manilenya - Last updated: Tuesday, January 31, 2006(wala akong maisip na pamagat…. kung mayroon kayong maiisip, malaya kayong ilagay sa comment…salamat!)
Nakatingin sya sa malayo, dinadama ang hangin na pumapalo sa kanyang katawan. Dumadantay ang tubig na hinahampas ng alon sa kanyang mga paa. Maya-maya ay binitawan ang tuwalya na nakatabing sa kanyang mga katawan at lumantad ang magandang hubog nito sa suot na two-piece bathing suit.
Nakita ito ng kanyang asawa at bakas sa mga mata nito ang galit sa ginagawa niya. Lumapit patakbo ang lalaki sabay hila sa kanyang kamay. Malakas ang lalaki. Natumba ang babae, halatang nasasaktan pero pilit pa rin syang hinihila hanggang sa matumba sya at kinaladkad palayo sa dagat.
Sa tagpong ito ay lumapit ang negrong si Michael, pilit na nilalayo ang babae. Sinuntok nya ang lalaking kanina lang ay hinihila ang babae. Hindi nya maatim na makitang sinasaktan ng lalaki ang babae.
Pero lumapit ang babae kay Michael at sinampal ito.
Isang eksena sa Lost series na pinapanood ko. Sa istorya ng mag-asawang Korean umiinog ang istorya sa episode na yun.
Typical na eksenang madalas kong makita sa amin sa tundo. Malayang saktan ng lalaki ang asawa pag may makita syang hindi maganda sa kanyang paningin at ang sinumang pumigil at tumulong ay tyak na masasaktan din ng lalaki at tyak papanig at papanig ang babae sa kanyang asawa. Pag hindi tumigil ang tumutulong tyak magkakagulo. Hindi na to magiging away mag-asawa lang kundi away ng magkakapitbahay.
Malinaw pa sa akin ang isang pisikal na pang-aabuso ng lalaki sa kanyang asawa matagal na panahon na ang nakaraan. Sa harapan ko mismo nakita ko ang sabunot, tadyak at mga suntok ng kapatid ng nanay ko sa kanyang asawa. Lumalaban ang tyahin ko pero malakas si tyong kahit na maliit. Malaya nyang nasasabunutan at nahihila ang buhok ni tyang dahil sa mahaba ito. At walang nagawa si Tyang kundi ang umiyak, pagkatapos noon masasakit na mga salita naman ang aking narinig. Emosyonal na pang-aabuso.
Hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan nila pero ang alam ko may pang-aabusong nangyari sa pagitan nila. Lumipas ang panahon, nagkasakit si tyong, at masuyo at mapagmahal syang inalagaan ng kanyang asawa hanggang sa huling hininga nito.
Kabaligtaran ng isang balitang natanggap ko mahigit isang taon na ang nakakaraan. Kakaiba ang isyu. Iniwanan daw ng lola ko na mahigit sitenta na ang lolo ko (kapatid ng tatay ni nanay). Natatandaan ko ang mag-asawa na binibisita namin sa tuwing nagbabakasyon kami sa probinisya. Isang masaya at nabubuhay ng maayos na mag-asawa na nakahiwalay sa kanilang mga anak na pawang may mga sariling pamilya na. Hindi mo makikita sa kanila na may problema sila bilang mag-asawa. Mainit ang pagtanggap nila sa amin sa twing nandoon kami. Asikasong asikaso nila kami mula sa pagkain hanggang sa pagtulog.
Pagkatapos ng mahabang taon, nagkaanak, nagka-apo at nagka-apo sa tuhod ang mag-asawa ay nagdesisyon si lola na iwanan si lolo at mamuhay mag-isa. Doon lumabas na sinasaktan pala ni lolo si lola mula noong mga bata pa sila. Hindi totoong masaya sila.
Nag-iwan ito ng iba’t ibang opinyon sa buong pamilya. Hinihimok ng mga anak si lola na bumalik na at makisama muli sa kanyang asawa. Pero hindi nila napahinuhod ang matandang babae, marahil sobrang hirap ang naranasan nya sa kanyang asawa kaya’t nanatili sya sa kanyang desisyon.
Ang sabi ni tatay mali daw iyon. Kung kelan daw matanda na saka sya magdedesisyon ng ganoon.
