahit na maliit. Malaya nyang nasasabunutan at nahihila ang buhok ni tyang dahil sa mahaba ito. At walang nagawa si Tyang kundi ang umiyak, pagkatapos noon masasakit na mga salita naman ang aking narinig. Emosyonal na pang-aabuso.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan nila pero ang alam ko may pang-aabusong nangyari sa pagitan nila. Lumipas ang panahon, nagkasakit si tyong, at masuyo at mapagmahal syang inalagaan ng kanyang asawa hanggang sa huling hininga nito.

Kabaligtaran ng isang balitang natanggap ko mahigit isang taon na ang nakakaraan. Kakaiba ang isyu. Iniwanan daw ng lola ko na mahigit sitenta na ang lolo ko (kapatid ng tatay ni nanay). Natatandaan ko ang mag-asawa na binibisita namin sa tuwing nagbabakasyon kami sa probinisya. Isang masaya at nabubuhay ng maayos na mag-asawa na nakahiwalay sa kanilang mga anak na pawang may mga sariling pamilya na. Hindi mo makikita sa kanila na may problema sila bilang mag-asawa. Mainit ang pagtanggap nila sa amin sa twing nandoon kami. Asikasong asikaso nila kami mula sa pagkain hanggang sa pagtulog.

Pagkatapos ng mahabang taon, nagkaanak, nagka-apo at nagka-apo sa tuhod ang mag-asawa ay nagdesisyon si lola na iwanan si lolo at mamuhay mag-isa. Doon lumabas na sinasaktan pala ni lolo si lola mula noong mga bata pa sila. Hindi totoong masaya sila.

Nag-iwan ito ng iba’t ibang opinyon sa buong pamilya. Hinihimok ng mga anak si lola na bumalik na at makisama muli sa kanyang asawa. Pero hindi nila napahinuhod ang matandang babae, marahil sobrang hirap ang naranasan nya sa kanyang asawa kaya’t nanatili sya sa kanyang desisyon.

Ang sabi ni tatay mali daw iyon. Kung kelan daw matanda na saka sya magdedesisyon ng ganoon.

Pero ang sabi ko sa kanya. TAMA iyon. Hindi hadlang ang edad para matuto ang isang tao, ang isang babae. Hindi hadlang ang edad para tumayo ka at buuin uli ang buhay mo at pagkatao na sinira ng ISANG MABANGIS NA HAYOP  na nag anyong tao, nag anyong lalaki.

Hinahangaan ko si lola at hinahangaan ko ang iba pang mga kababaihan na hindi natatakot MAGPAKALALAKI para magising at tumayo at palayain ang mga sarili laban sa anumang uri ng pang-aabuso.

Rate this:
2.5

Viewed 1419 times by 300 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.
  • Welcome

    Welcome

    Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

  • Add me

    Add to Technorati Favorites
  • Please visit this site

    I want to inform all EC droppers that this site will no longer using and accepting Entrecards ads. Please free to visit Journal of a Pinay Expat for your EC drops. Thank You!
    Get a better job today!
  • Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

      Nalen is playing scramble....

      (Updated 1 hour, 8 minutes ago)

  • They talked already

    Comment Count BadgeGet your Badge!
  • Facebook Me

  • Top Commentators

  • Sponsors

    Click here to view entire collection
    Visit AnyCreditAutoLoansNow.com And Get Pre-Approved Tomorrow!
    Booksfree.com
    CashAngelsOnline.com - Online Cash Advance Loans
    Christian Cash Assistance
  • Meta