Balitang syobiz (pasensya na)

Meme

Hindi talaga ako makatulog sa sa bagong pakulo na ito ng HomeBoy.

Sa pagdiriwang ng HomeBoy ng ika-isang taong anibersaryo naglunsad sila ng text vote (na naman) kung sino ang tatanghaling numero uno. Isa rito ang new tv personality. Di ko matanggap
na kasama sa pagbobotohan bilang new tv personality c Toni Gonzaga kahilera nina Sam Milby ( na ipinasok sa PBB ng kalagitnaan ng show para makilalala gayong may commercial model na sya ng isang toothpaste —meaning hindi nag audition… magaling na stratehiya nga naman!!) at NENE na pawang galing sa Pinoy Big Brother. Si Tony bilang Host ng PBB pumayag naman ang gaga!

Nakita ko na si Toni noong 14 years old pa lang sya , sa pinakaunang batch ng GMA Artist Center kasabayan nya sina Luis Alandy, Trina Zuniga at isang naging dancer sa Keep on Dancing noon .. lahat lumipat sa ABS-CBN asan na kaya sila ngayon? (Nanghihinayang ako kay Trina Zuniga, sya ang binibigyan ng panahon ng GMA-7 noon sa Click, actually sa kanya ko kinuha ang nick kong melai sa IRC, pero sa gitna ng papataas nyang career sa GMA-7 noon lumipat sya sa tabing ilog at tinanggap ang role na psychic kuno, pag pasok nya doon .. tinigok ang Tabing-Ilog tsk tsk tsk!)

Sa lahat ng nabanggit lahat sila wala ng career, si Luis Alandy ayun nagpapaseksi.

Nakalimutan ata ni Toni yung mga panahon na yun, na kundi sya nakikita sa tv hindi sya makukuhang model ng Sprite kasama si fafa Piolo Pascual at pagkatapos noon ay kinuha na sya ng Eat Bulaga para maging co-host. At doon sya nakilala, nakita ang kanyang potensyal, nabigyan ng iba pang mga shows sa GMA-7, nalaman na may ibubuga sa komedya dahil sa Lagot ka Isusumbong kita kasama sina Raymart Santiago, Richard Gomez at Joey Marquez.

At dahil may potensyal sya, at kilala na pinilit sulutin ng ABS-CBN ( kung saan sila nakilala syempre —-sa panunulot ng talent)

At ngayon pinakikilala c Toni Gonzaga bilang new tv personality after 7 or 8 years on Philippine television?

Hindi ko maatim na itong si Boy Abunda e masyadong nagpapagamit sa mga Lopez, yung diretso binabaluktot at ang baluktot kayang kayang diretsuhin. Hindi nga ba’t pagkatapos nilang iendorso c GMA sa pagkapangulo noong nakaraang halalan e eto sila naghuhugas kamay sa mga News na nilalabas nila?

Ano nga pala ang masasabi ni Boy Abunda sa isyu na kihakaharap ng inendorso nyang pangulo? Naalala ko noon sa endorsement nya sa tv na hindi daw sya binayaran ni GMA para mangampanya dahil naniniwala sya rito.ISTIR!!!!

Para sa akin, wala ng kredibilidad ang mga taong ito na patuloy na ginagamit ang mga manonood at ang libo-libong taong naghihirap( na ginagamit nila para tumaas ang rating lalo na ng WoWoWee— libo libo lang dahil hindi lahat ng manonood ay naloloko nila) para lang maging isa sa pinaka kumikitang kumpanya sa Pilipinas.

Rate this:
2.5

Viewed 763 times by 164 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.