Welcome
      Welcome

      Maligayang pagbisita sa aking blag! If you like what I write you can easily subscribe using the button(s) in the sidebar!

      Please visit this site
    Recent Comments
      Shout Out!
    Sponsors
» 2005 » December

Handwriting Analysis

The results of my analysis say:

I plan ahead, and are interested in beauty, design, outward appearance, and symmetry.
I am a social person who likes to talk and meet others.
I am affectionate, passionate, expressive, and future-oriented.
I am a talkative person, maybe even a busybody!
I enjoy life in my own way and do not depend on the opinions of others.

Viewed 87 times by 37 viewers

Hindi ko alam kung bakit bibisita lang tong c Pipay sa ken e bibigyan pa ko ng isang napakahirap na assignment tsk tsk tsk……

Perfect Lover daw …. tag ko to …. tag nyo rin!!

1.) The tagged victim has to come up with 8 different points of their perfect lover

2.) Need to mention the sex of the target.

3.) Tag 8 victims to join this game & leave a comment on their Comments saying they’ve been tagged.

4.) If tagged the 2nd time, theres no need to post again.

Target: Male

1. Kailangan me talent syang kausap. Ibig kong sabihin pwede mo sya makausap ..anything under the sun, hindi kailangang may matutunan ako sa kanya, basta nde lang ako mababato sa pakikipag usap sa kanya kahit 24 oras pa.

2. Kailangan maramdaman ko yung “magic” …. take note: HINDI AKO NAMAMAGIC NG KAGWAPUHAN LANG!!!!

(ang hirap grabeh!! Hindi ako yung klase ng babae na may particular qualification kasi na hinahanap e kuuuuu Pipay ka!!!!)

3. Yung hindi ko sya hinahantay …pero biglang dumarating sya ….(sana magets hehehehe!!)

4. Mas MAHAL nya dapat ako kesa sa mas mahal ko sya…

5. MATURE MATURE MATURE …. immature kasi ako at times or should I say feeling bata ako not immature …I need someone to regulate me but not exactly control me …..(gets nyo ba? lol!!)

6. Responsible. I dont need a damn ass stupid guy!!

7. He MUST be someone who can sing “WHEN SHE CRIES” by Restless Heart ( ayan naku nagiging sentimental na naman ako lol!!

8. A God-fearing person. Same with ate Pipay!! I am a lazybones most of the times when it comes to hearing masses … the guy should carry me to church lol!!!

Hindi kasama sa Tag:
(naalala ko lang ….THe Mole usually play this song bago mag umpisa at matapos ang program nya sa Pinoy 95.5 before —–GOD i miss it really!!!!!)

When She Cries

Artista: Restless Heart

The road I have travelled on
Is paved with good intentions
It’s littered with broken dreams
That never quite came true
When all of my hopes were dying
Her love kept me trying
She doesn’t has to hide
The pain that she’s been through

(Chorus)
When she cries at night
And she doesn’t think that I can hear her
She tries to hide all the fears she feels inside
So I pray this time
I can be the man that she deserves
‘Cause I die a little each time
When she cries

She’s always been there for me
Whenever I’m falling
When nobody else believed
She’d be there by my side
I don’t know how she takes it
Just once I like to make it
Then the tears of joy
Will fill her loving eyes

(Repeat chorus)

So I pray this time
I can be the man that she deserves
‘Cause I die a little each time
When she cries

****Kung tulad sana ng lalaking kumanta ng song ang lahat ng lalaki sa mundo …wala na sanang umiiyak na babae!!!

****D ako senti mode pramis!!

Kayo naman ang susunod: grace, kathy, lica, little light, ives, micah, isa na lang waaaaahhhh!!! kaw ang huli maan

Rate this:
2.5

Viewed 97 times by 41 viewers

Isang pinay.
Frustrated singer, dancer at pwede ring
Frustrated bold star
Pinakamatanda (at pinakabunso) sa tatlong magkakapatid.
Puro kami mga babae.
Isang Single Mom.
mahilig magmuni-muni.
mahilig mag-isip di lang halata.
dating aktibista sa puso, sa isip, sa salita at sa gawa.
mananatiling aktibista sa salita, sa salita, sa salita at sa salita.

