Stokwa

Noong maliliit pa daw kami ang sabi ng nanay ko, ako daw ang pinakamabait sa amin, pinakamasunurin. Siguro ay mga dalawa o tatlong gulang ako noon, pag kailangan daw kaming iwan sa bahay para maghanap sya ng makakain sasabihan nya lang akong “wagkang aalis jan ha sandali lang ang nanay.”. Tatango lang daw ako habang nakatingin sa kanya ang animo inaantok kong mata. Mahaba haba din ang oras ng sandali nya dahil yun ang mga panahong patago syang nagtitinda ng isda habang ang tatay ko ay nagtatrabaho sa konstruksyon.
Pagdating daw nya, kung saan nya ako iniwan, madalas ay sa may pinto na may harang ay doon nya rin ako madadatnan, punong puno ng dumi at basang basa sa ihi.Dahil sa ilang mga katangian na yun, nasabi ng mga taong nakapaligid sa akin na mahina daw ang loob ko.
Pero ang sabi ng sis ko, kung tutuusin daw ay ako ang pinakamalakas ang loob sa amin. Naalala nya pa daw noong mga Grade 2 ako ay lumayas daw ako, hindi nya alam kung ano ang dahilan basta maghapon daw akong hinanap ng mga tao sa bahay. Ang naalala ko lang, e umalis nga ako at nagpunta sa isang kamag-anak, naglakad ng may mga apat na kilometro o hindi lang mula sa bahay, pero ni sa hinagap hindi ko naisip na paglalayas yun.
Noong nag kolehiyo ako, di lang iilang beses na hindi ako umuuwi sa bahay, isang araw, dalawang araw, tatlong araw. Mas madalas ang mga araw na hindi ko pag uwi ay walang paalam. Dahil iniisip ko, kung mag papaalam ako ay hindi ako papayagan, kaya mas magandang wag na lang mag - paalam. At pag nag sabi naman ako, ang isasagot sa akin ng nanay ko ay “magpapaalam ka pa e kahit hindi ka papayagan aalis ka!”
Ngunit para sa akin ang mga pag alis ng ilang araw na yun ay hindi naman pag lalayas. Dahil pag naglayas ako tyak hindi na ko babalik.
***“Stokwa 1985 (children of streets courtesy of Perla Paredes Daly ©2004. All rights reserved”
Viewed 595 times by 159 viewers

Balak ko na nga ring maglipat pero hindi siguro sing-dalas mo…hehehe. Tamad akong magkalikot ng template. Hintayin ko yung sponsor ko at masipag yun.
Sayang naman yung mga previous post mo.
OMG Nalen! Bakit nagdisappear yung blog mo? Okay lang naman kung mag-mourn ka kahit sandali. Kc binigay mo yung sarili mo dun sa blog na yon. 250 entries yon… yung blog ko nga 152 entries lang e.
Magbigay ka naman ng mga leksyon na natutunan mo… lalung-lalo na para sa mga katulad ko (na hindi marunong magback-up).
Kakatawa picture mo.
Pero bilib ako sayo… tama yan… parating positibo. Sana mas marami ang katulad mo na hindi nawawalan ng lakas ng loob.
Hi Melai!
Binabalak ko na din nga mag-switch sa WordPress pero talaga pala, eh, lagi ako mag-back-up ano?
Sayang nga naman ang mga nakaka-aliw mong mga entries na bigla na lamang nawala. Kahit ba sa ache ng Google di na makita? Ano ba yan?
Dinaanan ko pala pwesto ni nanay mo kahapon pero walang mga tao doon. Tanghali kasi ako nadaan.
ann,
pero oks lang …fault ko naman kasi talaga e.
lol nakahanap naman ako ng tinigilan kong template yun nga lang nagkaproblema ang domain ko which is fault ko na rin…. next time pag nakapagpalit ako ng template di na muna ko magpapaiba-iba kasi kakapagod din e diba..dun lang nauubos ang oras ko.