Pero ang sabi ko sa kanya. TAMA iyon. Hindi hadlang ang edad para matuto ang isang tao, ang isang babae. Hindi hadlang ang edad para tumayo ka at buuin uli ang buhay mo at pagkatao na sinira ng ISANG MABANGIS NA HAYOP na nag anyong tao, nag anyong lalaki.
Hinahangaan ko si lola at hinahangaan ko ang iba pang mga kababaihan na hindi natatakot MAGPAKALALAKI para magising at tumayo at palayain ang mga sarili laban sa anumang uri ng pang-aabuso.
| 2.5 |
Viewed 136 times by 46 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, January 26, 2006Una Kong narinig ang salitang diaspora sa isang sunday service ng christian community dito sa kinalalagyan ko. Tinawag nila ang mga taong nagkakatipon doon na Filipino Diaspora. Nagkakaisa sila na sinabing may dahilan kung bakit sila umalis ng pinas.
Nagkalat ang pinoy diaspora saan mang sulok ng mundo. IIsa lang naman ang dahilan kung bakit nagdesisyon sila na mag- alsa balutan at lisanin ang pinas. Yun yung oportunidad na makapagtrabaho at makatulong sa pamilya na iniwanan sa Pilipinas.
Tanong sa kin nung minsan ni younger sis, “Ikaw ba naiisip mo pang umuwi ng pinas? I mean, uuwi ka para magstay or para magbakasyon lang?”
Tumigil ako sandali, nag-isip.
“Uhmmn, pag nakasakay ako sa bus at walang traffic, nakikita ko kung gaano kaayos ang transportasyon dito. Nakikita ko kung gaano kalinis ang paligid, parang hindi na. Mas gusto ko na atang tumigil dito”, ang sagot ko.
“Gusto ko nga makarating at makita ito ni youngest sis e”, sabi ko pa.
Maayos ang paligid. May nadaanan akong bundok ng buhangin noong minsang papunta kami sa community ng mga lahing Indian para mamalengke kung saan may mga produktong pang-pinoy na pagmamay-ari ng isang filipino-malay.
“Ano yan?”
“Buhangin.”
“buhangin?”
“Sa gobyerno yan, ginagamit yan sa pag gawa ng mga HDB (flat ang common na tawag, low cost housing para sa mga locals).”
Natigilan ako ulit.
Wala pa akong nakitang ganyan sa pinas, yung konkretong bagay na masasabing pag- aari ng gobyerno para sa public service. May nakikita akong mga low cost housing project sa pinas partikular na sa lugar namin sa tundo, gawa na sya pero hindi matirahan dahil may problema daw sa korte, may problema ata sa contractor, problemang pinansyal syempre pa. Malaki ang budget na ginamit pero hindi makita dun sa mga unit yung ginamit na pera at ayon sa mga tao sa may malapit doon, mukhang ibinenta pa sa pribadong kompanya ang pagpapatakbo ng “murang pabahay”.
Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari doon. Pero ang malinaw, hindi masustina ng gobyerno ang ganung pampublikong serbisyo para sa mamamayan nila dahil sa samut-saring dahilan, isa na doon ang maling paghawak ng government fund.
Sa aking isip, tinatanong ko ulet ang sarili ko. Uuwi pa ba ko ng pinas para mag-stay doon o para na lang magbakasyon at makita ang malalapit na pamilya?
Mananatiling isang pinoy diaspora?
| 2.5 |
Viewed 100 times by 40 viewers
manilenya - Last updated: Sunday, January 22, 2006Hindi talaga ako makatulog sa sa bagong pakulo na ito ng HomeBoy.
Sa pagdiriwang ng HomeBoy ng ika-isang taong anibersaryo naglunsad sila ng text vote (na naman) kung sino ang tatanghaling numero uno. Isa rito ang new tv personality. Di ko matanggap
na kasama sa pagbobotohan bilang new tv personality c Toni Gonzaga kahilera nina Sam Milby ( na ipinasok sa PBB ng kalagitnaan ng show para makilalala gayong may commercial model na sya ng isang toothpaste —meaning hindi nag audition… magaling na stratehiya nga naman!!) at NENE na pawang galing sa Pinoy Big Brother. Si Tony bilang Host ng PBB pumayag naman ang gaga!