Bobang Pinay:

Sa totoo lang wala pa namang tumawag sa aking ng boba. Tanga, lampa, nerbyosa, matatakutin, mahina, mabagal kumilos. medyo mabagal mag-isip (sa salita ngayon kung baga “slow”, iyakin. Iyan daw kasi ako noong bata pa kaya hanggang sa paglaki dala-dala ko na yang mga karakter na yan.

Takot ako sa dilim kaya maging ang mga nakababata kong mga kapatid, madalas akong takutin noon kapag oras na ng tulugan, patay man o bukas ang ilaw habang nakahiga madali nila akong takutin.

At dahil “slow” ako katumbas na rin iyon ng katangahan. Ilang beses pa pauulit-ulitin bago ko maintindihan ang sinasabi sa akin. Pero mas iniisip ko baka bahagi yun ng pagiging matigas ng ulo ko na hindi pa nila nakita sa akin noong bata pa ako. Sabi nga ni nanay ako daw ang pinakamabait sa amin e. Pero yun pala matigas ang ulo, mahirap pagsabihan. O napapagsabihan pero hindi nang-iintindi.

Bawat kilos ko hindi pwedeng walang sakunang mangyayari, hindi pwedeng walang mababasag, hindi pwedeng walang mababali, hindi pwedeng walang masisira. Basta hindi pwedeng walang negatibo o masaklap na mangyayari.

Mahina?

Hindi ko alam kung mahina ang ulo, pero sa pangangatawan mahina nga daw ako. Kinailangan pang ipagnobena daw ni nanay para lang tuluyan ng gumaling kaya noong minsang gusto kong subukang magsimba sa ibang relihiyon nagpatintero pa kami sa may pintuhan. Sukdulang itago ni nanay ang tsinelas ko para lang hindi makalabas ng bahay. Pero ano nga ba magagawa niya sa isang batang matigas ang ulo?

Mahina sa akademiko?

Hindi naman daw. Dahil pag nasa lower section naman ako ako ang nangunguna sa klase at talagang sobra ang nilalaktawan kong section pagdating ng susunod na taon. Yun nga lang dahil sa susunod na taon matatalino na ang mga kasama ko sa silid aralan, natotyope na ako, bumababa ang tingin ko sa sarili ko at hindi na magpapapasok sa klase kaya ang siste balik ulit ako sa lower section sa susunod na taon.

Pasan-pasan ko na ang mga bawat personahe na gustong makita sa kaloob-looban ng mga taong may ganyang “katangian”. Kaya ang mga taong nasa paligid ko kapag may nakikita ng bago o kakaiba (tingin nila noon lang nilang nakitang ginawa ko) ay parang nagtataka sila. Ako daw ba iyon?

Pero siguro nauunawaan din nila na lahat ng bagay nagbabago. Kasabay ng pagdagdag ng mga taon sa edad ko ay ang pagdagdag ng lakas, kaalaman, tyaga na matuto, tapang ng loob at kapal ng mukha.

Maaring hindi na ako yung tumimo sa isipan nilang ako noong bata pa ako. Dinurog na ng mga karanasan ang dating batang iyon at ako’y naging bagong tao.

Ang konting laman ng isip ko ay nagagamit sa pakikipag transaksyon sa anumang legal matters nag pamilya (pag-aayos ng papeles, pakikipag-usap sa kunwari mga tao, pagpunta sa mga gov’t agencies na may kinalaman sa pamilya at kung ano-ano pa).

May mga panahon na hindi na kinakain ang dibdib ko ng takot.

Ang mahihina kong mga daliri na ni hindi daw makapisil ng kalamansi ng maayos para makuha ang juice, ay nakapagbigay ng aray sa likod ni tatay noong natuto akong magmasahe ( e di ngayon nakaganti na ko sa kanya!)

Yun nga lang mabagal pa rin ako maka catch-up. Madalas walang “sense” ang mga lumalabas sa bibig ko. Madalas para pa rin akong tanga. Madalas hindi pa rin ako makapagdesisyon ng maayos. Madalas nagiging boba ako.

Kung iisipin talagang boba ako …boba na nagpapanggap na matalino.