good luck sa magiging new domain
nakita ko na yung mga entry ko sa cache kaya lang matrabaho unlike kapag galing sa dati kong host… isang salpakan lang yun at mareretain ang mga dates
Toe,
Una po lumipat kasi ako ng hosting, pangalawa alam kong lilipat naman ako hindi ko kaagad inasikaso yung pag baback-up nga at yung pagmimigrate ng mga files ko..nagpatumpik-tumpik pa ko e alam ko namang matatapos na yung one year ko sa dating host saka matatapos na rin ang taon…syempre busy lahat ng mga tao at walang bangko….(di pa ko nagbabayad) buti na lang mabait si Ferdz
Iyon na siguro ang pinakamagandang lesson sa pagbablogging, yung pagbaback-up, ikaw madali lang ang back-up mo, click mo lang ang export dyah sa admin page mo e automatic na masasave sa computer mo o sa email mo ang back-up mo, siguro sa may mga sariling domain at least once a month mag-back-up.
Hehehehe napagtripan lang yung pic, umattend kasi kami ng children party na puro matatanda ang nagparty lol.
eric,
kahit naman po sa blogspot kailangan talaga magback-up e, pero minimal ang problem sa mga free blog hosting dahil nasa kanila ang database, kahit anong mangyari nandoon pa rin yun unless yung free blog hosting ang mawala.
kaya kapag may sariling domain dapat talaga magback-up kasi sila yung humahawak ng mga files nila.
nakita ko sa cache ang mga old entries ko..now kailangan kong magsipag na kopyahin lahat yun, unlike kapag nag-back-up ako isang bagsakan na lang po at pati ang mga dates nandun pa rin.
mga 2:30 to 3 PM sila dumarating doon kasi e kaya di mo nga sila makikita
Happy New Year pala sayo
nay. ang hirap ng ganun.
huh? ganda pa naman ng mga entries mo dun…
sorry about that po. musta naman new year mo jan?
naku, mukhang magpapaturo pa ako ng mga bagong idea sa yo. pop ako sa google chat mo kahapon kaso sinupladahan mo ko.
anyways, sana matuloy na pagdalaw ko sa singapura this end-month at makamayan man lang kita! Ingat po!
Ang importante nde ka na bitter di ba, te? Nakakalungkot pero ganun naman yata talaga, minsan may mga kailangan na tayong i-let go… sa kaso mo, ang sandamak na posts with matching sandamak na comments
(pinaalala ko pa talaga na sandamak ano? hehehe)
At ang pinakamaige, balik na ang manilenya! Yey!
Fan mo rin ako! Nyahahha
Teka, paano ba mag-back up sa WP,te? Pwede rin bang makuha ang iyong serbisyo sa WP tutorials? Hehehe
Ingats lagi, te Nalen! Mwuaah!
start na tau ulit ate!
start of something new nga diba? hehehe.. binuhay ko lng ung sa bloggoing ko, dahil nagse-save ako ng mga dati kong entries.. hehehe.. syempre naman, gusto ko pa ring maging manilenya..
hehehe.. love you ateng!!!
jay,


di mo pa siguro nababasa yung my new year’s eve entry ko
doon mo malalaman kung kumusta ang new year ko
nakita ko na ang cache ng mga old entries ko jay kaya lang baka ilagay ko na lang siya sa manilenya.wordpress.com ko parang ala UNANG BAGSAK NG BLAG NG BOBANG PINAY
wahhhhh di kita napansin sensya na baka maglolog out na ko nung kakausapin mo ko sorry po.
okey antay ko pagpunta mo dito naks naman hehehehehe ano ko artista para makamayan mo man lang? lol! basta libre mo ko hehehehehe!!!
she,
aray!! waaahhhhh!!! sabihin pa daw ba yung sandamakmak? di bale alam ko na kung paano ko huhugutin yung sandamakmak na yun …. yun nga lang medyo nakakapagod pati mga comment grabeh pero oks lang basta mahugot masaya na ko
ikaw since hosted ka magrequest ka sa may ari ng domain mo ng back-up madali namang yatang kausapin si ethel dahil binigyan ka nga ng libre diba
karmi,
at magback up ka ha lol!
wab u too carme….. umpisahan mo na sayo
Sa maniwala ka at sa hindi, lagi kang nasa isip ko. Kada maiisip ko ang blog ko or wala akong maisip na entry punta kaagad ako dito sa blog mo. At kung hindi mo itatanong, hinahanap ko ang number mo sa archive ng emails ko at chat. Hindi ko nakita.
