Tibay ng loob

Uncategorized

napadpad sa tibay ng loob ang komento tungkol sa Gusto kong maging writer entry.
Kung tibay din lang ng loob ang usapan, marami ako nyan di lang sako sako siguro. Yan yung pangunahing premyo na nakuha ko mula sa pakikipaglaban sa buhay.

Sabi dun sa binabasa kong koleksyon ng mga akda ni Bo Sanchez ang You Have The Power to Create Love, kung meron ka daw nararamdamang problema sa buhay, sakit at pait ng mga karanasan, wag mo daw pigilin ang emosyon. Ang makaramdan ng anumang emosyon ay hindi kasalanan, kaya kung me galit ka ilabas mo wag mong takasan sa pamamagitan ng pag inom o pagpupumilit na masaya ka at walang iniisip na kahit na anong agam agam sa dibdib. Kung sobrang sakit ang nararamdaman mo at gusto mong mag-isa, pumunta ka sa isang kwarto at umiyak. Nannamin mo ang lungkot na nararamdaman. Yakapin mo ang sakit. Pira- pirasuhin mo ang mga pangyayari. Habang umiiyak ka alamin mo kung bakit ka umiiyak, ipaliwanag mo ito sa iyong sarili (tignan natin kong rasyonal ka pang mag-isip sa gitna ng depresyon :)).

At pagkatapos noon, tyak pag labas mo ng kwarto ay makakahinga ka na ng maluwag.

Kahit hindi ako relihiyosong tao, nasasarapan akong basahin ang mga sulat ni Bo Sanchez. Pero mas madalas yung sutil kong isip laging umaarangkada….

Paano naman kung hindi maging rasyonal ang taong nakakaramdam ng sakit?

Sa loob ng kwarto, habang sa pagnanamnam ng mabigat na problema, umiiyak e lalong nadepress. Tyak yan kundi magbibigti e tatalon sa bintana.

Madalas mangyari dito yan sa kinalalagyan ko. Dahil ang mga tao ay abala sa pagtatrabaho, pagkagaling sa opisina, didiretso ng bahay, magmumukmok. Hindi dito uso yung tatambay sandali sa katabing unit dahil di naman sila magkakakilala. Dahil sa pressure siguro ng buhay nila ay talamak yung sakit na depresyon. wala silang masabihan ng mga nararamdaman nila kaya sinasarili na lang nila ang lahat ng sakit.

Kaya ang tendency makikita mo na lang sila sa dyaryo, tumalon sa building (ang pangunahing pagpapakamatay na ginagawa nila).

Ang tao pag kinulang sa defense mechanism, nawawala sa reyalidad….. sana dinagdag nya sa artikulo nya ang therapy :) ……tama ba ko?

Viewed 673 times by 171 viewers

RSS feed | Trackback URI

8 Comments »

No comments yet.

Name (required)
E-mail (required - never shown publicly)
URI
Subscribe to comments via email
Your Comment (smaller size | larger size)
You may use <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong> in your comment.