Rate this:
2.5

Viewed 131 times by 56 viewers

wala na naman ako magawa
nangalikot na naman ako ng template
tsk tsk tsk tsk….
hmmmnn mukhang cool naman kaya ok lang :)

****

isang babay lang ke laptop…
kukunin na ng me ari e…
naiiyak ako grabeh!!!

****

pero dito ko mas naiiyak
binilan ako ng levis ng sis ko sa pinas
laki sa ken
kaya bebenta ko na

FOR SALE …..anyone???

****

grabeh yan, bumili sya dito para sa kanya kulang P5,000
imported daw kasi from Philippines lol!!

****

so nung umuwi sya sa pinas
nagpabili ako sa kanya
P2,500 lang :)
****

pag nawala si laptop
wala akong choice kundi
titigan na lang ulet c power puff
at ang tropang stuff toys sa harap ko
tsk tsk tsk!!!

****


dami kong mga chikiting hehehehehehe!!!

DI NAMAN HALATANG WALA AKONG MAIBLOG ANO?!!

Viewed 89 times by 36 viewers

Christmas is over…
But not here…
Still celebrating
With my sister, her husband herns
And husband and wife Ramani and Marj
****
Got headache for a week
But I’m fine now
Clear from headache….
Because of vodka??
lol!!!!
****
I should have drink since the first day
Hahahahhaha!!!!
****
Currently on our third pitcher
****
My sister called
Have to stay with them
While they’re having singing contest
Laterzzzz

Viewed 80 times by 35 viewers

naghihintay pa rin……………………..
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
|
AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!
kakapagod maghintay!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Rate this:
2.5

Viewed 82 times by 36 viewers

Your Career Type: Social

You are helpful, friendly, and trustworthy.
Your talents lie in teaching, nursing, giving information, and solving social problems.

You would make an excellent:

Counselor - Dental Hygienist - Librarian
Nurse - Parole Officer - Personal Trainer
Physical Therapist - Social Worker - Teacher

The worst career options for your are realistic careers, like truck driver or farmer.

Kung nag aral lang sana ako!!!!!
Pero syempre masarap maging palamunin lol!!!!

Viewed 85 times by 39 viewers

I always love the sunset…
I have this strange feeling every time I see it.
Time halts.
I see nothing.
I feel like I’m alone
but not lonely of course.

A mystifying thoughts
always crop up
unto my mind

I feel relax
I can see the sun’s hands reaching out to me
while the sight of darkness
starting to cover the sky
embracing me…
cuddling me….

para sa akin ito yung panahon ng pagpapahinga mula sa maghapong kapaguran.
madalas mapagod ang mga isip natin sa kung ano anong bagay na mas madalas hindi naman kailangang isipin
madalas din mapagod ang mga katawan natin sa araw araw na pag gampan sa pang araw-araw na gawain natin maging sa opisina o sa bahay man.

yung pagsulyap ko sa paglubog ng araw ay nagsasabing …tapos na …bukas naman….matutulog ako ng mahimbing ngayon …at pag gising ko ay may bagong bukas.

Viewed 83 times by 36 viewers

napadpad sa tibay ng loob ang komento tungkol sa Gusto kong maging writer entry.
Kung tibay din lang ng loob ang usapan, marami ako nyan di lang sako sako siguro. Yan yung pangunahing premyo na nakuha ko mula sa pakikipaglaban sa buhay.

Sabi dun sa binabasa kong koleksyon ng mga akda ni Bo Sanchez ang You Have The Power to Create Love, kung meron ka daw nararamdamang problema sa buhay, sakit at pait ng mga karanasan, wag mo daw pigilin ang emosyon. Ang makaramdan ng anumang emosyon ay hindi kasalanan, kaya kung me galit ka ilabas mo wag mong takasan sa pamamagitan ng pag inom o pagpupumilit na masaya ka at walang iniisip na kahit na anong agam agam sa dibdib. Kung sobrang sakit ang nararamdaman mo at gusto mong mag-isa, pumunta ka sa isang kwarto at umiyak. Nannamin mo ang lungkot na nararamdaman. Yakapin mo ang sakit. Pira- pirasuhin mo ang mga pangyayari. Habang umiiyak ka alamin mo kung bakit ka umiiyak, ipaliwanag mo ito sa iyong sarili (tignan natin kong rasyonal ka pang mag-isip sa gitna ng depresyon :)).