Anyways, baka naman may paraan para mahanap mo or maibalik ang old entries mo.
Sana lang.
menalan, makapag back up na nga rin.. pano ba yun? LOL!
sorry to hear that you lost your entries, sana makuha mo ulet sila.
love the picture! kiss ka raw ni lucho!
Sa Wari MO,

baka maibalik na yung mga entries ko nagreply na yung dati kong host yun nga lang may xtra chargedaw pero okey lang bsta ba maibalik lang diba
salamat nasabi ko na touched ako dito sa comment mo
super close na tayo grabeh!!
pero wala akong natatandaang utang sayo para lagi mo ko maisip lol!!!
basta friends forever pramis??
smarie,
hindi ko alam kung paano mag back up sa blogger pero alam ko wal namang problema dyan e ang may problema ay yung mga may sariling domain, sa inyo naman pwede pa nga maimport yan sa ibang blogging tool e
uyy nagustuhan ni Lucho yung pic ko kasi para kong clown lol!!! buti hindi sinabing “wow mouse!!!!”
ay, sama ko rin s NYR ko yang bak-ap na yan, last year na reformat pc na ginagamit ko dito kaya lahat ng pix ko at files ay naglaho….syete, walang natirang pix kundi yung mga naisingit ko sa blog at frenster ko….
ngayon dapat wais na ko, gagamit na ko ng surf.
t-cher,
oopps kaw pala s t-cher akala ko kung sino lol!!
hay naku lalo pa ngayon na may domain ka na lagi kailangan back-up kaya sabihan mo si tikey abah kailangan bak apan ka nya lagi lol!!
dag dag trabaho hehehehe
dami mo na palang posts, sayang nawala pa, nag-ala david copperfield ba? check mo sa ilalim ng tasa baka nandun lang sila.
plamis!
Shet wala akong readers na kasing dami ng sa iyo.
Bakit kaya?
*inggit*
mare! sayang naman yung mga entries mo kung mawawala na lng dami din nun ah?
Nalen, ok lang yan. Hahaha. Nagsalita ang taong di makapagbura ng message sa celfone.
May natanggap nga pala akong blog entry sa email? Sa iyo ba galing yun?
Weird really.
Noong nagreply pala ako sa iyo, buong listahan nadamay dahil doon sa reply all button, dami nagalit sa akin. Sinabihan pa ako na spammer. Grrr.
Nabasa pa tuloy ni Bro Vince. LOL
At bigla kang nawala sa gmail chat
At sino naman yatang HATER mo? sikat ka na talaga may HATER ka na!
ay ang kulit kasi! migrate mo na blog mo sa hosting ko! libre hosting ko sa mga bloggers just email me
FREE HOSTING FOR BLOGGERS!!!!!!!!!!!!
love you ate melai!!
bakit naman feeling lang? sinulat mo pa rin yun. don’t be intimidated.
Kung wala ka PayPal siguro pwede itong Amazon Honor System.
Alam ko feeling. Ilan na ba yong na RIP kung blogs…. Kaya dapat, back-up. back-up, back up, Dito sa WP meron sya noon Export. mas mabilis sya. Subukan mo kaya yong mga feed readers mo, o kaya sa technorati.
Good Luck.
naku, reminder na ulit sakin to na kelangan ko mag-archive….
anyway, kahit malungkot ang sinapit ng blog mo… bagong taon nga naman, mangarap tayo… and let’s pursue other adventures (sensya, hirap nako sa Tagalog)
wag mo na lang pansinin ang mga detractors mo. next time na lang ako tatawag uli.
crost22,
wala nga e ni kahit sa ilalim ng baso di ko rin nakita
Sa Wari Ko,
marami ka ring reader di mo lang alam
marami kasi nagagalingan sayong magsulat
kaya lang ikaw yata ang mahirap abutin e
ang sabi ng isang blogger na nabasa ko sa komento ng isang blogger
madalas daw hindi ang laman ang pinupuntahan
kundi ang blogger mismo
napa-isip ako doon
ano ba ang pinupuntahan sa blog ko
ako o ang mga entries ko
para sa akin mas maganda sana kung yung ako mismo at pati na mga entries ko diba?
pasensya na sa gulo na ginawa ko ha….sabi ko nga di na mauulit e
tanga talaga ako
di marunong magforward ng message
kaya ako may HATER kasi nga yung forwarded email na sinend ko
nag sorry na ko sa mail
alam kong tumanggap ng pagkakamali
sana sila rin alam nilang tumanggap ng apology
wala pala akong natanggap na tawag kagabi
jlois,
pre makukuha ko daw sabi ng dati kong host
may extra charge nga lang daw
Paeng,

blog entry ba yun?
forwarded email lang yun
nagandahan ako sa message
di ako gaano nagfoforward ng message at di ko naisip mag BCC
sorry ha.
