Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Nalen Aguilar's Facebook Status Updates

        Nalen is sleeping........

        (Updated 16 hours, 29 minutes ago)

      Please visit this site
      Ads here
      • Advertise Here
        Chitika Referral
        Performancing Hive
        Social Media Marketi
        Authority Builder
        Blog Management
        Blog Stats
    Recent Comments
    Sponsors
smokey mountain
By User Imagemanilenya | No CommentsLeave a Comment
Last updated: Friday, January 20, 2006

(sa pamamasyal ko sa aking mga nasasakupan (blog,photosite at kung saan saang lupalop ng balat ng net, nakita ko itong isang entry na ginawa ko sa blogspot pero nde nalathala. Hindi ko na sya inedit mukhang kahit papano naman ay may kwenta sya)

basura

Smokey Mountain
Smokey Mountain,garbage dumpsite,Tondo,Manila,1991

Pamilyar ang lugar, hindi man ako tagarito, kayang kaya namang lakarin mula sa amin hanggang Smokey Mountain. Sa araw araw na na pagsama ko sa aking nanay sa Navotas para umangkat ng mga isdang paninda ay regular na tanawin na sa akin bundok ng basura, ang nakakasulasok na amoy ng hangin, at ang mga batang sa halip na pumapasok ay nagkakalkal ng mga basura may maipantawid gutom lang. Makikita mo rin ang mga batang ito sa bawat lansangan sa tundo, nagbabahay-bahay, kumakatok sa pinto at pakikiusapan kang itatapon ang basura nyo sa halagang dalawang piso (tatlong piso na pala noong bago ako umalis ng pinas, ewan ko lang kung nagtaas na rin sila ng singil ngayon dahil sa nagtaasan ang presyo ng mga bilihin)

Minsan makikita mo rin sila sa mga eskini-eskinita kinakawkaw ang kamay sa mga makikitid na kanal,naghahanap ng kung ano anong bagay na pedeng maibenta, minsan nakakakuha ng mga barya barya at pagsinuwerte makakakuha ng mga alahas.

Yung kalapit na lugar ng Smokey Mountain ay may naiwang mga ala-ala rin sa akin. Tinatawag namin tong Batuhan, ito yung parang beach ng tundo, dati rati ginagawa itong paliguan ng mga bata pati na mga matatanda, dito rin madalas silang mamingwit. AT dahil ito ang pinakabukana ng dagat na patungo sa Manila Bay, di maiiwasang dito na rin tumira ang pamilya ng mga mangingisda.

Naalala ko noong mga bata pa kami, nagkaroon ng mga pagkakataon na dinala kami ng tyuhin kong mangingisda sa bahay ng kaibigan nya sa Batuhan at doon sa murang edad ko nakita ang pamumuhay ng bawat pamilya na nakatira doon. Nagkaroon ng pagkakataon na nakasama ako sa pangunguha nila ng paros para ipaninda at ang iba naman ay gawing hapunan.

Madalas ito ang mga larawan na nailalathala sa ibang bansa. Ito imahe ng Tundo, ang imahe ng Maynila.

Rate this:
2.5

Viewed 255 times by 73 viewers

RSS feed | Trackback URI

Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.