At pagkatapos noon, tyak pag labas mo ng kwarto ay makakahinga ka na ng maluwag.

Kahit hindi ako relihiyosong tao, nasasarapan akong basahin ang mga sulat ni Bo Sanchez. Pero mas madalas yung sutil kong isip laging umaarangkada….

Paano naman kung hindi maging rasyonal ang taong nakakaramdam ng sakit?

Sa loob ng kwarto, habang sa pagnanamnam ng mabigat na problema, umiiyak e lalong nadepress. Tyak yan kundi magbibigti e tatalon sa bintana.

Madalas mangyari dito yan sa kinalalagyan ko. Dahil ang mga tao ay abala sa pagtatrabaho, pagkagaling sa opisina, didiretso ng bahay, magmumukmok. Hindi dito uso yung tatambay sandali sa katabing unit dahil di naman sila magkakakilala. Dahil sa pressure siguro ng buhay nila ay talamak yung sakit na depresyon. wala silang masabihan ng mga nararamdaman nila kaya sinasarili na lang nila ang lahat ng sakit.

Kaya ang tendency makikita mo na lang sila sa dyaryo, tumalon sa building (ang pangunahing pagpapakamatay na ginagawa nila).

Ang tao pag kinulang sa defense mechanism, nawawala sa reyalidad….. sana dinagdag nya sa artikulo nya ang therapy :) ……tama ba ko?

Viewed 96 times by 40 viewers

masarap makakilala ng kapwa blogger/manunulat!asteeg!
-aps-

Hindi maipaliwanang yung nararamdaman kong emosyon kaninang makita ko ang mga salitang ito sa cbox. Speechless. Walang deskripsyong katumbas. Basta ang alam ko, para akong isang bata na binigyan ng isang lollipop dahil sa maliit na bagay na ginawa ko. Kung binigkas ito sa akin ng harapan, tyak magmismistula itong lullabye na magtutulak sa akin sa isang mahaba-haba at mahimbing na pagtulog (na matagal ko ng hindi nagagawa) —-pasensya na hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang tuldok.

Eksaherado akong masasabi para sa iba, pero wala akong pakialam. Dahil hindi nila alam kung ano ang nararamdaman ng isang taong nagpupumilit magsulat pero eto tinawag na manunulat.

GUSTO KONG MAGING WRITER

Pamagat ng pocketbook na binili ko noong asa ikalawang taon ako ng BS Pshycology sa PUP. Sinulat ng isang Illustrator/writer sa komiks na dating magbobote daw at hindi nakatapos kahit man lang high school. Nabigyan sya ng pagkakataon na magsulat ng mga nobela sa isang sikat na publikasyon at nakaisip gumawa ng libro na makakatulong sa mga taong nagbabalak o may hilig sa pagsulat, kasikatan ng mga Valentine Romances at iba pang pocketbook noon.

Binili ko yung libro hindi para isakatuparan yung matagal ko ng gusto, ang makapagsulat at kumita ng konting pera sa isang 120 pahinang kwento ng pag-ibig, kundi yung matutunan lang ang basic ng pagsusulat.

Sa awa ng Dyos nakagawa ako ng mga karakter, plot at nakapag umpisa ako ng isang chapter. Hanggang doon na lang. Naalala ko ang sabi sa libro, ang isang kwento ay may simula at may wakas, at kung baga sa outline may mga maliliit na chapter para masabng may istorya, pero ang kwento ko nagsimula lang ngunit hindi nagwakas. Yun yung madalas kong marinig sa nanay ko noon, puro lang daw ako simula walang wakas o bigla ko daw winawakasan ang mga bagay o pangyayari sa buhay ko samantalang nagsisimula pa lang. Hindi nga siguro ako pwedeng maging manunulat kung ganon.