Nakita ko na si Toni noong 14 years old pa lang sya , sa pinakaunang batch ng GMA Artist Center kasabayan nya sina Luis Alandy, Trina Zuniga at isang naging dancer sa Keep on Dancing noon .. lahat lumipat sa ABS-CBN asan na kaya sila ngayon? (Nanghihinayang ako kay Trina Zuniga, sya ang binibigyan ng panahon ng GMA-7 noon sa Click, actually sa kanya ko kinuha ang nick kong melai sa IRC, pero sa gitna ng papataas nyang career sa GMA-7 noon lumipat sya sa tabing ilog at tinanggap ang role na psychic kuno, pag pasok nya doon .. tinigok ang Tabing-Ilog tsk tsk tsk!)
Sa lahat ng nabanggit lahat sila wala ng career, si Luis Alandy ayun nagpapaseksi.
Nakalimutan ata ni Toni yung mga panahon na yun, na kundi sya nakikita sa tv hindi sya makukuhang model ng Sprite kasama si fafa Piolo Pascual at pagkatapos noon ay kinuha na sya ng Eat Bulaga para maging co-host. At doon sya nakilala, nakita ang kanyang potensyal, nabigyan ng iba pang mga shows sa GMA-7, nalaman na may ibubuga sa komedya dahil sa Lagot ka Isusumbong kita kasama sina Raymart Santiago, Richard Gomez at Joey Marquez.
At dahil may potensyal sya, at kilala na pinilit sulutin ng ABS-CBN ( kung saan sila nakilala syempre —-sa panunulot ng talent)
At ngayon pinakikilala c Toni Gonzaga bilang new tv personality after 7 or 8 years on Philippine television?
Hindi ko maatim na itong si Boy Abunda e masyadong nagpapagamit sa mga Lopez, yung diretso binabaluktot at ang baluktot kayang kayang diretsuhin. Hindi nga ba’t pagkatapos nilang iendorso c GMA sa pagkapangulo noong nakaraang halalan e eto sila naghuhugas kamay sa mga News na nilalabas nila?
Ano nga pala ang masasabi ni Boy Abunda sa isyu na kihakaharap ng inendorso nyang pangulo? Naalala ko noon sa endorsement nya sa tv na hindi daw sya binayaran ni GMA para mangampanya dahil naniniwala sya rito.ISTIR!!!!
Para sa akin, wala ng kredibilidad ang mga taong ito na patuloy na ginagamit ang mga manonood at ang libo-libong taong naghihirap( na ginagamit nila para tumaas ang rating lalo na ng WoWoWee— libo libo lang dahil hindi lahat ng manonood ay naloloko nila) para lang maging isa sa pinaka kumikitang kumpanya sa Pilipinas.
| 2.5 |
Viewed 126 times by 48 viewers
manilenya - Last updated: Friday, January 20, 2006(sa pamamasyal ko sa aking mga nasasakupan (blog,photosite at kung saan saang lupalop ng balat ng net, nakita ko itong isang entry na ginawa ko sa blogspot pero nde nalathala. Hindi ko na sya inedit mukhang kahit papano naman ay may kwenta sya)
Smokey Mountain
Smokey Mountain,garbage dumpsite,Tondo,Manila,1991
Pamilyar ang lugar, hindi man ako tagarito, kayang kaya namang lakarin mula sa amin hanggang Smokey Mountain. Sa araw araw na na pagsama ko sa aking nanay sa Navotas para umangkat ng mga isdang paninda ay regular na tanawin na sa akin bundok ng basura, ang nakakasulasok na amoy ng hangin, at ang mga batang sa halip na pumapasok ay nagkakalkal ng mga basura may maipantawid gutom lang. Makikita mo rin ang mga batang ito sa bawat lansangan sa tundo, nagbabahay-bahay, kumakatok sa pinto at pakikiusapan kang itatapon ang basura nyo sa halagang dalawang piso (tatlong piso na pala noong bago ako umalis ng pinas, ewan ko lang kung nagtaas na rin sila ng singil ngayon dahil sa nagtaasan ang presyo ng mga bilihin)
Minsan makikita mo rin sila sa mga eskini-eskinita kinakawkaw ang kamay sa mga makikitid na kanal,naghahanap ng kung ano anong bagay na pedeng maibenta, minsan nakakakuha ng mga barya barya at pagsinuwerte makakakuha ng mga alahas.
Yung kalapit na lugar ng Smokey Mountain ay may naiwang mga ala-ala rin sa akin. Tinatawag namin tong Batuhan, ito yung parang beach ng tundo, dati rati ginagawa itong paliguan ng mga bata pati na mga matatanda, dito rin madalas silang mamingwit. AT dahil ito ang pinakabukana ng dagat na patungo sa Manila Bay, di maiiwasang dito na rin tumira ang pamilya ng mga mangingisda.