Mark,
hehehehhe kulit ba?
e kawawa naman tong blog ko
wala pang bayad pero kailangan kong bayaran
sige bigyan mo na lang ako ng hosting
gawa ako ng daily shots photo blog
oi sorry sa forwarded message ha
karmi,
love u too karmi
nag online ako e tulog ka na naman
uy
good luck sa new blog
jonell,
uunga naman
ei salamat sa pagbisita
myepinoy,
yung free wordpress blog lang ang mayroong export e kaya nga naexport ko yung konting entries ko sa manilenya.wordpress.com ko
pero oks na baka daw maretrieve yung mga old entries ko sabi ng dati kong host yun nga lang may extra charge daw pero oks lang basta makuha
delish,
hahahaha! inglisera ka kasi
yeah kailangan nga mag back-up ka na rin sayang din mga entries mo magaganda pa naman
Sa Wari Mo,
heheheheh para naman akong celebrity o pilitiko nyan may detractors lol
salamat po
at sige hintayin ko yung next time
yan si ate Nalen!
ey, pati ako, napadalhan ng mga emails mo kay Miko, yun tuloy, madalas chat namin, Lol!
so dapat pala nagbaback up… dami ko pang dapat matutunan dito…
kakamiss magblog….
wala ko ma-ambag na cash pre kasi puro tseke eh, ang pwede kong magawa… bigyan ka ng libreng hosting sa reseller account ko
sabihin mo lang, libre transfer ng files….
Hapi New Year!
O yan! nagmamagandang loob na si major para sa libreng hosting mo daw sa reseller account nya!
dami talagang mabait na blogger. 
Vince,
hehehehe sensya na hindi ko alam na naka reply all ako e
uhmmnn nakita mo tuloy tsismisan namin lol!!
razz,
busy ka na naman?
major,
hehehehehe loko lang ako sa pera sus naman kutusan kita dyan pre e
uyy salamat totoo ba yan?
kaso may usapan na kami ni Ferdz dito e kakahiya namang umatras diba
malaki na naitulong nya sa kin
kasi wala pa tong bayad hehehehehe!
jlois,
hahahahah pre di na ko magkamayaw dalawa na silang nag-aalok ng libreng hosting lol
bait sa kin ni LORD nung nagkamali akong mag forward ng message nya lol!!
me umaway man ayan nakita ko naman mga nagmamahal sa kin lol!!
Ang saklap naman ng nangyari po sa inyong blog. Lahat ng inyong pinaghirapan sa loob ng ilang buwan, kaching-kaching.
Mahirap talagang mawalan ng mga pag-aaawing alam mong pinaghirapan mo po, at sa isang iglap lang, parang sninatch ng Budol-budol gang sa may bangketa. Mabigat sa kalooban. Kung ako sa iyo, magpapakamatay na ako. Loko lang po.
Sabihin na lang nating hindi talaga para sa iyo na itago mo pa ang mga iyon. Sabi nga nila, pag mas lalo mong hinahanap, mas lalo mong hindi mo mahahanap. Wag mo na lang gaanong alalahanin. Malay niyo po, biglang magsalita yung monitor niyo at mag-ala Charo Santos-Concio na magkukwento sa yo ng iyong buhay.
O siya, maagang pagbati sa araw ni Santo Valentino sa iyo, manang ^_^
Neil,

hahahahaha
teka nga pala
malapit ko na syang maretrieve
sa halagang limang daan lol!!
kaya kailangan maglagay ako nga ads sa blog ko ng mabalik ang limangdaan
Gusto ko yung sinabi mo. It’s a new year; wala dapat bitterness. Alam ko masayahin kang tao, pero di ko alam senti ka rin pala. Cheers! =)