Di ko maiwasang alalahanin noong nag aaral pa ko, sa haba ng exams sa elementarya sa bandang essay lang ako parang na eexcite. Kahit na tapos na ko sa pagsusulit, naipasa na’t lahat ng mga kaklase ko ang mga papel nila, andun ako sa isang tabi kinakalabit ni ma’am nagtatanong kung ipapasa ko pa ba ang exam ko, paulit ulit ko kasing binabasa yung essay na sinulat ko, animo naging fan ako ng sarili kong gawa. Natutuwa rin ako noong high school dahil sa Speech and Drama class ay nakakagawa ako ng mga tula at nilalapatan ng ito ng musika para maging awit. Di ko rin maiwasan ang humanga sa maiigsing skit na kelangang gawin para gamitin sa maliit na programa.

Pero dahil sa hindi ako organisadong tao ….ang konti kong mga likha hindi ko naitabi …SAYANG!!!!

Kumuha pa ko ng kursong Journalism noong kolehiyo.. gusto ko nga sigurong magsulat.
Pero hindi nga aata ako para doon. Nilayo ng pagiging mapulitika ko ang pangarap na niyakap ko na mula pagkabata o nilayo ako ng aking mababang “self-esteem” sa pagsusulat? Ewan ko …siguro nga….

Kaya nga siguro, malaki ang nagawa sa akin ng pagbablog, dahil dito ko naisakatuparan ang pagnanais kong makapagsulat.

Pero bigla akong inabot ng reyalisasyon na hindi ako dapat matuwa sa sinabi ni aps dahil ang ako ay isang blogger na nagpupumilit lang maging manunulat. Hindi ko pala ito espesyal na talento.

Umurong akong bigla..na parang bang isang bata na inagawan ng lollipop.

Viewed 100 times by 41 viewers


maraming salamat kay ann at kay kadyo sa buena manong christmas card na ito ..MABUHAY KAYO!!

Binabati ko kayo ng isang MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON!!

Viewed 74 times by 31 viewers

Sa maliit na kahon na aking kinalalagyan…
maraming mga bagay ang pumapasok sa aking isipan…
puro imahinasyon na hindi mailarawan…
pilit kong hinuhugot ngunit ayaw lumabas.

Nakatali ata ako
sa melodramang kinatha
ng aking utak.

Gusto kong ipahayag
Ngunit kahit ang mga letra ay hindi ko maaninaw…
malabo….
magulo….

Habang ang mga tao sa labas ay nagsasalimbayan….
kumikilos…
gumagalaw…
eto ako
nananatiling nakatitig sa kawalan.
Hinahanap ang mga sagot sa aking mga katanungan.
Manaka-nakay nagmamasid…
tinitignan ang kanilang mga sayaw
sabay sa ihip ng hangin na hindi tumatama
sa aking katawan…..
na hinaharang ng kahong aking kinalalagyan.

Rate this:
2.5

Viewed 68 times by 32 viewers

Sa maliit na kahon na aking kinalalagyan…
maraming mga bagay ang pumapasok sa aking isipan…
puro imahinasyon na hindi mailarawan…
pilit kong hinuhugot ngunit ayaw lumabas.

Nakatali ata ako
sa melodramang kinatha
ng aking utak.

Gusto kong ipahayag
Ngunit kahit ang mga letra ay hindi ko maaninaw…
malabo….
magulo….

Habang ang mga tao sa labas ay nagsasalimbayan….
kumikilos…
gumagalaw…
eto ako
nananatiling nakatitig sa kawalan.
Hinahanap ang mga sagot sa aking mga katanungan.
Manaka-nakay nagmamasid…
tinitignan ang kanilang mga sayaw
sabay sa ihip ng hangin na hindi tumatama
sa aking katawan…..
na hinaharang ng kahong aking kinalalagyan.

Viewed 79 times by 35 viewers

i just finish fixing my other site …… got a new template ..check it out.[

click here to view :)
 i’ll make up with this blog next time ….

so sleepy here!!!!

zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz!!!

Rate this:
2.5

Viewed 67 times by 31 viewers

STOKWA
by

Sabik sa hangin sa daang sobrang dilim
Ako’y naaaning sa mga asong matatalim
Liwanag ng araw luha ng ulap na bughaw
Sinong mananagot sa isang katulad kong takot
Nawawala ako’y stokwa Nawawala ako’y gala
click here to get the mp3
Rate this:
2.5

Viewed 78 times by 32 viewers