Naalala ko noong mga bata pa kami, nagkaroon ng mga pagkakataon na dinala kami ng tyuhin kong mangingisda sa bahay ng kaibigan nya sa Batuhan at doon sa murang edad ko nakita ang pamumuhay ng bawat pamilya na nakatira doon. Nagkaroon ng pagkakataon na nakasama ako sa pangunguha nila ng paros para ipaninda at ang iba naman ay gawing hapunan.
Madalas ito ang mga larawan na nailalathala sa ibang bansa. Ito imahe ng Tundo, ang imahe ng Maynila.
| 2.5 |
Viewed 106 times by 41 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, January 19, 2006tagay ng tagay di naman ako nalalaseng tsk tsk tsk!!
Rules:
Ilista ang 5 Top Weird Habits mo.
Ipasa sa 5 kaibigan (weirdo man o hindi..sana kayanin nyo sumagot)
Iwanan ng comment o tag sa bahay nila para naman malaman nilang
TAGay na nila at pagkakataon nyo na po.
1. Uhmmnn naging mannerism ko noong high school ang paluin ang batok ko, basta di ko napapansin twing me kausap ako o kahit anong ginagawa ko lagi yun.. at di ko maintindihan kung bakit may ibang kabataan din nung time na yun ( kapitbahay ) ang ewan ko kung ginagaya yung mannerism ko na yun … sagwa sagwa diba?
2. Uhmmnn weird habits weird habits….. pag naumpisahan kong tumawa … at hipan ako ng mga sis ko walang katapusang tawa na yun .. or kaya pag nasa harap kami ng dining table twing ibaba sa harap ko yung glass walang katapusang tawa pa rin yun…. matagal na rin yun.. so far di ko na habit
3. I should say the weirdest ….. (masamang ugali ko to kaya FYI!! to sa mga tumatawag sakin at walang pakundangang naguubos ng oras ng pakikipag usap sa kin sa telepono) … I couldnt stand talking on the fone for hours actually 10 minutes lang sumasakit na ang tenga ko …madalas pag me tumatawag sa kin sa fone at nde na ata namamalayan ng kausap ko ang oras .. di nya napapansin wala na syang kausap …. hawak ko ang handset pero wala sya sa tenga ko … yung isang kausap ko since mas gusto nya ang magsalita ng magsalita at parang hindi naghahanap ng reaksyon sa mga sinasabi nya .. di nya namamalayan nakikipag usap na sya sa hangin … but of course pakitang tao pag lagay ko sa tenga ko … sabay sabi ako .. o talaga?? (sama ko no!!) pero syempre di ko naman ginagawa yun sa mga taong kailangan talaga ng kausap
(mabait ako kahit papano)
4. weird habit ——- pwede akong matulog lang ng isa hanggang dalawang oras ….. hanggat hindi napapagod mag–online(tsk tsk tsk ….addiktus!!!!)
5. dati mahilig akong mangurot gamit ang aking mga daliri sa paa
di ko alam kung weird nga yang mga yan …. pero ….. yan ang mga pumasok sa isip ko e
tagay ko to ke grace
, ace, eric at kay jaja
| 2.5 |
Viewed 102 times by 39 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, January 18, 2006my blogging was in hiatus,
everything’s on the shelves,
my mind— full of cobwebs, i can’t see clearly things,
all messed up…
I can’t think of any topic to blog…..
even simple things happened to me these past few weeks,
I can’t write it.
No time to blog,
no time to clean even my room
no time to think straight
no time to bathe
(yeah i admit it lol!!!)
no time for everything
BUT HAVE ALL THE TIME TO CHANGE LAYOUT AND TEMPLATE
geeze!!!
what a life!!!
HAPPY 2006 TO ME!!
