Una Kong narinig ang salitang diaspora sa isang sunday service ng christian community dito sa kinalalagyan ko. Tinawag nila ang mga taong nagkakatipon doon na Filipino Diaspora. Nagkakaisa sila na sinabing may dahilan kung bakit sila umalis ng pinas.
Nagkalat ang pinoy diaspora saan mang sulok ng mundo. IIsa lang naman ang dahilan kung bakit nagdesisyon sila na mag- alsa balutan at lisanin ang pinas. Yun yung oportunidad na makapagtrabaho at makatulong sa pamilya na iniwanan sa Pilipinas.
Tanong sa kin nung minsan ni younger sis, “Ikaw ba naiisip mo pang umuwi ng pinas? I mean, uuwi ka para magstay or para magbakasyon lang?”
Tumigil ako sandali, nag-isip.
“Uhmmn, pag nakasakay ako sa bus at walang traffic, nakikita ko kung gaano kaayos ang transportasyon dito. Nakikita ko kung gaano kalinis ang paligid, parang hindi na. Mas gusto ko na atang tumigil dito”, ang sagot ko.
“Gusto ko nga makarating at makita ito ni youngest sis e”, sabi ko pa.
Maayos ang paligid. May nadaanan akong bundok ng buhangin noong minsang papunta kami sa community ng mga lahing Indian para mamalengke kung saan may mga produktong pang-pinoy na pagmamay-ari ng isang filipino-malay.
“Ano yan?”
“Buhangin.”
“buhangin?”
“Sa gobyerno yan, ginagamit yan sa pag gawa ng mga HDB (flat ang common na tawag, low cost housing para sa mga locals).”
Natigilan ako ulit.
Wala pa akong nakitang ganyan sa pinas, yung konkretong bagay na masasabing pag- aari ng gobyerno para sa public service. May nakikita akong mga low cost housing project sa pinas partikular na sa lugar namin sa tundo, gawa na sya pero hindi matirahan dahil may problema daw sa korte, may problema ata sa contractor, problemang pinansyal syempre pa. Malaki ang budget na ginamit pero hindi makita dun sa mga unit yung ginamit na pera at ayon sa mga tao sa may malapit doon, mukhang ibinenta pa sa pribadong kompanya ang pagpapatakbo ng “murang pabahay”.
Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari doon. Pero ang malinaw, hindi masustina ng gobyerno ang ganung pampublikong serbisyo para sa mamamayan nila dahil sa samut-saring dahilan, isa na doon ang maling paghawak ng government fund.
Sa aking isip, tinatanong ko ulet ang sarili ko. Uuwi pa ba ko ng pinas para mag-stay doon o para na lang magbakasyon at makita ang malalapit na pamilya?
Mananatiling isang pinoy diaspora?
| 2.5 |
Viewed 260 times by 84 viewers









manilenya
manilenya







No comments yet.