PINCH ME PLS!!
| 2.5 |
Viewed 78 times by 31 viewers
manilenya - Last updated: Monday, January 9, 2006a face
a memory
a song
a kiss
a white petal rose
a girl
a woman
a scent
a tiny hand
a child’s eyes
a morning mist
a new day
a new beginning
a new life
…..you only have to look
| 2.5 |
Viewed 83 times by 34 viewers
manilenya - Last updated: Friday, January 6, 2006
tanong ko lang…….
bakit chinese ang gumanap na geisha sa mem0irs of a geisha?
sabi ng sis ko kasi wala daw market ang haponesa
si Ziyi Zhang daw e nakaganap na sa hollywood movies
nag present pa nga ng award sa isang award giving body sa hollywood
so kilala na daw sya……
ganun din yung ibang cast like Michelle Yeow………
uhmmnn
wala bang market??
di sana ginawa na lang anime ano?
tyak malaki market …
O kaya pixar sana gumawa….
saya sana
ano masasabi nyo?
| 2.5 |
Viewed 85 times by 32 viewers
manilenya - Last updated: Thursday, January 5, 2006Find a guy, who calls you beautiful instead of hot.
Who calls you back when you hang up on him.
Who will stay awake just to watch you sleep.
Wait for the guy who kisses your forehead.
Who wants to show you off to the world when you are in your sweats.
Who holds your hand in front of his friends.
Wait for the one who is constantly reminding you of how much he cares about you and how lucky he is to have you.
| 2.5 |
Viewed 79 times by 33 viewers
manilenya - Last updated: Wednesday, January 4, 2006laseng na laseng na ko pero kelangan kong gawin to!!!
pumili daw ng pitong kanta na kinababaliwan at paulet ulet na pinakikinggan luma man at bago!!!
1. Barely Breathing by duncan sheik
‘Cause I am barely breathing
And I can’t find the air
I don’t know who I’m kidding
Imagining you care
And I could stand here waiting
A fool for another day
But I don’t suppose it’s worth the price, worth the price
The price that I would pay
2. Accidentally In Love by Counting Crows
Come on, Come on
Move a little closer
Come on, Come on
I want to hear you whisper
Come on, Come on
Settle down inside my love
Come on, come on
Jump a little higher
Come on, come on
If you feel a little lighter
Come on, come on
We were once
Upon a time in love
We’re accidentally in love
naalala ko c Shrek
3. Get Me by MYMP
So c’mon and get me, get me, get me
Baby I’m yours c’mon and get me
You’ll never be lonely, lonely, lonely
So baby… c’mon and get me
4. Wanna Grow Old With You by Adam Sandler
I wanna Grow Old With You
i wanna make you smile
whenever you’re sad
carry you around when your arthritis is bad
all i wanna do, is grow old with you
5. How You remind Me by NickelBack
Never made it as a wise man
I couldn’t cut it as a poor man stealin’
Tired of livin’ like a blind man
I’m sick of sight without a sense of feelin
And this is how you remind me
This is how you remind me
Of what I really am
This is how you remind me
Of what I really am
It’s not like you to say sorry
I was waiting on a different story
This time I’m mistaken
For handing you a heart worth breakin’
I’ve been wrong, I’ve been down
Been to the bottom of every bottle
These five words in my head
Scream “Are we having fun yet?”
Yet?, Yet?, Yet?, no no It’s not like you didn’t know that
I said I love you and I swear I still do
It must have been so bad
Cause livin’ with me must have damn near killed you This is how you remind me
Of what I really am
This is how you remind me
Of what I really am
It’s not like you to say sorry
I was waiting on a different story
This time I’m mistaken
For handing you a heart worth breakin’
I’ve been wrong, I’ve been down
Been to the bottom of every bottle
These five words in my head
Scream “Are we having fun yet?”
Yet?, Yet?, Yet?, no no Never made is as a wise man
I couldn’t cut it as a poor man stealing
And this is how you remind me
This is how you remind me This is how you remind me
Of what I really am
This is how you remind me
Of what I really am
It’s not like you to say sorry
I was waiting on a different story
This time I’m mistaken
For handing you a heart worth breakin’
I’ve been wrong, I’ve been down
Been to the bottom of every bottle
These five words in my head
Scream “Are we having fun yet?”
Yet?, Yet?, Yet?, no no
Sensya na tinapos ko e :)— Ang kantang nagpatalo kay Constantine Maroulis sa American Idol tsk tsk tsk!!
6. Nu Ha naman –Lovers In Paris Soundtrack
7. Mag exercise tayo twing umaga by Yoyoy Villame may bonus pang butchikik
tagay ko daw ulet ang mga magagandang babaeng ito …. grace, kathy, lica, little light, ives, micah, maan.
| 2.5 |
Viewed 84 times by 32 viewers


piapot


